CHAPTER IX

994 38 1
                                    

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

"Oh, Gab?"

Nandito ako ngayon sa hospital, galing ako sa mga Delgado pero dito na nila ako tinuro para mapuntahan si Konsi Delgado. At sakto naman na nakasalubong ko pa sila na palabas na ng hospital.

"Pinuntahan kita sa inyo pero sabi ng guard niyo ay nandito ka nga raw sa hospital kaya dito na ako dumiretso" Usap ko kay Konsi Delgado, na kasama ang kaibigan kong si Doktora Janie at si Doktora Amari.

"Ah oo, nakalimutan kong sabihin sayo na padaan daan na ako dito sa hospital para raw mamonitor ni Doktora Asuncion at Doktora Torres tong braso ko" Nakangiting sagot pa niya sa akin kaya tumango na lang naman ako.

"Ibibigay ko lang sayo 'to, yan yung mga kuha ng mga nakuha namin ebidensya sa labas ng bahay niyo" Usap ko pa sa kaniya at ibinigay ng isang folder na naglalaman ng kopya ng mga litrato ng mga ebidensya.

"DGD?" Gulat pang tanong niya sa akin. Hindi naman na muna ako nagsalita at hinintay ko na lang muna ang magiging reaksyon niya.

"May mga nalalaman ka ba tungkol sa DGD?" Tanong ko sa kaniya, agad naman siyang umiling bilang sagot.

"Ang DGD ang dahilan ng kabi-kabilang patayan dito sa bayan ng Isidro, ilan mga armas na ang naiiwan nila sa tuwing may pinapatay sila at gaya niyang tubo na pinalo sayo ay may mga inisyal din itong DGD" Paliwanag ko pa sa kaniya.

"Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng DGD?" Tanong pa sa akin ni Janie.

"Yun pa ang inaalam namin ni Gail sa ngayon dahil yung mismong may hawak ng mga kaso tungkol sa sunod-sunod na pagpatay dito sa Isidro ay nahihirapan din imbestigahan ang tungkol dito" Sagot ko sa kaniya.

"Masyadong delikado ang kaso na 'to, Gab" Nasabi na lang sa akin ni Konsi Delgado, napangiti na lang naman ako at napailing.

"Konsehal Delgado, sa trabaho namin walang delikado, kahit sabihin pa natin pwede pa namin ikamatay ang mga ito, wala na kaming magagawa ron kasi ito na talaga ang trabaho namin pare-pareho" Natatawang usap ko sa kaniya.

Kita ko naman ang pag aalala sa mukha niya pero hindi ko na lang din ito pinansin.

"Huwag mo na ituloy tong paghahanap sa gumawa ng mga ito sa akin, Gabrielle" Biglang utos niya sa akin kaya gulat naman kaming lahat na napatingin sa kaniya.

"Hindi rin naman ako papayag na hindi managot ang may mga gawa niyan sayo, Cloie" Usap ko pa sa kaniya na siyang kinabigla talaga ni Doktora Amari.

Hindi pa niya siguro alam.

"Gab" Nasabi na lang niya kaya napahinga na lang naman ako ng malalim.

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Konsi Delgado" Nasabi ko na lang bago pa sila tuluyan talikuran.

Nang makarating na ako sa harap ng motor ko ay napansin ko naman ang isang motor na malapit sa hospital na para bang nagmamasid at agad naman akong naalarma ng biglang magpatakbo ito ng mabilis papunta mismo dito sa tapat ng hospital ng makita nilang palabas na ang kapatid kong si Cloie.

"Tangina talaga!" Nasabi ko na lang at mabilis na tumakbo palapit kila Doktora Amari.

"Bakuran niyo si Konsi! Dali!" Sigaw ko sa mga body guard ni Cloie at mabilis naman sumunod ang mga ito. Habang ako at ang guwardya naman ng hospital ang bumakod kay Doktora Amari at Doktora Janie.

Mabilis ang nangyari. Ilan putok rin ng baril ang narinig namin galing sa mga walanghiyang miyembro ng DGD.

