CHAPTER X

1K 42 0
                                    

AMARI VLEU'S POV

"Ayy sa wakas! kanina pa kita hinihintay, tenyente" Biglang usap ni Janie at tumayo na para lapitan si Tenyente Santiago. Doon ko naman nakita ang braso niya na mayroon ng tali at punong puno na ito ng dugo.

"Mag iisang oras na yang bala sa braso mo, siraulo ka ba talaga? hindi ako nagdoktor para tanggalin lang ng tanggalin ang mga balang papasok sa katawan mo, Santiago" Sermon pa ni Janie sa kaibigan habang hila hila na ito paupo sa isang upuan sa emergency room.

Agad naman inabot ng mga nurse ang mga gagamitin ni Janie para sa pagtanggal ng bala sa braso nito, napailing na lang naman ako ng makitang nagpapacute pa ang ilang mga nurse kay Mickenzie kaya ni wala ano-ano ay pumasok na rin ako sa emergency room para paalisin na ang mga ito.

"Isa lang ang pasyente dito kumpara sa ibang kwarto, kaya bakit pa kayo nandito? naabot naman na ninyo ang mga dapat niyong inabot kay Doktora Torres kaya hindi na kayo kailangan dito"

"Sige na, asikasuhin niyo na lang yung dapat niyo pang asikasuhin doon" Usap ko sa mga nurse na nandito.

"Opo doktora" Sagot pa ng isang nurse bago tuluyang lumabas ng emergency room.

Nang harapin ko naman sila Mickenzie ay nakatingin na sila sa akin magkakaibigan habang natatawa pa naman sa gilid nila si Tenyente Perez, hindi ko naman na ito pinansin at nilapitan na lang si Janie para kunin sa kamay niya ang mga gamit.

"Ako na rito, hinahanap ka na ng ibang pasyente mo, sila na lang muna asikasuhin mo" Simpleng usap ko na sa kaniya, taka pa naman siyang tumingin sa akin bago tuluyang tumango.

"Sabi ko nga, tara na nga Gail" Sagot pa niya bago tuluyan hilahin din palabas si Gail palabas.

"Grabe ka naman dok, nakiki window shopping lang yung mga nurse e" Todo ngiti pang bulong sa akin ni Gail pero hindi ko na lang naman ito pinansin.

Ginawa ko na lang naman na ang trabaho ko at maingat na kinukuha sa braso niya ang balang sinalo niya para lang masigurong ligtas kami.

Kung wala si Mickenzie ng mga oras na yon ay malamang na malamang ay sa akin mismo tama ng bala na yon. Hindi ko alam na sa simpleng yakap pala ay posibleng maligtas ang buhay ko.

Niligtas ni Tenyente Santiago ang buhay ko.

"Ano ang nasa isip mo?" Biglang tanong niya, napatingin naman ako sa kaniya ngunit nakatingin na rin pala ito sa akin, ako naman na ang umiwas ng tingin at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko.

"Ang sungit mo talaga doktora"

"Pati yung mga nurse pinaalis mo" Usap pa niya.

"Puro pagpapaganda kasi ang alam, hindi naman makakatulong yon sa pag galing ng pasyente" Sagot ko naman sa kaniya na siya naman naging dahilan mahinang pagtawa niya.

"Siguro sa iba, hindi talaga, pero sa akin effective naman" Seryosong usap pa niya habang tinitignan ang balikat na tinamaan sa kanya.

Taka naman akong tumingin sa kaniya habang sinuklian niya lang ito ng napaka tamis na ngiti.

"Sino ba naman kasi ang hindi gagaling kung ganito kaganda yung doktora" Rinig ko pang usap niya kaya napapangiti na lang naman ako habang nililinis na ang sugat niya.

"Narinig ko yon, tenyente" Nasabi ko na lang

"Edi congrats, doktora, hindi ka bingi" Biro pa niya kaya bahagya ko naman pinandiinan ang bulak na may alcohol sa sugat niya.

"Arayyy!" Sigaw niya pero hindi ko na lang naman siya pinansin.

Saglit pa kami natahimik ng tahiin ko na ang maliit na bahagi ng braso niya, ramdam ko naman na nakatingin siya sa akin kaya halos hindi ko na magawa ng ayos ang trabaho ko.

"Okay ka lang?" Biglang tanong niya sa akin kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Hindi ba dapat lang na ikaw ang tanungin ko niyan?" Talang tanong ko pa sa kaniya.

"Pasensya na kung pati kayo nadadamay na rin sa gulo ng mga sindikato na yon"

"Aaminin ko, natakot ako" Seryosong usap pa niya sa akin.

"Natakot ako na baka hindi ko magawa ng ayos yung trabaho ko, natakot ako kanina dahil baka hindi kita maprotektahan" Dagdag pa niya na siyang kinabigla ko talaga

"I mean, kayo ni Doktora Janie, natakot ako na baka isa sa inyo ang mapahamak" Usap pa niya at tinignan na ang sugat niyang tapos ko na tahiin.

"Natakot ka para sa kapakanan namin pero hindi ka natakot para sa sariling kapakanan mo" Nasabi ko na lang.

"Tanggap ko nang ganito ang trabaho ko, maraming pwedeng mangyari sa amin, maaring kami ang mamamatay o maari rin na kami ang makakapatay" Seryosong usap pa niya.

"Hindi ka ba natatakot na baka may maiwan ka kung sakaling mawala ka?" Natanong ko na lang sa kaniya, umiling naman siya.

"Wala naman akong maiiwan dito, kung meron man yun ay yung sir dad ko, pero parehas naman kami ng trabaho non kaya alam kong tanggap na rin niya ang mga posibleng mangyari" Usap pa niya na para bang alam na alam na niya ng kahihitnan ng buhay niya.

Hindi ko alam pero naiinis ako sa mga naririnig ko galing sa kaniya, para bang gusto ko siyang pagalitan at sabihin sa kaniya na hindi dapat siya ganyan mag isip, na may iba pang tao na posibleng takot din na mawala siya, na dapat niya pa rin ingatan ang sarili niya.

"Salamat sa paggamot doktora, hayaan niyo magpapadala ako rito ng mga pulis para siguraduhin na hindi na maulit yung nangyari" Nakangiting usap niya bago tuluyang tumayo

"Salamat pala sa pagligtas sa amin, tenyente" Tumango naman siya at tumingin sa akin ng seryoso

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko, doktora" Sagot niya kaya napatango na lang din ako bago tuluyang tumalikod na sa kaniya.

"Ahhh, Doktora" Tawag pa niya sa akin, napahinga na lang naman ako ng malalim bago ulit humarap sa kaniya.

"Tenyente Santiago" Nasabi ko nalang pagkaharap na pagkaharap ko sa kaniya.

"Hmm, wala, salamat din sa pag gamot" Usap pa niya kaya tumango na lang naman ako.

"Ginagawa ko lang din ang trabaho ko, tenyente" Nasabi ko na lang din bago siya tuluyan iwan mag isa sa emergency room.



Trabaho lang

AMARIWhere stories live. Discover now