CHAPTER XXX

1K 44 7
                                    

Nang makapasok sa bahay ay masayang nagkita ulit ang mag ina habang tahimik naman at seryoso pa rin ang ama ng doktora na nasa tabi ng tenyente.

"Mickenzie? anak!!" Masayang aniya ng nanay ng doktora kay Mickenzie ng makita rin ito.

"Nako! Mickenzie anak, salamat ng marami" Usap pa ng nanay ng doktora habang yakap yakap na ang tenyente.

"Para saan, nay?" Takang tanong pa ng tenyente.

"Nabanggit na kasi ng pamangkin kong si Janie ang nangyari sa anak ko at ang pagliligtas na ginawa mo"

"Kaya salamat talaga anak" Maluha luha pang usap ng Nanay M nila.

"Ginawa ko lang ho trabaho ko Nanay M tsaka malapit naman na ho sa akin yang unica hija niyo" Nakangiting sagot ng tenyente kaya napangiti na lang din naman ang Nanay M nila.

"Nay! Tay! Naguguluhan talaga ako" Biglang usap ng doktora kaya napatingin naman sa kanila ang mga magulang niya pati na rin ang tenyente.

"Siya yung nag iisang anak ni General Santiago, Amari"

"Siya yung nag iisang anak ng kaibigan ko na lagi rin niyang kwinekwento sayo" Nakangiting sagot na ng Tatay D nito.

"Ano?!" Gulat na gulat na tanong pa ng doktora kaya napatango na lang naman ang mga magulang niya.

"Siya yung anak ng taong tumulong sa atin para makapagtapos ka ng pag aaral, anak" Aniya pa ng Tatay D nila kaya taka naman tumingin sa kanila si Mickenzie.

"Mukhang marami pa kayong hindi alam sa isa't isa" Napapailing ngunit nakangiting usap ng nanay M nila.

"Bakit hindi niyo muna libutin tong isla bago tayo mag tanghalian? Total maaliwalas naman yung panahon, para magkakilanlan na rin talaga kayo kung sino ba talaga kayo" Nakangiting suhestiyon pa nito sa dalawa.

"Tama! Kailangan ko rin ho pala kasi daanan sila Aling Kosing"

"Kailangan ko pa sila kamustahin at icheck ng apo niya" Biglang usap ni Amari habang inaayos na ang mga gamit niya.

"Hindi ka ba muna magpapahinga? Okay ka na ba talaga?" Nag aalala pang tanong ng tenyente sa doktora

"Bakit ikaw ba Mickenzie anak? Okay ka na rin ba talaga at yang mga nasa kamay mo?"

"Natignan mo na ba to Amari anak?" Tanong pa ng Tatay D ng doktora, tumango naman ang doktora bilang sagot.

"Opo tay pero hayaan niyo ho sa ayaw at sa gusto nito pagbalik na pagbalik namin sa Isidro titignan ko agad yung likod niyan sa hospital" Seryosong usap ng doktora habang nakatingin sa tenyente.

"Nabanggit nga rin ni Janie yung tama niyan sa likod" Aniya pa ni Tatay D

"Mickenzie anak, makinig ka na lang kay doktora para happy ang life" Natatawa ng usap ng tatay ng doktora kaya natawa na lang din naman ang tenyente.

"Tatay D talaga" Nasabi na lang ni Amari sa tatay niya at nauna ng lumabas ng bahay.

"Una na po muna kami, nay, tay"

"Gwardyahan ko lang ho muna doktora niyo" Paalam pa ng tenyente at nagmamadaling sumunod sa doktora.

Paglabas ng gate ay agad naman napatakbo ang tenyente palapit sa doktora

"Ayon bahay namin oh!" Turo pa ng tenyente ng daanan nila ito ng doktora.

"Hindi ko alam na ikaw pala yung nag iisang anak ni General Santiago" Sagot lamang ng doktora habang patuloy pa rin ito sa paglalakad.

"Ngayon alam mo na" Natatawang usap pa ng tenyente kaya inis naman siyang tinignan ng doktora.

"De, biro lang" Kabado ng usap ng tenyente kaya napangiti na lamang ito ng pilit.

Sungit

"Close ba kayo ni sir dad? Narinig ko kasi kay Tatay D na madalas niya akong ikwento sayo" Seryoso ng tanong ni Mickenzie kay Amari, tumango naman kaagad si Amari.

"Parang pangalawang tatay ko na rin yung sir dad mo, oo, lagi niyang kwinekwento na miss ka na nga raw niya kasi mas gusto mo nga raw ron sa isa niyo pang bahay kaysa rito"

"Hiniling pa nga niya na sana magkita't makapaglaro tayo" Natatawang kwento na ni Amari.

"Nagkita na tayo kaso hindi pa niya alam" Natatawa na ring usap ni Mickenzie.

"Alam mo bang siya ang tumulong sa amin nila Tatay D para makapagsimula ng hanapbuhay, siya rin yung nagpa aral sa akin hanggang sa makapag tapos at makapag trabaho ako sa Isidro" Nakangiting aniya pa ng doktora.

"Hindi niya nababanggit sa akin ang mga tungkol sa mga bagay na ganyan"

"Pag nagkikita kasi kami pinagkakasya lang namin yung mga libre namin oras sa pangangamusta at pag usisa ng mga kasong hawak namin, hindi na namin nagagawang makapag kwentuhan pa ng matagal" Seryosong kwento na ng tenyente.

"Sa tingin ko nga rin, at sa tingin ko rin ay kailangan mo rin bumawi sa sir dad mo" Taka naman tumingin ang tenyente sa doktora na para bang nagtatanong ito na kung bakit.

"Marami pa sanang kayong oras ng sir dad mo na magkasama rito sa isla pero mas pinili mo naman na mas mapalapit sa mommy at kapatid mo"

"Nabanggit na rin sa akin yon noon ng sir dad mo, pero hindi ko naman inakala na ikaw pala yung anak na kwinekwento niya at si Cloie at Mrs. Delgado naman pala ang kapatid at ang mommy mo" Napapailing na lang na usap ng doktora.

"Hiniling kasi sa akin noon ng mommy ko na isikreto na lang namin ang tungkol doon, hindi ko na maalala yung dahilan kaya hanggang ngayon ay tinatago ko pa rin sa iba"

"At ayos lang yon sayo?" Hindi makapaniwalang tanong ng doktora sa tenyente

"Oo, alam ko naman kasi sa sarili ko non na may ibang pamilya ang mommy ko, masaya na akong close kami ng kapatid ko kahit papaano, kahit kinailangan pa namin ipalabas noon sa iba na kaibigan lang ako ni Cloie sa tuwing magkakasama kaming tatlo"

Hindi naman maiwasan mainis at maawa ng doktora sa kwento ng tenyente, kaya naman agad naman siyang napaiwas na lang ng tingin

"Kaya ba na lagi mong sinasabi na wala kang pamilyang maiiwan?" Natanong na lamang ng doktora

"Wala naman talaga doktora"

"Ang kaso nga meron, tenyente!"

"Meron kang maiiwan!" Inis na biglang usap ng doktora kaya agad naman napaatras ang tenyente at napalingon na lang sa paligid nila.

Mabuti na lamang ay walang ibang taong nakakakita at nakakarinig sa kanila.

"May pamilya ka, tenyente"

"May sir dad ka, may nanay m at tatay d ka na pinapahalagahan at minamahal ka na para bang tunay na rin nilang anak"

"At mayroon ka ring ako, na para mo na ring ----

"Kapatid?" Natanong na lamang ng tenyente.

AMARITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon