CHAPTER LII

1.4K 55 14
                                    

"Okay na kayo? Napag usapan niyo na ba yang tungkol sa inyo?" Biglang tanong ni Sherryl sa kaibigan ng maupo na rin siya sa tabi ng doktora sa balkonahe sa labas ng kwaro ng dating tenyente.

"Nasabi ko na sa kaniya yung totoo, nasabi ko na rin na ginawa lang namin ni Cloie yon dahil sa mga banta ni Mr. Delgado" Sagot sa kaniya ng doktora kaya taka naman napatingin dito ang kaibigan arkitekto.

"Tapos?" Tanong pa nito kaya taka naman na napatingin sa kaniya ang doktora

"Ano? Yun lang?" Takang tanong pa niya ulit ng hindi sumagot ang doktora.

Dapat ko pa ba ikwento sa kaniya yung nangyari?

"Dok, kamusta naman ang pag ccpr mo kay Kapitan Santiago?" Pangungusisa na ng kaibigan nilang artista na si Stanaiah.

"Nabuhay mo ba?" Dagdag na tanong pa ni Madison habang mayroon nakakalokong ngiti.

"Ayy parang gets ko na! Hindi lang pala yon ang nangyari ah" Natatawa ng aniya ng architect ng mapagtanto ang pinupunto ng dalawang kaibigan.

Napaiwas na lang naman ng tingin ang doktora at sakto naman na napatingin sa rin sa gawi niya ang dating tenyente habang mayroon na rin namumulang mga pisnge.

Inaasar din siya siguro nila Gail.

"Kamusta ang halik ng isang astigin na Mickenzie Gabrielle Santiago?" Todo ngiti ng tanong ni Madison sa kaibigan.

"Masarap ba?" Dagdag na tanong pa ni Sherryl.

"Magaling?" Tanong pa ng artistang si Stanaiah.

What the?!

"Seryoso ba kayo diyan sa mga tanong niyo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amari sa mga kaibigan. Sabay-sabay lang naman tumango ang magkakaibigan habang naghihintay pa rin sa sagot ng doktora.

"So? Ano nga?" Tanong pa ni Stanaiah kaya tumango na lang naman ang doktora.

Kitang-kita naman sa mga mukha ang pagtataka ng magkakaibigan.

"Anong ganon?" Takang tanong pa ni Madison habang ginagaya ang pagtango ni Amari.

"Oo, lahat ng sagot sa tanong niyo, oo" Nahihiya ng sagot ng doktora kaya pigil naman tumili ang magkakaibigan.

"My god! Label na lang ang kulang" Biglang usap ni Sherryl kaya natawa naman ang mga ito.

"Required ba label sa pag ccpr?" Tanong ni Stanaih kaya natawa nanaman ulit ang mga ito.

———————————————————————

"Ano na sunod mong plano kay Amari?" Tanong ng kapatid ng dating tenyente rito.

"Oo nga, nagkaaminan na kayo oh, okay na rin ang lahat, ikaw na lang ang kikilos mismo, Mickz!" Dagdag na aniya pa ng kaibigang doktora.

"Huwag mong sabihin na natatakot ka pa rin?" Hindi makapaniwalang tanong na ni Gail sa kaibigan.

Hindi naman agad nakasagot ang kapitan at napalingon na lang ito sa doktora na nakikipagtawanan na sa mga kaibigan nila.

"Pwede bang unahan ko na kayong magpatali?" Seryosong tanong ng kapitan na siyang kinabigla ng magkaibigan at ng kapatid.

"Hoy! ang kapal mo! Ako muna! Pabagal-bagal ka e, sa susunod ka nalang magpakasal" Suway ng kapatid kaya natawa na lang din ang mga ito.

"Ligawan mo muna" Natatawang aniya pa ng kapwa niya kapitan.

"Ayon nga problema e" Seryosong usap na ng dating tenyente.

"Anong problema?"

"Hindi ko alam kung paano siya susuyuin, hindi ko alam kung kaya ko na ba talaga siya alagaan ng tama o protektahan" Sagot ng dating tenyente.

"Akala ko ba mahal mo?" Takang tanong na ng kaibigang doktora.

"Mahal na mahal, Janie" Seryoso ng sagot ng kapitan.

"Oh, yun naman pala e" Takang-taka pa ring usap ng kaibigan ding kapitan.

"Sapat ba na mahal mo lang yung isang tao? Hindi ba dapat kaya mo rin siyang alagaan at itrato ng tama?"

"Ayokong magkulang sa kaniya, gusto ko kung susuyuin ko man siya ngayon ay dapat alam ko na sa sarili ko na kaya ko talagang alagaan ng tama tong babaeng mahal ko" Aniya pa ng kapitan.

Napahinga na lang naman ng malalim ang konsehal bago tuluyan maupo sa tabi ng dating tenyente sa kama.

"Hindi pa ba sapat na katibayan na kaya mong itrato ng tama si Amari sa mga pagliligtas mo sa kaniya noon?"

"Yung mga pagbibigay mo sa kaniya ng oras kahit napaka busy mong tao, yung pagbibigay mo ng pagkain kasi ayaw mong malipasan ng gutom yung tao, yung pagdadala mo ng kape kasi gusto mo mawala yung pagod niya kahit papaano, yung mga pagbabantay mo sa kaniya, yung pag iingat mo sa kaniya na akala mo isang siyang bagay na babasagin"

"Sa tingin ko, Gab-Gab. Matagal mo ng trinatrato ng tama yang si Amari, kaya nga siguro minahal ka rin non dahil sa nararamdaman niya rin yang magandang pagtratrato mo sa kaniya" Nakangiting aniya pa ng konsehal sa kapatid.

"Tsaka ngayon ka pa ulit nangamba kung kailan nakailan cpr na sayo si Ate Amari ah" Natatawa ng aniya ng kaibigan doktora kaya agad naman natawa ang kaibigan din niyang kapitan.

Napaiwas na lang naman ang kapitan dahil sa hiya sa mga pinagsasabi ng kaniyang mga kaibigan.

Nakita pa nila yon?

"Pero nasa sayo na yan, kapatid"

"Kung ilalaban mo na o susukuan mo na ng tuluyan" Dagdag na aniya pa ng kapatid na konsehal.

Parang hindi ko naman kayang isuko ang isang yon, oo, nito malapit ko na siyang isuko para sa kapatid ko pero ngayon na alam ko na ang lahat lahat, may dapat pa ba akong katakutan at sukuan?

"Paalala ko lang sayo, Kapitan Santiago"

"Kahit mahal ka niyan ate ko, hindi basta basta bumibigay ang isang yan, mas marupok ka pa nga kaysa diyan e" Natatawa ng paalala ni Janie sa kaibigan.

"Huwag mo naman takutin yung tao, hindi pa nga nakaka recover oh, may problema agad paano manuyo" Matawa tawang aniya pa ng kaibigan na kapwa kapitan.

"Kaya mo naman suyuin ang isang yon"

"Marupok din yon pagdating sayo" Natatawa ng bulong sa kaniya ng kapatid  na konsehal, kaya napangiti naman ito.

Dehado o yamado, ilalaban ko na ito.

AMARIWhere stories live. Discover now