CHAPTER V

1.1K 36 2
                                    

"Mabait din pala si Tenyente kahit papaano" Nasabi ko na lang sa pinsan kong si Doktora Janie.

Ako nga pala si Doktora Amari Vleu Asuncion at isa ako sa mga doktor na nandirito sa bayan ng Isidro

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ako nga pala si Doktora Amari Vleu Asuncion at isa ako sa mga doktor na nandirito sa bayan ng Isidro. Sa isang isla sa bayan ng San Luiz talaga nagmula ang pamilya ng mga Asuncion at doon din mismo ako lumaki. Naging mangingisda ang tatay ko habang katulong niya noon na pagtitinda dito sa bayan ng Isidro si nanay. Sa awa ng diyos ay bumuti buti ang pamumuhay namin at nakakuha kami ng pwesto at iba pang mga trabahador sa palengke.

Tinulungan lang ako noon ng kaibigan ni tatay na makaluwas dito bayan ng Isidro para makapagtapos ng pag-aaral at para makapag trabaho. Talaga naman utang na loob namin ng pamilya ko ang naitulong niya sa amin para suportahan ang pag aaral ko sa medisina.

Totoo rin na pinsan buo ko si Doktora. Janie Torres dahil magkapatid ang mga nanay namin. Dito siya lumaki sa bayan ng Isidro habang ako naman ay sa isang isla sa bayan ng San Luiz. Di hamak na mas may kaya ang pamilya niya kumpara sa pamilya namin sa isla. Bihira lang kami halos magkita nung mga panahon nag aaral pa kami dahil na rin siguro sa kawalan ng oras para makapag bonding kaming dalawa. Ngunit ngayon naman ay bawing bawi na kami sa oras dahil sa buong duty namin ay kaming dalawa halos ang magkasama at kung minsan pa nga ay nagbibiruan pa kaming nagsasawa na kami sa isa't isa.

"Mabait naman talaga yang si Mickenzie, sadyang dinaig niyo lang si Tom and Jerry kung magbangayan kayo pareho" Natatawang usap pa ni Janie kaya napailing na lang naman ako.

"Yang kaibigan mo pagsabihan mo, mukhang hindi kumpleto ang araw niya na hindi ako inaasar o bwinibwisit" Usap ko pa sa kaniya habang pabalik na kami sa kaniya kaniya naming opisina.

"Sus! mamaya niyang kayo pa magkatuluyan ni Tenyente Santiago" Pangangasar pa niya kaya inis naman akong tumingin sa kaniya.

"Kung ang mga malalanding nurse dito sa hospital na 'to ay nadadaan niya sa angas, sa bait at sa ganda ng mukha niya pwes ako hindi" Usap ko pa kay Janie, tawang-tawa naman siyang humarap sa akin at napapailing pa.

"Obvious ngang hindi, detalyadong detalyado dok e" Natatawa pang usap niya kaya hindi ko na lang naman siya pinansin.

Nang makapasok na ako sa opisina ko ay gulat pa akong sumunod pa rin siya kaya naupo na lang din ako sa upuan ko.

"Kamusta ka na nga pala? Nakuha na ba yung katawan ng pasyente mo?" Pangangamusta pa niya sa akin, tumango naman ako bilang sagot.

"Nakuha na siya kaninang hapon, okay na rin siguro, salamat sa kaibigan mo" Sagot ko sa kaniya. Taka naman siyang tumingin sa akin.

"Sino ron? Si Gail o si Mickenzie?" Paninigurado pa niya.

"Hindi naman pumunta ngayong dito sa hospital si tenyente Perez, malamang lang na si tenyente Santiago yung binabanggit ko" Sagot ko sa kaniya kaya tumango naman siya.

"Oo nga naman" Kunwari pang sang ayon sa akin bago ako tarayan.

"Pero bakit?" Biglang tanong niya na siyang pinagtaka ko talaga

"Anong bakit?"

"I mean, ano bang ginawa ng kaibigan kong si Tenyente. Mickenzie Gabrielle Santiago na yon sayo at naging okay ka na? Usually naman kasi ang tagal mo bago maka move on sa mga nangyayari sa mga pasyente mo" Takang tanong pa niya sa akin kaya napaisip din ako.

"Ewan, hindi ko alam" Simpleng sagot ko sa kaniya.

"Pwede ba naman yung hindi mo alam" Angal pa niya kaya napasandal na lang naman ako sa upuan ko.

"Siguro hindi ko lang inaasahan na kaniya ko pa maririnig yung mga ganon klaseng salita, totoong gumaan ang loob ko sa sinabi niya, siguro masyado lang din akong nasanay sa pambwibwisit niya sa akin lagi" Sagot ko sa kaniya. Nakangiti naman siyang tumango bago tuluyan tumayo.

"Goodluck sa puso mo, dok" Natatawang sabi ni Jania sa akin

"At bakit mo naman dinamay sa usapan ang puso ko, aber?" Tanong ko sa kaniya, umiling naman siya at ngumiti.

"Wala naman, baka kasi nahuhulog na yan ng hindi mo pa namamalayan" Sagot pa niya na siya naman pinagtaka ko lalo.

"Ipipilit mo talagang may nararamdaman ako diyan sa kaibigan mo? Huh? Janie?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Base lang sa nakikita ko, doktora" Seryosong sagot niya sa akin.

"Hindi mo lang napapansin pero halos bukambibig mo na siya tas inis na inis ka pa lagi sa mga nurse natin na patay na patay kay tenyente" Sabi pa niya.

"Tsaka alam mo, anytime naman pwede kang bumili ng kape mo pero simula nung yayain ka niyang magkape lagi mo na tinatanong sa akin kung kailan mo ba dapat sisingilin si Mickenzie sa pinangako niya sayong libre" Natatawang dagdag niya, hindi naman ako nakapagsalita agad dahil sa sinabi niya.

"Oh ngayon na tahimik ka" Pangangasar pa niya.

"Ewan ko sayo, bumalik ka na nga roon sa opisina mo" Pagtataboy ko na sa kaniya kaya natatawa naman siyang lumabas ng pinto.

"Sabihin mo sa akin kung tama ako ah, ate Amari" Pangangasar pa niya bago tuluyang isara ang pinto, napailing na lang naman ako at napasandal ulit sa upuan ko.

"Paano ko naman magugustuhan ang bwiset na tenyente na yon? Lagi ngang nandito pero lagi rin naman akong inaasar"

"Imposible, imposible talaga, kaibigan lang ang turing ko sa tenyente na yon, sadyang nababaliw lang talaga tong si Janie" Usap ko pa sa sarili ko bago tuluyan ng ituon ang atensyon sa mga papel na nasa harapan ko.

AMARIWhere stories live. Discover now