Chapter 6

75.5K 2.2K 172
                                    

Chantria's POV

Nagising ang diwa ko sa kalagitnaan nang pagtulog. Mabilis akong napakamot sa pisngi at leeg ko habang unti-unting bumabangon. Pinikit ko pa muna ng ilang segundo ang mata ko bago tingnan ang oras sa wall clock.

"3:27 am.." Inaantok kong usal. Humikab pa muna ako bago tumayo at umalis sa kama. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya nagpasya akong bumaba na muna para makainom ng tubig.

Nasa second floor ang kwarto naming mga kasambahay, habang nasa third floor naman ang kwarto nila Sir Lawrence at ni Aling Rosa dahil siya rin ang mas madalas nakakausap ng magkaibigan, para na rin siguro mabilis siyang malapitan.

Madilim ang bawat sulok ng mansyon, may kaunting liwanag lang akong nakita nang makarating sa kusina. Mabilis akong kumuha ng tubig sa refrigerator.

"Hindi naman ako inuuhaw ng madaling araw, bakit ngayon lang." Bulong ko habang hinuhugasan ang nagamit na baso, nang matapos ay lalakad na ulit sana ako pabalik sa taas ngunit mabilis akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat nang makasalubong si Sir Theo na may hawak pang tasa.

"S-sir.." Gulat kong naiusal, kumunot naman ang noo niya na para bang nagtataka na nakita ako rito sa kusina.

"Chantria?" Natauhan lang ako nang magsalita siya. "Why are you still awake?" Kaswal ang pagkakatanong niya sa 'kin no'n. Lumakad siya papunta sa counter para ilapag ang dalang tasa bago ulit humarap sa 'kin.

Binuka ko ang bibig ko pero walang lumabas na salita rito. Muling nanumbalik sa 'kin ang nangyari kagabi lamang.

Tumikhim ako at pilit na ngumiti sa kaniya. "Uminom lang po, Sir. Una na po ako sa taas." Bago pa siya makapagsalita ay tumakbo na ako papunta sa itaas.

Nagsisimula na akong makaramdam ng inis kay Sir Theo. Dahil din sa ginawa niyang pagsabay kay Bianca at sa kung sino mang babae 'yon, pakiramdam ko nanumbalik ang ginawa ni Prince na pangloloko sa 'kin.

Bakit ba hindi makuntento ang mga lalaki sa isang babae?

Huminga ako nang malalim hanggang sa tuluyan nang makapasok sa loob ng kwarto. Napatingin pa ako kay Kristel na mahimbing nang natutulog sa kaniyang kama. Napabuntong hininga ako bago sumampa sa kama at mahiga.

"Paano pa ako makakatulog nito.." Bulong ko habang nakatingin sa kisame. Binalot ko naman ng kumot ang buong katawan ko dahil sa lamig. Manipis na sando lang kasi ang suot ko at isang manipis din na pajama kaya ganoon na lang ang lamig na nararamdaman ko.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko para makatulog ulit, iwinaksi ko na lang ang lahat ng nasa isip hanggang sa hilahin na ako ng antok at mabilis na nakatulog.

"Chantria! Gising na! Hoy!" Tuluyan na akong nagising kinabukasan nang maramdaman ang pagyugyog sa 'kin ni Kristel.

"Inaantok pa ako.." Mahina at nakapikit kong sagot sa kaniya.

Bakit ang bilis naman ng oras? Parang katutulog ko lang ah.

"Alas otsyo na ng umaga, kanina pa ako pabalik-balik dito, kung 'di pa kita ginising." Panenermon niya. Kaya kahit inaantok pa ay pinili ko na lang na bumangon dahil baka si Aling Rosa naman ang gumising sa 'kin.

Papikit-pikit kong tiningnan si Kristel pero ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko habang dahan-dahang bumabangon sa kama nang makitang bihis na bihis siya.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now