LAST CHAPTER

1.8K 58 15
                                    

"Ngayon ko talaga masasabi na, panalo ka kapag mahal ka ng mahal mo" Usap ng kapitan sa harap habang hawak hawak niya ang baso niyang mayroon beer.

Matapos ng mahabang seremonya ng kasal nila Cloie at Sherryl ay pinagpatuloy na nila ang selebrasyon sa resepsyon ng kasal at ngayon ay nasa harap na ang kapitan upang magbigay ng mensahe sa kapatid at kababata na bagong kasal.

"Sa dami ng nangyari sa pagitan ng kapatid kong si Cloie at ng kaibigan kong si Sherryl ay ito sila, kinasal na, naipanalo na nila yung laban nila, naipanalo na nila yung pagsubok na namagitan sa kanila, sa huli, nanaig pa rin yung puso at yung nararamdaman nila"

"Naalala ko pa non, lagi sinasabi sa akin niyang kapatid ko, huwag daw akong matakot magmahal kasi masarap daw ang magmahal, may mga pagkakataon pa nga raw na mapapangiti ka kapag naaalala mo yung mga oras na kasama mo yung taong mo at tama nga siya dahil saksi ako sa pag ngiti at pag tawa niya noon kahit mag isa lang siya" Kwento pa ni Mickenzie kaya sabay-sabay naman natawa ang mga ito.

Napailing na lang naman ang dating konsehal at natatawang tinuturo ang kapatid nito.

"Ikaw rin kaya!" Sigaw pa nito sa kapatid. 

Natawa na lang din naman ang kapitan sa sinigaw ng kapatid.

"Shhh, atin-atin lang yon, baka lumaki ulo ni Doktora oh" Usap pa ng kapitan kaya natawa nanaman ang mga ito.

"Sherryl! My sister-in-law! Akala ko mazezero na tayo parehas e" Usap pa ng kapitan kaya nagpatuloy pa rin ang malakas na tawanan sa venue.

"De, Architect! salamat sa pagtitiis sa kapatid ko, salamat kasi minahal mo ng tapat at totoo ang isang yan na nasa tabi mo, isa na lang ang hiling ko, pamangkin" Hiling pa ng kapitan kaya napailing na lang naman ang bagong kasal.

"Congrats! Sa atin popoy at basha na magbubukas na ng sarili nilang firm. Best wishes! I love you both, so much!"

"Cheers!"

Natapos ubusin ang beer na bitbit bitbit nito ay agad naman lumapit si Mickenzie sa kapatid at kaibigan nito para yakapin at bumeso sa mga ito.

"Ikaw na ba ikakasal next year?" Nakangiting tanong ni Cloie sa kapatid nito

"Hindi pa nga ako sinasagot e" Nakangusong sagot ni Mickenzie kaya natawa naman ang dalawa.

"Hina mo naman, Kapitan!" Asar pa ng kababanata nito.

"Hindi ko rin naman siya minamadali, alam ko naman na ang puso pa rin niya sa pasyente niya ang kailangan unahin at naiintindihan ko naman yon" Sagot nito kaya napatango na lang naman ang bagong kasal.

Nagpatuloy naman na ang kasiyahan sa loob ng venue habang mas pinili naman na muna ni Mickenzie ang lumabas na muna para makapag panigarilyo.

"Itigil mo na yan, hindi maganda sa kalusugan mo yan" Biglang usap ng doktora kaya agad naman tinapon ng kapitan ang sigarilyo nito.

"Last na yan, bakit ka nga pala lumabas?" Tanong na ng kapitan sa doktora.

"Hindi na kasi kita napansin sa loob kaya naisipan kong hanapin ka rito sa labas" Aniya pa ng doktora kaya taka naman napatingin sa kaniya ang kapitan.

"Bakit may problema ba? Masama ba pakiramdam mo? Ihahatid na ba kita pauwi?" Sunod-sunod na tanong ng kapitan. Umiling naman muna ang doktora bago tuluyan huminga ng napakalalim.

"Lalim non ah, okay ka lang ba?" Tanong pa ng kapitan sa doktora habang hawak-hawak na nito ang pisnge ng doktora.

Iniwas naman ng doktora ang mukha niya sa kapitan at bahagya pang lumayo rito. 

AMARIWhere stories live. Discover now