Chapter 8

74.9K 1.9K 165
                                    

Chantria's POV

"Wow! Nakakabilib naman pala kayo Sir Lawrence! Talagang..na-
close niyo kaagad 'yong business proposal noong nakaraang araw lang?" Namamanghang tanong ni Celestia kay Sir Lawrence na kaharap lang niya.

Hindi ko masyadong nabibigyan ng atensyon ang pinag-uusapan nila dahil sa presensya ni Sir Theo na nasa harapan ko lang din. Magkakasama kami rito sa iisang table lang.

Palihim kong tiningnan ang cellphone ko, nakita kong alas diyes na ng gabi. Ramdam ko rin na unti-unti na akong tinatamaan ng alak dahil madami dami na rin ang nainom ko.

Kasalukuyan kaming umiinom kasama sila Sir Lawrence sa iisang table, kaunti na lamang ang mga bisita, sila 'yong mga nahuli ng dating dahil siguro'y hindi puwede ng umaga at hapon. Hindi naman na namin nakasama pa sila Bianca at Aling Rosa dahil bukod sa lasing na lasing na si Bianca, ayaw rin daw magpagabi ni Aling Rosa.

"Ito pa oh." Umangat ang tingin ko sa lalaking naglapag ng pulutan sa harapan ko. Nakita kong nasa akin ang paningin niya kaya mabilis ko siyang binigyan ng tipid na ngiti.

"Tibay mo ah." Saad ng kuya ni Luna sa 'kin na mabilis ko ring nakilala dahil panay ang bigay niya sa 'min ng pagkain, siya rin ang unang lumapit sa 'kin para magpakilala, alam kong wala siyang interes sa 'kin kaya ganoon na lang ang pagtanggap ko sa kaniya.

Natawa ako. "Hindi rin, medyo natatamaan na rin ako." Kumuha ako ng natchos na nakalagay sa harapan ko.

"Eh Sir, sino ba ang mas matalino sa inyo ni Sir Theo?" Muli akong napatingin sa kanila dahil na rin sa tanong ni Celestia na namumula na ang mukha, indikasyong lasing na.

Tumingin ako kay Sir Lawrence na bakas na rin ang kalasingan dahil panay na ang pagngiti niya, namumula na rin ang dalawang tenga niya.

"Of course, it's Theo," Napatingin kaming lahat kay Sir Theo na kasalukuyang lumalagok ng alak sa kaniyang baso. Nakabukas na ang dalawang butones nya sa itaas ng kaniyang polo, mapupungay na rin ang asul niyang mga mata. "..he's the one of the best student when he's in college. At hindi lang 'yon, madami rin siyang naging girlfriend na ka-batch niya--I-i'm mean fling because girlfriends are not his thing." Tumawa ulit si Sir Lawrence.

Hindi na ako magtataka pa ro'n dahil nga playboy si Sir Theo. Sigurado ako na puro magaganda at mayaman ang nagiging girlfriend niya.

Tsk, girlfriends are not his thing? Eh ano 'yung babaeng nakita ko sa kwarto niya? Sinungaling.

"Kinabahan pa nga ako dahil akala ko nakabuntis na siya!" Doon ulit ako nag-angat ng tingin kay Sir Lawrence bago kay Sir Theo na masama na ang tingin sa kaibigan.

Muntik nang..makabuntis?

Tumikhim si Sir Theo sabay tingin sa 'kin pero mabilis din siyang nag-iwas bago ibaling muli ang paningin sa kaibigan. "Shut up shithead, you're making me nervous."

"Bakit..kasi natatakot kang..ayawan ka niya?" Tumatawang ani pa ni Sir Lawrence na papikit-pikit na rin. "Thanks bro, this ass already facing his fear." Dagdag pa ni Sir Lawrence habang nakatingin bahagya sa itaas bago tatawa-tawang tumingin kay Sir Theo na nag-iigting pa ang pangang nag-iiwas ng tingin.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now