Chapter 44

70.5K 1.6K 178
                                    

Warning: SPG..
--------------------

Chantria's POV

"Mommy! Mommy! Look!"

Natawa ako habang nakatingin kay Thaddeus na ngayon ay pinapakain ang maliit pa lang na giraffe habang nasa balikat ni Theo. Agad kong hinugot ang phone ko para kuhanan sila ng litrato.

"You should try this too, honey!" Isinigaw ni Theo dahilan para mapalingon sa kaniya ang ilan pang mga kababaihan. Kahit hindi ko sabihin, alam kong kanina pa pinagpepyestahan ng tingin ng mga kababaihan si Theo.

Ngumisi ako bago maglakad palapit sa kanila. Lalo akong napangiti tuwing naririnig ko ang pagtawa ni Thaddeus.

"Hon, tingin." Tawag ko kay Theo habang nakataas sa ere ang kamay ko hawak ang cellphone ko. Saktong paglingon niya ay ang pagclick ko sa camera dahilan para tatawa-tawa ko 'yong tiningnan, halatang gulat siya at nasa akin ang paningin.

"Wait--what? Did you just call me hon?" Gulat niya pang tanong kaya nilingon ko siya.

Nagkibit balikat ako. "Guni-guni mo lang 'yon." Tawa ko pa.

Maski ako ay nakaramdam ng kilig dahil sa sinabi. First time kong tawagin si Theo ng ganoon, ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang tensyon sa loob ng tyan ko dahil sa sinabi kong 'yon.

Halos mapuno ang storage ng phone ko kaka-picture, lalo na sa tuwing nagpapakain si Thaddeus ng iba't ibang hayop dito sa zoo.

"Theo, ibaba mo na muna si Thad. Hindi ka ba nangangawit?" Tanong ko sa kaniya sa kalagitnaan ng paglalakad. Huminto naman kami ng buhatin muli ni Theo si Thaddeus para kargahin.

"Nope, this is the best feeling ever, Brielle." Sagot niya sabay ngiti. "Do you want to eat, son?" Baling naman niya kay Thaddeus na mabilis ding tumango habang kumakain sa hawak niyang cotton candy.

Ilang saglit pa ay umalis na kami sa zoo, hanggang sa loob ng kotse panay pa rin ang pagkekwento ni Thaddeus patungkol sa mga nalaman niya sa mga hayop na nakasalamuha niya.

"Yep, that's my son." Tatango tangong baling sa 'kin ni Theo habang nagmamaneho.

Huminto ang sasakyan ni Theo sa harap ng restaurant, kusa na akong lumabas bago buksan ang pintuan sa likod at para alalayan si Thaddeus na lumabas.

Agad lumapit si Theo para hawakan ang kamay ng anak habang ang isa niyang kamay ay nakalagay sa bewang ko nang maglakad na kami papasok sa loob.

"Nagutom ako doon," Sumulyap ako kay thad. "Nag-enjoy ka ba anak?"

Tumango siya. "Yes Mommy, kasama kasi natin si Daddy." Ngumiti siya ng malapad dahilan para marinig ko ang halakhak ni Theo.

Pumwesto na kami sa isang bakanteng table, katabi ko si Thaddeus habang nasa harapan ko naman si Theo na kasalukuyang tumatawag na ng waiter. Pagkabigay ng menu ay siya namang pagtingin namin sa order.

Inorderan ko si thad ng chicken soup at banana split, habang spaghetti with meatballs naman ang akin. Chicken parmesan ang kay Theo at kung ano ano pang desserts.

Masaya ako, masaya ako dahil nararanasan namin ang ganitong bonding na hindi ko alam na posible pa lang mangyari. Masaya ako habang nakikitang masaya si Thaddeus lalo pa at matagal niyang hinanap ang Daddy niya.

"Honey, lumipat na kayo ni Thaddeus sa penthouse ko. Next week uuwi na tayo sa mansyon ko."

Mabilis akong natigilan dahil sa sinabi niya, ang paningin niya ay nasa akin. Napalunok ako at pahirapan pang nailunok ang kinakain. Matagal na panahon ko na ring narinig ang patungkol sa mansyon na 'yon.

He's The Boss (Maid Series #1) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن