CHAPTER VIII

1K 33 0
                                    

GAIL AZENITH'S POV

"DGD?" Natanong ko na lang ng makita namin ang nakaukit sa naiwang tubo ng mga suspek sa insidenteng nangyari kay Konsehal Delgado.

Nandito na kami ngayon ni Mickenzie sa labas ng bahay ng mga Delgado, sinuyod namin ang buong lugar sa tulong ng mga tauhan namin at sakto naman na nahanap ni Mickenzie ang tubong naiwan ng mga suspek.

"Naalala mo ba yung kasong hawak ni Kapitan Rivera tungkol don sa mga sunod-sunod na pagpatay nitong nakaraan buwan dito sa Isidro?" Biglang tanong sa akin ni Mickenzie habang titig na titig pa rin siya doon sa tubo na naiwan ng mga suspek dito sa labas ng bahay ng mga Delgado.

"Bakit? Sa tingin mo ba may kinalaman yung insidenteng yon sa nangyayari ngayon?" Takang tanong ko pa sa kaniya.

"Posible" Usap pa niya bago tuluyan tumayo habang nasa tubo pa rin ang paningin niya.

"Dahil ba sa naka ukit na inisyal diyan sa tubo na yan?" Paniniguro ko pa at tumango naman siya bilang sagot.

"Sa sunod-sunod na pagpatay nitong nakaraan dito sa Isidro, may ilan din naiwan ang mga suspek na armas na ginamit nila sa pagpatay at ang lahat ng yon ay may mga inisiyal din na DGD" Seryosong usap pa niya.

"Tama! Naalala ko na, kung hindi pa nga gamit ang naiiwan nila, isinusulat naman nila ang inisyal na DGD gamit ang dugo ng mga pinatay nila bilang palatandaan" Nasabi ko na lang din ng maalala ang nabanggit noon sa amin ni Kapitan Rivera tungkol sa kasong hinahawakan niya.

Maya-maya lang ay lumabas na mula sa bahay ng mga Delgado ang mga tauhan namin ni Mickenzie at sumaludo pa ang mga itong humarap sa amin, agad naman kaming sumaludo ni Mickenzie sa kanila at inalam na ang balita tungkol sa pinag uutos namin sa kanila.

"Tenyente Perez, Tenyente Santiago, nacheck na namin ang lahat ng cctv dito sa bahay ng mga Delgado, pero ayon sa nakuha namin impormasyon, nakapatay ang cctv nila nitong umaga kaya hindi na nakuhanan ang insidenteng nangyari kanina kay Konsehal Delgado" Pagbabalita pa ni Staff Sergeant Toreliza sa amin, napatango na lang naman kami ni Mickenzie sa binalita niya.

"Bumalik na kayo sa headquarters, ipakita mo kay Kapitan Rivera ang mga ebidensyang nakunan niyo ni Porcalla at itong mga ebidensiya mismo, baka makatulong din yan sa kasong hinahawakan niya" Utos pa ni Mickenzie kaya tumango na lang naman ito.

"Ano sa tingin mo?" Natanong ko na lang kay Mickenzie habang tinitignan naman na niya ang mga cctv na nasa labas ng bahay ng mga Delgado.

"May mali" Nasabi na lang niya, tumango na lang din naman ako bilang pang sang ayon.

"Sa tingin ko rin, paanong nangyaring nakapatay ang cctv sa mismong oras na nangyari ang insidente at bumalik din ng matapos nang nangyari" Pagtatakang usap ko pa sa kaniya.

Napasinde na lang naman siya ng sigarilyo niya at napatingin sa bahay ng mga Delgado.

"Ang dali na sana ng may naiisip ka na kung sino ba talaga yung posibleng utak ng lahat ng nangyayari ngayon dito sa Isidro pero ang hirap din kasi wala ka pang sapat na ebidensya laban dito" Biglang usap pa niya kaya taka naman akong napatingin sa kaniya.

"May ideya ka na kung sino yung posibleng utak na siyang puno't dulo ng mga nangyayari ngayon?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman siya bago niya ibuga ang usok ng sigarilyo niya.

"Tsaka ko na sabihin sayo kapag nakakasigurado na ako" Usap pa niya bago tuluyan itapon na sa sahig ang sigarilyo niya.

"Teka, pero paano?" Takang tanong ko pa sa kaniya, taka din naman siyang tumingin sa akin.

"Anong paano?" Takang tanong pa niya.

"Paano mo nasabi na yung taong nasa isip mo ang siyang posibleng utak ng mga sindikato rito sa Isidro?" Tanong ko sa kaniya, nagkibit balikat lang naman siy bilang sagot.

"Hindi ko rin alam, pero base sa pagkakakilanlan ko sa kaniya, kaya niyan gawin ang lahat para sa sariling niyang kagustuhan, gagawin niya ang lahat para sa kapangyarihan" Sagot niya sa akin na siyang pinagtaka ko naman lalo.

"At kung mapatunayan mo ngang siya nga ang utak ng mga nangyayari ngayon, anong gagawin mo?" Tanong ko pa sa kaniya.

"Katulad lang din ng ginagawa natin, patas at pantay na hustisya pa rin sa kanila, bahala na ang batas na maningil sa mga kasalanan ginawa niya o nila" Sagot niya.

"Nila? Ibig sabihin hindi lang isang tao ang tinutukoy mo rito, huh? Santiago?" Tanong ko pa sa kaniya.

"Hindi ko alam, hindi pa ako sigurado sa ngayon at gaya nga ng sinabi ko sayo, tsaka ko na sasabihin sayo kapag nakakasigurado na ako" Sagot pa niya kaya tumango na lang naman ako.

"Basta huwag na huwag mong lalakarin mag isang tong kasong to, kasama mo ko, hanggang kamatayan na 'to, Santiago" Usap ko pa kaya napangiti naman siya.

"Hanggang kamatayan, Perez" Nasabi na lang din niya habang tinaas ang kamao niya, nakangiti ko naman din idinikit ko ang kamao ko sa kamao niya bago pa kami tuluyang matawa.

Tunay nga na kapag pinili mo ng pumasok sa serbisyo ay parang nasa hukay na ang kalahating katawan mo. Laging bayan muna bago ang pamilya mo. Laging kapakanan muna ng mga nasa paligid mo bago ang kapakanan ng sarili mo. Sa dami na ng napagdaanan namin ingkwengtro ni Mickenzie ay wala ng takot ang natira sa buong sistema namin, buong tapang na namin hinaharap ang bawat gulo sa pagpasok namin sa trabaho hanggat sa pag uwi. At buong loob na namin kayang tanggapin na kung ano na lang ba talaga ang kahihinatnan ng mga buhay namin.

Buhay man o Patay.

AMARIWhere stories live. Discover now