Chapter 29

59.4K 1.5K 488
                                    

Kristel's POV

"Chantria, hindi mo naman kailangang umalis. Problema na ni Bianca kung mag-amok siya nang mag-amok, pero ibang usapan naman na yata 'yong kailangan mo pang umalis para mag-adjust." Sambit ko habang nakatingin kay Chantria na ngayon ay nag-iimpake ng kaniyang gamit habang lumuluha.

Suminghap siya at pilit na ngumiti sa 'kin. "Kristel, kung hindi ko 'to gagawin mas lalo lang magkakagulo kaya para na rin sa kapakanan ng lahat, ako na lang ang lalayo." Pinunasan niya ang luhang pumatak sa mga mata niya. "B-babalik naman ako kaagad kapag maayos na at kapag malamig na ang ulo sa 'kin ni Bianca."

"Kailan pa?" Inis kong tanong sa kaniya. "Hindi mo man lang ba naisip si Sir Theo?"

Natigilan si Chantria dahil doon dahilan para magkaroon ako ng kaunting pag-asa na 'wag niyang ituloy ang balak niya, ngunit ang kaunting pag-asa na 'yon ay mabilis naglaho nang dahan-dahan siyang umiling.

"'W-wag mo na lang sabihin sa kaniya na uuwi muna ako sa 'min, k-kailangan ko rin 'to para sa sarili ko Kristel, kaya sana maintindihan mo." Pagtatapos niya sa usapan kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang panoorin siya sa ginagawa hanggang sa tuluyan na siyang matapos.

Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko habang nakatingin kay Chantria na ngayon ay isinusukbit na sa kaniyang likuran ang kaniyang bag na may lamang mga gamit niya.

Naiinis ako kay Bianca, dahil sa kaniya aalis si Chantria ng mansyon gayung wala naman siyang ginagawang mali. Hindi kasalanan ni Chantria na nagustuhan siya ni Sir Theo at hindi si Bianca. Masyadong makitid ang utak niya para hindi matanggap ang bagay na 'yon.

"Mauna na ako Kristel, i-tetext kita kapag nakauwi na ako." Aniya kaya mabilis ko siyang niyakap na mabilis niyang ginantihan.

"M-mag iingat ka, tawagan mo ako kapag may problema dahil susunduin talaga kita doon." Basag ang boses kong sinabi dahilan para marinig ko ang bahagyang pagtawa niya bago humiwalay sa 'kin.

"Kaya ko naman ang sarili ko," Huminga siya nang malalim. "Iyon nga lang hindi ko alam kung paano ulit haharapin ang mga taong naiwan ko roon, lalo na ang ex ko." Tumawa siyang muli, na alam ko rin namang pilit.

"Kaya nga 'wag ka nang umalis! Bakit mo ba kasi kailangang pakinggan 'yang si Manang Rosa? Nakakainis!" Reklamo ko sa kaniya habang kuyom na ang dalawang kamao.

"Kristel," Aniya. "Alam ng mga mas matatanda kung ano ang dapat gawin kaya sundin na lang natin. Sige na, mauna na ako dahil baka hindi ako makahanap ng bus." Suminghap siya kaya mabilis ko siyang sinundan nang lumakad na siya pababa.

Sakto namang naabutan namin sila Luna, Celestia at Manang Rosa na halatang hinihintay rin si Chantria.

"Oh My God! Totoo ba? Aalis ka?" Salubong ni luna kay Chantria na bahagyang pagtango lang ang sinagot bagay na lalong kinagulat ni Luna. "Ano?! Teka, alam na ba ni Sir Theo 'to? Wait ha ipapaalam ko 'to sa--"

"Luna, hindi na kailangan." Mabilis kaming napatingin kay Manang Rosa dahil sa pagputol niya kay Luna.

Nangunot agad ang noo ni luna sa pagtataka."B-bakit naman po?"

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now