CHAPTER LIV

1.3K 54 8
                                    

Kinahapunan ay agad na rin nakabalik ang kapitan sa hospital para ipakita na kay Amari ang dala-dala nitong sopresa para rito. Pagpasok na pagpasok pa lang sa hospital ay sinuguro naman muna ng kapitan na ligtas ito at hindi mapapahamak ang sopresang dala-dala niya, sa tulong din naman ng kaibigan niyang si Doktora Janie.

"Puntahan niyo na ron sa opisina niya, kanina ka pa non tinatanong sa akin" Aniya pa ni Janie sa kaibigan kaya agad na rin itong naglakad papunta sa opisina ng doktora.

Kumatok naman na muna ito na agad naman din naman binigyan ng permiso ng doktora para pumasok.

"Hi!" Todo ngiting aniya ng kapitan bago tuluyan halikan sa sentido ang doktora.

"Kakarating mo lang ba galing Isidro?" Tanong ng doktora kaya agad naman tumango ang kapitan.

"May nabitbit pala ako galing Isidro" Nakangiting usap ng kapitan kaya taka naman tumingin ang doktora rito.

"Mini Captain!" Tawag na ni Mickenzie rito kaya agad naman itong pumasok sa opisina ng Doktora.

"Doktora Ganda!" Bati na ng bata kaya gulat naman napatingin ang doktora sa bata.

"Sixto!" Sigaw na rin ng doktora at agad niya itong niyakap.

"Namiss kita" Aniya pa ng doktora habang yakap yakap pa rin ang bata.

"Nanggigigil ako sayo" Aniya pa ng doktora sa bata habang hinahalik-halikan na nito ang buong mukha.

Napaubo naman ang kapitan kaya sabay pang napatingin sa kaniya ang dalawa. 

"Sa akin ka na lang manggigil, nalalamog na yung bata oh" Biro pa ng kapitan kaya napapailing na lang naman ang doktora.

"Sa susunod ka na lang" Natatawang sagot ng doktora kaya napanguso na lang naman ito.

"Tara na ho! Papasyal pa raw po tayo ni Sir Gab-Gab" Yaya na ni Sixto sa doktora habang hila-hila na ito. Taka naman na napatingin ang doktora sa kapitan kaya ngumiti na lang naman ito.

"Personal akong nagpaalam kay Doktor Ramirez at Doktora Janie kagabi nang makauwi ka na, pinaalam na kita sa kanila, agad din naman nilang inaprubahan kaya wala ka na kailangan isipin" Nakangiting sagot ng Kapitan kaya napatango na lang naman ang doktora.

Makalipas lang naman ng isang oras ay nakarating na rin sila sa isang parke sa Isidro. Nakahinga naman ng maluwag ang doktora ng masigurong ligtas ang bata sa naturang lugar kung nasaan sila ngayon.

"Huwag ka na mag alala, okay lang si Sixto rito, binilin na rin sa akin ni Janie na rapat sa ganitong lugar lang si Sixto kaya dito ko kayo naisipan dalhin" Aniya ng Kapitan habang nilalabas na sa basket ang dala-dala nilang pagkain.

"Pumunta ka lang ba ng isla para sunduin si Sixto?" Tanong ng doktora sa kapitan ng tulungan na rin niya ito sa paglabas ng pagkain. Umiling naman ang kapitan bilang sagot kaya taka naman na napatingin sa kaniya ang doktora.

"E ano pa?" Takang tanong nito.

"Una akong dumaan kila Tatay D" Sagot ng Kapitan habang naghihintay pa rin ng kasunod ang doktora.

"Nagpaalam lang ako sa kanila" Dagdag pa ng Kapitan.

"Para saan?" Tanong pa ng doktora.

"Para sayo" Seryosong sagot ng Kapitan kaya gulat naman napatingin sa kaniya ang doktora.

"Nagpaalam ako sa kanila na liligawan ko ang nag iisang unica hija nila at masaya ako dahil pumayag agad sila, kaya wala ka ng choice kundi ang payagan na rin akong ligawan ka" Nakangiting sagot na ng Kapitan sa Doktora at inabot na rito ang bulaklak na kanina pa niya tinatago-tago.

"Kulang pa yang bulaklak na yan para sa pagliligtas mo sa buhay ko, kulang pa yan para iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko" 

Napailing naman ang doktora at nilapag na ang bulaklak na binigay ng kapitan sa tabi niya.

"Ikaw ang nagligtas sa buhay ko, Mickenzie" Usap na ng doktora habang hawak-hawak na ang kamay ng kapitan.

"Ikaw ang nagligtas sa akin sa kapahamakan, ikaw ang nagpalaya sa magulang at kapatid mo sa kamay ni Mr. Delgado, ikaw ang nagligtas sa mommy mo, ginawa ko lang ang part ko kasi ayokong mawala ka sa buhay ko" Aniya pa ng doktora.

"At hindi ko na alam ang gagawin ko kung maulit pa ang mga pangyayaring yon" Umiiyak ng aniya ng doktora kaya agad naman pinunasan ng kapitan ang luha nito. 

"Mahal na mahal kita, Amari" Usap na ng kapitan bago halikan ang sentido ng doktora.

"Hindi ko man maipapangako pero sisiguraduhin kong hindi na tayo hahantong sa ganong pangyayari"

"Hindi ko hahayaan na mabuhay ka sa takot na kasama ako" Niyakap na lang naman siya ng napaka higpit ng doktora kaya niyakap na rin niya ito.

Ilan sandali pa ay lumapit na rin sa kanila si Sixto na pawis na pawis kaya agad naman inasikaso ng doktora ang bata.

"Sir Gab-Gab, hindi ba po tabi tayo matutulog mamaya sa bahay mo po?" Tanong ni Sixto sa Kapitan kaya agad naman tumago si Mickenzie.

"Opo"

"Sama po natin si Doktora Ganda" Suhestiyon pa ng bata kaya agad naman napangiti ang kapitan.

"Si Doktora tanungin mo diyan, Sixto. Kung papayag siya, ako okay lang sa akin" Aniya pa ni Mickenzie sa bata habang ngiting-ngiti nakatingin sa doktora.

Napapailing na lang naman si Amari at pasikreto pang binato si Mickenzie ng towel ng bata.

"Doktora Ganda?"

"Sixto kasi ---

"Pagbigyan mo na yung bata, minsan lang dito yan oh" Pagpuputol pa ng Kapitan sa pagdadahilan ng doktora kaya inis naman siyang tinigan nito.

Napaiwas na lang naman ng tingin ang kapitan habang ngingiti ngiti na kumakain ng mansanas.

"Please, doktoraa..."

Hindi naman na nagawang tumanggi pa ng doktora kaya napatango na lang ito habang ang kapitan ay pasikreto pang natatawa kaya muli ulit siyang binato ng doktora.

"Okay, sali ako sa hug niyo na yan" Tuwang-tuwa na usap ng kapitan at niyakap na rin ang dalawa.

"I love you" Bulong na ni Mickenzie sa dalawa. 

"I love you too, sir Gab-Gab" Sagot pa ni Sixto kaya natawa naman ang dalawa.

"I love you, Sixto" Aniya pa ng kapitan at hinalik halikan na ang pisnge ng bata.

"I love you, Mickenzie" Biglang usap ni Amari kaya agad naman hinalikan ni Mickenzie ang labi nito.

Masasabi mo na bang panalo ka kapag mahal ka rin ng taong mahal mo? 

AMARIWhere stories live. Discover now