CHAPTER XIII

1K 40 6
                                    

AMARI VLEU'S POV

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Janie ng bigla na lamang siyang pumasok sa opisina ko. Tumango na lang naman ako bilang sagot at napasandal na lang sa upuan ko.

"Anong meron? Simula nung umalis si Konsi Delgado naging ganyan ka na, hindi ka mapakali, mukha kang bulate na inasinan" Usap pa niya na siyang kinatawa ko talaga.

"Sira! Hindi lang ako makapaniwala" Taka naman siyang tumingin sa akin kaya napangiti na lang naman ako.

"Na?"

"Liligawan ako ni Cloie Dale" Nakangiting usap ko sa na siyang kinabigla niya talaga.

"Ikaw? Liligawan ni Konsi?" Paninigurado pa niya kaya nakangiti naman akong tumango sa kaniya.

"Teka! teka! Naguguluhan ako, e bakit nung umalis si Konsi kanina e para bang dinaig niyo pa yung namatayan sa sobrang tahimik niyo? Tas ikaw! Ang tahimik mo rin simula pa kanina tas malalaman kong liligawan ka niya? Weird" Tuloy-tuloy na usap pa niya

Hindi naman agad ako nakasagot kaya napaayos na lang naman ako ng upo. Sakto rin naman na may kumatok sa opisina ko kaya sabay na lang kaming napalingon doon ni Janie.

"Doktora, pinabibigay daw po ni Konsehal Delgado"

At doon ko nakita ang hawak hawak niyang bouquet ng bulaklak at dalawang kape na siguro ay para sa amin ni Doktora Janie.

"Ay kasama pala ako sa ligawan" Natatawang usap na ni Janie atsaka inabot sa akin ang isa pang kape.

"Ang bilis ah, kakapaalam lang kanina pero may bulaklak ka na ngayon" Natatawa pang dagdag niya. Napailing na lang naman ako at tinignan ang bulaklak.

"Anong feeling na nililigawan ka na ng crush mo?" Tanong pa niya sa akin kaya napangiti na lang naman ako.

"Masaya syempre" Sagot ko sa kaniya, napatango na lang naman siya at inenjoy na ang kape niya.

"Pasalamat ka ron sa mga walangyang naghampas at nagbaril kay Konsi kasi dahil sa kaniya may pagkakataon mag krus ang mga landas niyo" Napailing na lang naman ako.

"Sira! Muntik muntikan na tayong mamatay pasasalamatan ko pa ba yon? Doon na nga nadali si Mickenzie e, tsaka papaano na lang kung hindi lang siya sa balikat natamaan, sige nga?" Tanong ko sa kaniya. Kita ko naman na napangiti siya kaya agad ko rin naman iniwas sa kaniya ang paningin ko.

"Si Cloie manliligaw mo pero si Mickenzie nasa isip mo" Tawang-tawang sabi niya

"Pero sabagay, naintindihan ko naman, niligtas ni Mickenzie buhay mo kaya ganon" Nangangasar pang dagdag niya kaya hindi ko na lang naman siya pinansin.

May kumatok naman na ulit sa pinto kaya napatingin na lang ulit kami ni Janie sa nagbukas nito.

"Dalawa lang yan, pasyente o manliligaw" Natatawa pang sabi niya. Kaya napatayo na lang naman ako.

"Doktora Torres, nandiyan po sila tenyente" Usap ng isang nurse kay Janie kaya napatayo na rin ito.

"Mga kaibigan ko pala, bye doktora" Kumaway pa muna siya bago lumabas habang kinuha ko na rin naman ang mga gamit ko para icheck na ang mga pasyente ko sa emergency room at sa ilang mga wards.

"Dalian mong lumabas at pupuntahan ko na ang mga pasyente ko" Usap ko sa kaniya ng tumigil pa siya sa pinto para tignan ako. Nakangiti naman siyang tumango tango bago tuluyang naglakad palabas ng pinto.

Mapang asar talaga

Kita ko naman na tumakbo pa siya palapit sa mga kaibigan niya at niyakap pa ang mga ito. Hindi ko alam kung ano ang pinagkwekwentuhan nila pero halata sa mga mukha nila ang excitement at tuwa lalo na ang pinsan kong si Doktora Janie.

