CHAPTER XLVI

1.1K 47 6
                                    

GAIL AZENITH'S POV

"Hindi ka ba muna uuwi para makapag pahinga?" Tanong ko sa kaniya ng makaupo na ako sa bakanteng upuan dito sa opisina niya habang buong atensyon niya pa rin tinitignan ang blue print ng buong resort.

"Baka bukas mukha kang ewan sa kasal nila Amari at Cloie ah" Natatawang dagdag ko pa.

Napailing lang naman ito at umayos na ng upo.

"Nabanggit mo na ba kila Janie at Madison ang maaaring mangyari bukas?" Biglang tanong niya kaya napailing na lang naman ako.

"Hindi, ayoko naman takutin sila tsaka baka imbis na makapag focus ako sa operasyon natin bukas e baka mailang lang ako kakabantay sa akin ni Madison" Sagot ko sa kaniya.

"Pinasama ko na sa team mo sila Toreliza at Porcalla" Aniya pa niya na siyang kinagulat ko.

Paano siya? Sino kasama niya?

"Bakit? Tsaka, paano ka? Sino-sino na makakasama mo?" Taka ng tanong ko sa kaniya.

"Mas kailangan pa rin ng mga kaibigan natin ng escort kapag nagkaputukan na, ang alam ko ang mga tauhan na ni General ang bahala sa pamilya niya at kay Amari"

Pamilya niya? Hindi ba, kasama siya sa pamilyang yon?

Hayy! kasi naman tong pamilya ng kaibigan ko, mahirap bang iparamdam kay Mickenzie na parte din siya ng pamilyang yon?

"Kasama ko naman sa grupo sila Claver at Morishita, sigurado naman akong maaasahan ko yung mga yon, kaya maganda na rin iyon nasayo sila Toreliza at Porcalla para mas mapadali na ang paglalayo niyo sa mga tao" Dagdag pa niya kaya napailing na lang naman ako.

"Dadalian lang namin doon, babalikan kita agad" Seryoso ng usap ko sa kaniya.

Natatakot ako

At nagsimula ang takot na 'to simula ng malaman kong si Mickenzie pa ang mangunguna pagdating kay Mr. Delgado, masyado ko ng kilala ang kaibigan ko kaya siguro ay ganito na lang ako makaramdam ng takot. Mabuting kaibigan pero masamang kaaway ang isang ito at alam ko kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa mga taong mahal niya, na kahit na ang sariling buhay niya ay itataya niya, pero may tiwala ako sa kaibigan ko, tiwala akong matatapos namin itong kasong ito na ligtas kami pare-pareho.

"Hanggang kamatayan" Biglang usap niya.

"Pang habambuhay"

______________________________________________________________________________

WEDDING DAY

"Nasa venue na si Mr. Delgado, tenyente Santiago" Rinig na usap ng tao ni Tenyente Santiago na si Morishita gamit gamit ang mga nasa tenga nila na 'n ear 360 flexo' (earpiece).

"Copy" Sagot ng tenyente

"Okay, team! Stay put pa rin tayo sa plan A" Usap pa ni Mickenzie sa mga kasamahan pulis kaya napailing na lang naman at napatingin ang kaibigan niyang si Gail na kausap na ng mga kaibigan nila.

"Baka mabalian na yan leeg mo kakailing" Biglang usap ng tenyente ng makalapit ito sa mga kaibigan niya.

"Ano? Ayos ka lang ba?" Tanong ng kaibigan nitong doktora kaya napatango na lang naman siya.

"Nasaan si Sherryl? Nakarating na ba siya? Huwag niyong iiwan mag isa yon ah" Tanong at bilin na ng tenyente sa mga kaibigan, sakto naman na papalapit na rin sa kanila ang kaibigan kaya agad naman itong itinuro ng kaibigan nilang si Madison.

"Yan na yung martyr na kagaya mo" Usap na ni Madison kaya agad naman nagtawanan ang magkakaibigan.

Agad naman napansin ni Stanaiah ang muling pagtahimik ng kaibigan kaya agad naman niyang hinawakan ang kamay nito at sinabayan ng ngiti.

"I love you, kaya yan!" Aniya pa nito sa kaibigan kaya napangiti na lang naman ang tenyente.

Pasimple at tahimik na lang naman nagmasid masid ang tenyente sa lugar hanggang sa

"Mickenzie, anak!" Tawag ng Nanay M nito sa kaniya.

"Nanay M" Gulat na aniya na lamang ng tenyente ng makita ang mga magulang ng doktora.

Ang unang plano lang dapat ang mapagana namin ngayon dahil sa dami ng mahahalagang tao sa amin ngayon na nandito, hindi ko alam kung ligtas ba namin matatapos itong planong paghuli namin kay Mr. Delgado.

"Tatay D" Bati pa ng tenyente sa ama ng doktora ngunit ngumiti lang naman ito at tinapik lang sa balikat ang tenyente.

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga lubos na akalain na ikakasal na ang anak ko" Aniya pa ng Nanay M nito kaya napangiti na lang naman ang tenyente.

"Sigurado naman po akong masaya si Doktora sa desisyon niya, kaya huwag na po kayong mag alala, aalagaan naman po siya ng mabuti ng kapatid ko" Nakangiting usap pa ng tenyente kaya nakangiti na rin naman tumango ang nanay m nito.

Natigil naman sa pag uusap ang dalawa ng bigla na lamang lumapit sa kanila ang isa sa mga bodyguard ni Cloie.

"Tenyente Santiago, pinapatawag ho kayo ng kapatid niyo" Aniya nito kaya napatango na lang naman ang tenyente.

"Sige,sige, susunod ako"

"Nay! Tay! Una na po muna ako" Paalam na nito sa dalawa bago tuluyan sumunod sa bodyguard ng kapatid.

Pagpasok sa kwarto kung saan nag aayos ang kapatid ay bigla na lamang itong napangiti.

"Pormadong pormado na ah, ano bang atin? May kailangan ka pa ba?" Tanong ni Mickenzie sa kapatid.

"Nakadisplay lang ito sa bahay mo, mabuti na lang at nakita ko, kundi, hindi natin to suot pareho ngayon" Nakangiting aniya ng konsehal sa kapatid ng iabot nito ang magkaparehas na bracelet na bigay sa kanila ng kanilang ina.

Sinuot naman na iyon ng tenyente kaya nakangiti naman na tumingin sa kaniya ang nakatatandang kapatid.

"Cloie Dale" Tawag pa ng tenyente sa kapatid.

"Hmm?"

"Ikaw na bahala kay Doktora ah" Bilin na ng tenyente sa kapatid, napangiti na lang naman ang konsehal sa kapatid at tinapik na rin ang balikat nito.

"Sa ngayon, sige, ako na muna ang bahala"Nakangiting sagot ng konsehal sa kapatid kaya taka na lang naman itong napatingin sa kapatid.

Agad naman na nagtungo sa kwarto ang ilang mga organizers ng kasal para sabihin na magsisimula na ang seremonya ng kasal. Agad na rin naghanda ang dalawang magkapatid kasama ng kanilang ina.

Sa pagsisimula ng kasal, nanguna na sa paglalakad ang tenyente kasunod ng kapatid nitong si Cloie, ngunit bago pa man magsimula ang seremonya ay muling pinaalala ng tenyente sa mga kasamahan na mananatiling ang unang plano ang susundin nila.

Planong hindi masisira ang importanteng araw para sa kapatid at para sa taong mahal niya.

"Nandiyan na si Amari"

AMARINơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