CHAPTER III

1.1K 43 0
                                    

"Tenyente, kapitan, si Konsi Delgado, nandito" Biglang usap ng baguhan na pulis sa amin ni kapitan Rivera kaya napatingin muna kami sa isa't isa bago tuluyang tumayo.

Nandito kami ngayon sa bahay ng mga Rivera, gaya nga ng sabi niya ay binyag ng anak niya kaya halos puro mga kapulisan din ang mga nandito sa party nila.

"Wala naman siya siguro dito para magpalakas sa atin mga kapulisan" Seryosong usap pa ni Kapitan Rivera habang naglalakad na kami palapit sa kapatid kong Konsehal.

"Hindi mo ba siya ininbitahan?" Takang tanong ko pa sa kaniya, umiling naman siya bilang sagot.

"Paano niya nalaman tong binyagan sa inyo?" Takang tanong ko pa sa kaniya, agad naman siyang napatigil sa paglalakad at humarap pa sa akin.

"Hindi kaya isa sa mga tao natin ang hawak ng mga Delgado?" Takang tanong pa niya sa akin.

"Posible, pero kailangan pa rin muna natin makasigurado kung may kinalaman ba talaga ang mga Delgado sa isyu ng bayan na ito patungkol sa illegal na droga na yan, kailangan na rin siguro natin itago tong operasyon na ito sa ilang mga kasamahan natin sa departamento" Usap ko pa sa kaniya kaya tumango naman siya sa akin bilang pang sang ayon.

Nang makarating na kami sa labas ng bahay ng mga Rivera ay doon na namin nakita si Konsehal Delgado na kausap ang ilang mga mamamayan dito sa Isidro.

Si Konsehal

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Si Konsehal. Cloie Dale Delgado ang nag iisang kapatid ko sa nanay, malapit kami sa isa't isa dahil kadalasan ay nasa bahay ako ng mga Delgado sa tuwing sinusundo ako ng mommy namin sa bahay namin ni Sir Dad at kung minsan naman ay si Cloie Dale ang mismong pumupunta sa bahay namin ni Sir Dad para doon na mag stay. Mula ng magkaroon kami ng kaniya kaniyang trabaho ay naging busy na rin kami pareho, bihira na lang kami kung magkita at bihira na lang din ako pumunta sa bahay ng mga Delgado. Hindi naman nawala ang closeness namin sa isa't isa, kung ano kami nung mga bata kami ay ganon pa rin kami sa isa't isa, sadyang wala lang kaming mga oras para magkita at magkasama pa ng matagal.

Nang makita na niya kami ni Kapitan Rivera ay agad siyang nagpaalam sa mga ito para harapin na kami pareho ni Kapitan.

"Kapitan, Tenyente, nandiyan na pala kayo" Bati niya sa amin kaya agad din naman nakipag kamay sa kaniya si Kapitan Rivera.

"Napadaan lang ako, nabalitaan ko kasi na binyag pala ng anak mo kapitan kaya idadaan ko lang sana tong regalo ko" Usap pa niya atsaka binigay ng body guard niya ang isang box kay kapitan Rivera.

"Salamat, konsi, nag abala pa kayo. Pasok na muna kayo sa loob para makakain na muna kayo at konting inom na rin" Pag imbita pa ni Kapitan sa kaniya pero agad din naman siyang tumanggi.

"Hindi na, hindi na, paalis na rin ako, kakausapin ko lang din tong kapatid ko" Usap pa niya kay Kapitan Rivera kaya taka pa akong napatingin sa kaniya.

"Ah ganon po ba? Sige, konsi, una na ako sa loob, salamat po ulit sa regalo" Pasasalamat pa ni Kapitan

"Tenyente Santiago" Usap pa niya sa akin kaya napatango na lang naman ako

"Sunod na lang ako sa loob, kapitan" Usap ko pa sa kaniya bago siyang tuluyan pumasok sa loob ng bahay nila.

Nang maiwan na kaming dalawa sa labas ay niyaya na niya ako sa loob ng sasakyan para doon na mag usap. Nang makapasok na kami pareho ay agad din siyang humarap sa akin at ngumiti.

"May family dinner sa bahay, punta ka" Nakangiting yaya niya sa akin kaya napatingin na lang naman ako sa kaniya.

"Tayong tatlo lang nila mommy, wala si dad" Pahabol pa niya. Alam na alam talaga niyang hinding hindi ako pupunta sa bahay na yon kapag nandoon ang daddy niya, ramdam ko kasing ayaw non na nandoon ako kaya hindi talaga ako mapapapunta doon ni Cloie Dale na nandoon ang daddy niya.

"Subukan kong magpaalam na sa mga katrabaho ko para sumunod na sa inyo" Usap ko sa kaniya kaya agad niya akong niyakap ng mahigpit.

"Namiss kita, Gab! Sure akong miss ka na rin ni Mommy" Nakangiting usap pa niya sa akin kaya napangiti na lang din ako

"Kamusta kayo ni mommy?" Pangangamusta ko pa sa kanila.

"Busy ako sa City Hall, si mommy naman, busy sa mga halaman niya sa garden" Natatawang sagot niya sa akin.

"Bakit nga pala may pa dinner ka ngayon? Anong meron? Hindi niyo naman birthday ni Mommy ah" Takang tanong ko pa sa kaniya ngayon.

"Wala naman, nung nakaraan pa kasi nangungulit sa akin si mommy na mag dinner tayong tatlo kahit sa labas na lang daw tayo kumain, e sakto naman na wala si Dad kaya sa bahay tayo mag dinner" Nakangiting sagot niya sa akin kaya napatango na lang ako.

"Asahan ka namin sa bahay ah, hintayin ka namin ni Mommy" Bilin pa niya sa akin bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan niya.

"Okay, okay, ingat ka" Bilin ko pa sa kaniya bago tuluyan isara ang pinto ng kotse niya. Agad ko naman ng sinenyasan ang mga body guard niya na umalis na at agad din naman silang sumakay sa mga sasakyan na dala dala nila.

Sana lang talaga, Cloie Dale. sana lang talaga wala kang alam sa mga dumi rito sa bayan ng Isidro. Ayaw kitang mapahamak pero dapat ko rin gawin kong ano ang nararapat lang na gawin ko

AMARIWo Geschichten leben. Entdecke jetzt