"Doktora Sungit, kape" Biglang usap sa akin ni Tenyente Santiago habang inaabot sa akin ang kape. Napatingin naman ako kay Janie kaya siya na ang kumuha ng kape na binibigay sa akin ni Tenyente.

"May kape na yan, may kasama pa ngang bulaklak e, galing sa manliligaw niya" Usap pa niya pagkatapos kunin sa kamay ni Mickenzie ang kape.

"Bulaklak tsaka kape? Sa burol ko lang nakikita yung mga yon ah, sino ba manliligaw mo, doktora? Takang tanong ni Gail, sasagot na sana ako ng biglang

"Si Konsi Delgado, crush pa naman niya yon. Kaya wag na kayo magtaka kung bukas o sa makalawa, na kalat na rito sa buong Isidro na sila na ni Konsehal Delgado" Natatawa pang sabi ni Janie kaya tinignan ko na lang naman siya ng masama.

"Ang swerte ko naman ngayon araw, ang dami kong kape" Usap pa niya habang tinitignan na ang mga kape niya.

"Ngayon na lang ulit nanligaw si Cloie" Biglang usap ni Mickenzie kaya napatingin naman kaming lahat sa kaniya.

"Kaya nga e, ikaw kailan?" Tanong pa ni Gail kaya ni wala ano ano'y nakatanggap siya ng siko mula kay Mickenzie.

"Siguro naman mababawasan na yan pagiging masungit mo, doktora" Todo ngiting tanong niya sa akin.

"May manliligaw ka na oh! Hindi ka na tatandang dalaga" Asar pa niya

"Ewan ko sayo!" Inis na sabi ko na lang sa kaniya bago tuluyang maglakad na palayo sa kanila.

Bwiset talaga!

—————————————————

"1 point for Councilor. Cloie" Nasabi na lang ni Gail kaya inis naman ulit siyang tinignan ni Mickenzie.

"Ang inaalala ko si Sherryl" Nag aalala talagang usap ni Mickenzie at naupo sa bench na nasa tapat nila.

"Ex ni Cloie?" Tanong pa ni Gail.

"Ahhh si Architect" Usap na ni Janie ng mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng dalawang kaibigan.

"Alam kong hindi lang siya nandito para sa trabaho at sa pamilya niya, nandito rin siya para ayusin yung sa kanila ng kapatid ko" Nasabi na lang ni Mickenzie at napasandal na lang sa upuan niya.

"Huli na kamo siya. pabagal-bagal siya e" Usap pa ni Janie at tumabi na sa kaibigan.

"Oo nga, tanggapin na lang kamo niya, mukha naman ng masaya si Doktora at Konsi oh" Dagdag pa ni Gail sa kaibigan.

Alam ng magkakaibigan na hindi lang si Architect. Sherryl ang tinutukoy nila, kaya hindi na lang naman sila umusap na at hinihintay na lang mag salita ang tenyenteng kaibigan.

Pero agad lang itong tumayo at hinarap na ang kaibigan.

"Una na kami, Doktora. Tawagan mo na lang kami ni Gail kapag may napapansin kayong kakaiba o hindi kaya pag need niyo ng escort kung ramdam niyong hindi safe" Bilin pa ni Mickenzie sa doktora na kaibigan kaya taka naman itong tumingin sa kaibigan.

"Bakit? Aalis ba kayo?" Tanong pa ni Janie, tumango lang naman si Mickenzie bilang sagot.

"May ihahatid lang kami kila Mickenzie sa Isla" Sagot ni Gail

"Sa San Luiz?" Tanong pa ni Janie

"Oo, pamilyado kasi kapitan namin, binalaan na kasi kami ni Hepe na delikado tong operasyon namin at alam naman na rin namin na delikado tong kasong hawak namin kaya nanigurado na kami"

"Inaanak namin ni Gail parehas yung bata, hindi naman namin masisikmura na kung pati yung bata madamay tsaka para hindi na hadlang sa mga operasyon yung mga isipin ni Kapitan" Sagot ni Mickenzie.

"Basta mag iingat din kayong dalawa, ayoko na isa sa inyo mapahamak, hindi ako nag doktor para lang sa inyo" Usap pa ni Janie kaya napatango na lang naman ang dalawang tenyente at sumaludo pa sa doktora.

AMARIWhere stories live. Discover now