Nang makasigurado na akong ayos silang lahat ay agad na rin akong tumakbo papunta sa motor ko at mabilis na pinatakbo yon para sundan ang mga siraulong nagpaputok na iyon.

Agad naman akong humingi ng back up sa headquarters at mabilis din naman silang rumesponde, ang ilan mga naka standby duty ay nakihabol sa rin sa suspek kaya naisipan ko naman ng mag iba na ng daan para sa posibilidad na maari pang daanan ng mga ito.

Sakto naman na nakasabay ko si Gail sa daan kaya agad ko naman nilahad sa kaniya ang dinaanan ng mga suspek at agad din naman siya nag iba ng daan para sa posible pang daanan ng mga ito.

Ilan sandali pa ay nakita ko ng papalapit na sa intersection ng kalsada ang mga suspek at nakita ko na rin naman si Gail sa kabilang bahagi pa ng kalsada, kaya hindi naman na rin kami nagsayang ng oras pa at agad na rin namin pinaharurot pa ang mga motor namin.

Ilan sandali pa ay hinarang na namin ang motor namin ni Gail sa dalawang suspek ng magka angkas at mabuti na lamang ay agad din nagpreno ang mga ito at mga takot na bumaba sa dala dala nitong motor.

"Taas niyo kamay niyo!" Sigaw na ng mga kasamahan namin pulis na siya namang sinunod ng dalawang ugok.

Nang mapusasan na nila ang mga ito ay doon na sa akin binigay ni Sergeant Porcalla ang baril na ginamit ng mga suspek at doon ko na nga nakumpirma na miyembro talaga sila na tinatawag nilang DGD dahil sa inisyal na naka ukit dito.

"Mickenzie" Tawag pa sa akin ni Gail, agad naman akong lumapit sa kaniya para tignan ang nakita niya.

"Magpapatattoo na lang kayo, tattoong pang sindikato pa!" Galit ng usap ni Kapitan Rivera sa dalawang suspek at isa isa sinikmuraan ang mga ito.

May mga tattoo ang mga ito na DGD sa likod na bahagi ng mga tenga nila habang ganon din ang ilan pabahagi pa ng katawan nila. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pati ang mga katawan nila ay mga inisyal na DGD. At bakit parang hindi sila natatakot na malaman na mayroon grupo ng mga sindikato na DGD? Ano ba talaga ang gustong iparating ng utak ng mga sindikatong gumagawa ng mga ito?

"Kamusta sila Janie?" Tanong pa sa akin ni Gail, nalaman na siguro niya kay Kapitan Rivera ang nangyari kaya napatanong na rin ito.

"Okay naman sila, sinigurado ko muna talaga na okay sila bago ko pa habulin ang mga siraulo na 'to pero mukhang hindi na natin maalis sa kanila ang takot dahil sa nangyari" Nasabi ko na lang kay Gail at tumango naman siya bilang pang sang ayon.

Maya maya pa ay naramdaman ko na ang pananakit ng braso ko kaya naman ay naisipan ko ng hubarin ang jacket ko

"Tenyente may tama ka" Gulat na sabi pa ni Sergeant Toreliza kaya natawa na lang naman ako.

"Tama ka, may tama ako" Usap ko sa kaniya at pinatalian na kay Gail ang braso ko.

"Tara na, patanggal na natin kay Janie yan, ano angkas ka na sa akin?" Tanong pa niya sa akin kaya umiling na lang ako at sumakay na sa motor ko.

"Pagamot mo na muna yan bago kayo tumuloy ni Perez sa headquarters kami na muna bahala ni hepe sa dalawang gago na yon" Usap pa ni Kapitan Rivera kaya sumaludo naman na muna ako bago tuluyang magmaneho papuntang hospital.

Dahil sa takot na baka matamaan ang iba, hindi ko na namalayan na ako na pala ang natamaan nila.

AMARIOù les histoires vivent. Découvrez maintenant