Chapter 23

65K 1.5K 105
                                    

Chantria's POV

"Ano?! Hindi mo alam na si Sir Theo ang boss natin?" Humagalpak sa tawa si Luna dahilan para manginit ang dalawang pisngi ko, mabuti na lang at nandito kami sa kusina kung saan kami-kami lang ang tao.

Mabuti nga at nakayanan ko pang maglakad pabalik sa pwesto namin kanina matapos malaman ang lahat ng 'yon kay Sir Lawrence.

Suminghal si Kristel. "Sinasabi ko na nga ba, kaya nga ganoon na lang ang pagtataka ko kung bakit kay Sir Lawrence ka nagpapaalam na umalis at hindi kay Sir Theo na katabi pa man din ni Sir Lawrence."

Lalo akong nakaramdam ng hiya nang maalala 'yon.

"E bakit nga pala si Sir Lawrence ang napagkamalan mong boss natin?" Tanong naman ni Celestia. Nagbaba ang tingin ko sa mga daliri ko bago magpakawala ng buntong hininga.

"D-dahil.." Sumulyap ako saglit sa kanila, ang hiya ko ay lalong nadagdagan. "..dahil nung time na nag-apply ako sinabi ni Aling Rosa na nandiyan na ang boss natin!" Hinawi ko ng bahagya ang buhok ko. "Tapos nakita kong unang binati niya si Sir Lawrence, kaya binati ko rin, ang sabi ko sana tanggapin niya ako bilang katulong, ang sabi naman niya tanggap na ako." Mahabang paliwanag ko habang pilit inaalala ang lahat ng sinabi sa 'kin ni Sir Lawrence.

"Eh gago pala 'yon eh." Komento ni Kristel dahilan para muling matawa si Luna ng bahagya.

Kinagat ko ang labi ko, ang buong pagkatao ko ay masyado nang nilalamon ng hiya. Hindi ko alam na ang totoong boss ko pala ay si Sir Theo..si Sir Theo na minsan ko nang pinakitaan ng hindi magandang pakikitungo.

At si Sir Theo na makailang ulit na akong hinalikan at inangkin..

"Hayaan mo na, ang mahalaga alam mo na ang totoo, Chan." Humagalpak muli si Luna sa tawa na bahagyang sinabayan nila Kristel at Celestia.

Kaya natapos ang gabing 'yon na balisa ako, hindi rin ako halos nakatulog ng maayos dahil sa nalaman.

"Papasok ka ng ganyan ka-bangag?" Tanong sa 'kin ni Kristel kinaumagahan. Alas singko pa lang ng umaga pero maaga na akong kumilos para pumasok.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya bago isukbit ang bag sa likuran. "O-oo, masama ba?" Kunwaring inis kong tanong sa kaniya pero tinawanan niya lang ako bago humiga muli sa kama.

"Ikaw ang bahala, hay nako Chantria."

Mabilis akong nag-iwas ng tingin bago tuluyang lumakad palabas ng kwarto, pinagmasdan ko pa ang buong hallway ng second floor pero mabuti na lang dahil walang katao-tao. Dahan dahan akong lumakad pababa.

I-tetext ko na lang sila Luna na nauna na akong pumasok.

"Chantria?" Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang may tumawag sa pangalan ko, mabilis ko namang tiningnan si Aling Rosa na nagtatakang nakatingin pa sa'kin habang nagpupunas ng kamay gamit ang hawak na basahan.

"A-aling Rosa.." Napalunok ako ngunit lalong tumaas ang kilay niya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Ano't napakaaga mo naman yata?" Tumingin siya sa wall clock na nasa harapan namin. "Alas singko pa lang hija, baka mamaya kayo lang ang estudyante sa University niyo."

Kumunot ang noo ko. "Kayo?" Lito kong tanong kaya mabilis siyang tumango.

"Mm, ikaw at ang iba pang mga ligaw na kaluluwa." Sagot niya bago ako talikuran, bahagya pa akong natawa at wala sa sariling sumunod sa kaniya na ngayon ay papunta sa kusina.

He's The Boss (Maid Series #1) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum