CHAPTER XXXVI

1K 46 7
                                    

Habang patuloy pa rin sa pag iinuman at pagkwekwentuhan ang tatlong magkakaibigan ay nakatanggap naman ng tawag si Mickenzie mula kay Kapitan Rivera na agad naman niyang sinagot habang taka ng nakatingin sa kaniya ang kaibigan na isa rin pulis.

"Kapitan?" Bungad ng Tenyente.

"Nasan kayo ni Tenyente Perez?"

"Kailangan ko kayo rito sa bahay ng mga Gomez"

"Gomez?"

"Bakit anong nangyari?" Tanong pa ng Tenyente habang tinapik na ang kaibigan na tumayo na rin sa kinauupuan nito

"Dito ko na lang ipaliwanag sa inyo pero sa ngayon ikaw ang pinapatawag ni Architect Gomez, pakidalian na lang dahil kailangan na siyang dalhin sa hospital agad-agad"

"Yes sir!"

Kinuha naman agad ni Mickenzie ang susi ng kotse niya at agad na hinagis yon sa kaibigan niyang doktora.

"Mukhang may nangyari kila Sherryl, mukhang may nangyari rin hindi maganda kay Sherryl dahil kailangan na rin daw dalhin si Sherryl sa hospital" Usap ng tenyente kaya wala naman na silang sinayang na oras pa at agad na umalis papunta sa bahay ng mga Gomez.

Hindi pa man tuluyan nakakarating sa bahay ng mga Gomez ay doon na nila nakita ang mga kasamahan nilang pulis.

"Mukhang kilala ko na kung sino ang may kagagawan nito" Inis ng usap ni Mickenzie bago tuluyan bumaba sa sasakyan niya, agad naman sumunod ang mga kaibigan niya sa kaniya at doon na nga nila nakita ang ilan mga bakas dulot ng mga sunod-sunod na pamamaril sa bahay ng mga Gomez.

"Sir!" Pagsaludo ng isang pulis kila Gail at Mickenzie at ganon din naman ang dalawang tenyente.

"Anong nangyari rito?" Tanong ni Mickenzie.

"May nakapagreport na kapitbahay ni Architect Gomez na mayroon ngang pamamaril naganap dito sa bahay ng mga Gomez at ganito na nga nadatnan namin" Pagreport pa ng pulis

"May mga tao ba sa loob? May nasaktan ba? Si Architect Gomez?" Sunod-sunod na tanong ni Mickenzie habang naglalakad na palapit sa bahay ng mga Gomez.

"Si Architect Gomez lang po ang tao at nandoon lang po siya sa isang tabi sa loob ng bahay niya" Sagot pa ng pulis

"May tama po siya sa balikat niya pero ayaw pa ho niyang magpadala sa hospital" Dagdag pa ng pulis kaya agad naman tumakbo ang magkakaibigan sa loob.

Nang makapasok na sila sa loob ay doon na nila nadatnan ang kaibigang arkitekto at kapitan na patuloy pa rin sa pagkumbinsi kay Sherryl na magpadala na sa hospital.

"Sherryl!" Gulat na tawag ni Mickenzie sa kaibigan ng makita ang kaibigan nitong puro dugo na ang balikat, agad naman niya itong nilapitan pero nanatili pa rin itong tulala at walang imik.

"Teka! hihiram lang ako ng gamit don sa kakarating lang na ambulansiya" Aniya pa ni Janie at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

"Oh my god! Sherryl!" Gulat na gulat na usap ng kaibigan niyang si Madison na kakapasok lang sa loob ng bahay ng mga Gomez.

"Bakit ka pa pumunta rito? Delikado" Gulat na rin usap ng nobya na nitong si Gail pero hindi naman na siya nito pinansin at dumiretso na lang ito palapit sa matalik na kaibigan.

Ilan saglit pa ay nakabalik na rin si Janie dala dala ang isang bag na puro gamit sa pang gagamot.

"Sherryl, masyado ng maraming dugo mawala sayo"

"Tatalian ko lang ito pero kailangan mo pa rin sumama sa akin sa hospital para tanggalin ang bala na nasa loob nito" Aniya na ni Janie habang inaasikaso na ang braso ng kaibigan na rin niyang arkitek.

Tumango naman na ito habang yakap yakap na ang braso ng kaibigan na tenyente, kaya ng matapos na si Janie ay agad na rin niyang pinabuhat si Sherryl palabas ng bahay nito para dalhin sa hospital.

"Ikaw na Mickenzie, mukhang sayo lang siya sasama" Aniya pa ng doktora kaya napatango na lang naman ang tenyente.

Si Mickenzie na nga ang maingat na nagbuhat sa kaibigan pero habang buhat buhat na niya ito palabas ng bahay ay nawalan na nga ng malay ang kaibigan nito.

"Masyado na kasing maraming dugo ang nawala sa kaniya" Aniya pa ng doktora habang sinasakay na nila si Sherryl sa ambulansiya.

"Kami na bahala ni Madison sa kaniya, tapusin niyo muna yung dapat niyong gawin dito" Usap pa ng doktora sa dalawang kaibigan kaya napatango na lang naman ang mga ito.

"Torreliza!" Tawag ni Mickenzie sa isa pa nilang kasamahan na pulis.

"Sundan niyo ni Porcalla yung ambulansya, siguraduhin niyong ligtas sila Doktora hanggang makarating sa hospital" Utos pa ni Mickenzie

"Yes sir!"

Pumasok naman na ulit ang dalawang tenyente sa loob ng bahay ng kaibigan at doon nila nadatnan ang ang kapitan na hawak hawak ang isang gusot na gusot na papel.

"May kilala ba kayo kung sino maaring may gawa nito?" Tanong ng kapitan sa dalawang tenyente.

"Malamang sa malamang si Mr. Delgado nanaman"

"Dahil konektado si Sherryl sa anak nitong si Konsi Delgado" Sagot ni Gail.

Ano nanaman ba ginawa ng kapatid ko para madamay naman ngayon si Sherryl?

Matapos imbestigahan ng lugar ay minabuti na muna itong pinasara at pabantayan sa ilang mga kapulisan habang sila Gail at Mickenzie naman ay dumiretso na sa hospital.

"Kamusta si Sherryl?" Bungad na tanong ni Mickenzie sa kaibigan na si Madison.

"Nasa emergency room pa kasama ni Doktora Amari at ni Janie" Sagot ni Madison kaya napatango na lang naman ang tenyente.

"Ikaw ba? Okay ka lang? Gusto mo ba ng tubig o ——

"Okay lang ako" Pagpuputol na sagot ni Madison sa nobya at niyakap na lang niya ito.

"Sana okay lang siya" Usap pa ni Madison kaya hinagod hagod na lang naman ni Gail ang likod ng nobya.

"Huwag kang mag alala kayang kaya nila doktora yon" Pagpapalakas pa ng loob ni Gail sa nobya.

Ilan saglit pa lumabas na rin ang dalawang doktora mula sa er kaya agad naman nagsilapitan ang magkakaibigan sa mga ito.

"Kamusta si Sherryl?" Biglang tanong ni Madison sa dalawang doktora.

"Ligtas naman na siya ngayon pero kailangan pa rin niyang magpahinga dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya" Sagot ni Amari.

"Hayys Salamat"

"Salamat, Doktora Amari, Janie" Pasasalamat na ni Madison sa dalawa kaya tumango na lang naman ang mga ito.

Sa muling pagkakataon ay muling nagtagpo ang mga mata ng doktora't tenyente ngunit sa pagkakataon na ito, ang doktora na mismo ang kusang umiwas

Na agad rin na nagpaalam sa magkakaibigan.

"Mag iikot ikot na muna ako sa mga pasyente ko" Paalam pa nito kaya napatango na lang naman ang pinsan niyang doktora habang napatingin na lang naman ang magnobyang si Gail at Madison sa kaibigan nilang tenyente.

Awit! Ginamitan ng Reverse Card si Mickenzie.

AMARIWhere stories live. Discover now