CHAPTER XXIV

1K 37 2
                                    

JANIE SHAE'S POV

"Bigla kang nawala kagabi, san ka nagpunta?" Tanong ko kay Mickenzie ng makapasok ako sa kwarto nito.

Nandito ako ngayon sa bahay niya dahil ngayon araw ko na ihahatid sa Maynila ang nobya kong si Stanaiah, kasalukuyan na siyang nag aayos ng mga gamit niya kaya naisipan ko munang guluhin ang kaibigan kong bigla na lang nawala kagabi.

"Hay nako, love! Umuwi yan kagabi lasing na lasing"

"Hindi ko nga dapat pagbubuksan ng pinto yan dahil sa inis pero agad ko rin naisip na sa kaniyang bahay pala 'to hindi sa akin" Biglang usap ni Stanaiah ng sumilip pa siya mula sa pintuan ni Mickenzie, natawa naman ako sa sinabi niya kaya napapailing na lang naman umayos ng higa si Mickenzie.

"Oh? Akala ko ba hindi ka pa sigurado, e bakit naglasing ka?" Tanong ko sa kaniya pero tinakpan niya lang naman ng unan ang pagmumukha niya.

"Hirap naman kasi sayo, mahal mo rin yung nobya nung kapatid mo" Usap ko pa, kaya gulat naman siyang tinanggal ang unan sa pagmumukha niya.

"Totoo ba, love? Mahal na ba talaga nitong kaibigan mo?" Tanong pa ni Stanaiah sa akin

"Ayon narinig ko kagabi sa usapan nila ni Sherryl e" Sagot ko kay Stanaiah kaya agad naman nitong binato ng unan si Mickenzie.

"Ano ba naman yan, Stanaiah!" Sigaw nito sa kaibigan niya.

"Bakit hindi ka nagsasabi sa akin? Ha?" Pang gugulo na ni Stanaiah kay Mickenzie kaya natawa na lang naman ako.

"Hindi pa rin naman ako sigurado, basta ang alam ko mahal ko na nga siya, yun na yon" Inis na sagot niya kaya taka naman kaming napatingin ni Stanaiah sa isa't isa.

"Huh?" Tanong pa nito sa kaibigan.

"Anong parte sa mahal mo na siya ang hindi ka pa rin sigurado?" Takang tanong ko na rin kay Mickenzie.

"Hindi na ako sigurado kung tama ba tong nararamdaman ko, hindi ako sigurado kung dapat ko pa bang maramdaman 'to"

"Nobya na siya ng kapatid ko kaya dapat lang na umiwas na ako" Sagot pa niya kaya taka pa rin akong tumingin sa kaniya.

"Ano bang batayan mo para masabi mo sa sarili mo na sigurado ka na talaga sa nararamdaman mo kay Ate Amari?" Takang takang tanong ko pa sa kaniya.

"Masasabi ko lang na sigurado na ako kapag matapang na akong sabihin sa kaniya tong nararamdaman ko, kapag kaya ko na siyang ilaban sa kung sino, kahit pa sa kapatid ko, siguro, kapag hindi na ako takot sa mga bagay bagay sa pagitan namin pareho" Sagot niya.

"Pero wala nang silbe kung magiging sigurado pa ako, kaya tama lang na ganito na lang ito" Dagdag pa niya kaya niyakap na lang naman siya ni Stanaiah.

"E bakit naman kasi hinintay mo pang maging nobya ng kapatid mo bago mo pa aminin sa sarili mo na mahal mo na yung tao?" Napapailing na sabi na lang ni Stanaiah kaya nakaunan na sa tiyan ni Mickenzie.

"Baka ikasal na yung dalawa lahat lahat hindi ka pa rin sigurado" Nasabi ko na lang kaya taka naman silang napatingin sa akin pareho.

"Hindi imposible rito yon sa Isidro, love" Usap ko kay Stanaiah.

"Yung ilang kabataan nga dito ay kasal na dahil lang sa nahuli siya na may kayakap o magkasama, sila Ate Amari pa kayang mag nobya na at mga nasa tamang edad na para mag asawa" Paliwanag ko sa kanila.

Tumayo naman na si Stanaiah at muling binato si Mickenzie ng unan sa mukha.

"Kung hindi mo kayang maging sigurado, maghanap ka na lang ng iba, ayoko ng makita kang nasasaktan, Mickenzie, nako! sinasabi ko talaga sayo!" Inis na sabi na lang ni Stanaiah kaya nagkibit balikat na lang ako ng taka pa itong tumingin sa akin.

"Kahit naman ako, ayaw na ayaw kong nakikita ka rin nasasaktan, sa pagtrato ng mommy mo at daddy ni Cloie sayo, nasasaktan din ako, kung hindi ko nga lang pinaalala na artista tong si Stanaiah at walang imahe na iniingatan, sa tingin ko sinugod na niya talaga ang mommy mo at si Mr. Delgado kagabi" Natatawa pang kwento ko sa kaniya kaya napapailing na lang naman si Mickenzie.

"Huwag na huwag kayong mag papaapekto sa ganon at lalong huwag na huwag niyo isaalang alang ang mga pinaghirapan niyo dahil lang sa akin dahil paulit-ulit kong sasabihin sa inyo na okay lang ako kahit ano pa ang mangyari" Usap niya

"Pero salamat pa rin" Nakangiti ng usap niya kaya tumango na lang naman ako.


"Tawagan mo ko kung kailangan mo ng kausap" Bilin pa ni Stanaiah kay Mickenzie bago pa ito tuluyan sumakay ng kotse.

"Oo na, daming satsat" Nasabi na lang ni Mickenzie at sinara na ang pinto ng passenger seat ng makasakay na si Stanaiah.

Pero dahil si Stanaiah ay si Stanaiah ay binuksan pa nito ang bintana kaya napahilamos na lang ni Mickenzie ang mga kamay niya sa mukha niya.

"Ayusin mo yan mukha mo! Makinig ka! Alam ko yung mga kasong hawak mo kaya mag iingat kang siraulo ka! Pag talaga may mangyari pa sayo! Malilintikan ka talaga!" Bilin pa ni Stanaiah kaya natatawa naman akong napatingin kay Mickenzie na tinakpan na ang magkabilang tenga niya.

"Okay! Okay!"

"Janie, uwi mo na tong nobya mo at ang ingay na!" Sigaw na ni Mickenzie kaya natatawa naman na akong inistart na ang kotse.

"Oh! Kiss ko?" Pahabol pa ni Stanaiah kaya wala naman na nagawa si Mickenzie kung hindi ang ikiss na ang kaibigan sa pisnge.

Sanay na ako sa alitan ng dalawang magkaibigan na yan, hindi ko naman na makuhang magselos pa sa kanila dahil noon pa man bago pa maging kami ni Stanaiah ay ganyan na talaga sila at alam ko rin naman na parang magkapatid na rin ang dalawang yan, kagaya na lang din namin nila ni Gail.

Si Stanaiah yung tipo na maingay na makulit habang si Mickenzie naman yung tipo na tahimik at halos walang imik kaya naman ay bilib na bilib talaga ako kay Mickenzie sa pagtitiis kay Stanaiah sa makalipas na mahabang taon.

"Janie, ingat sa pag dadrive ah, tawagan mo ko o si Gail pag nagka aberya" Bilin pa niya kaya napatango na lang naman ako.

Sa totoo lang, nung una ay hindi ko alam kung kanino ako mas dapat na pumanig

Sa pinsan ko o sa kaibigan ko.

Pero dahil sa sinabi ni Mickenzie ay mukhang wala naman akong kailangan na mas dapat na panigan dahil alam ko sa isang tao na katulad ni Mickenzie ay masaya na rin siyang makita ang mahal niya na masaya sa iba at dapat siguro ay ganon na lang din ako pagdating sa Ate Amari ko.

AMARIWhere stories live. Discover now