CHAPTER XLVII

1.1K 53 21
                                    

Anong pinagkaiba ng unang beses kitang nakita sa Hospital

Sa ngayon na nakaputi ka ng damit na pang kasal?

Sa palagay ko,

Wala!

Dahil mula noon mapa hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin ako sa ganda mo at sa ganda ng mga mata mo

Na animo'y pinaglihi ni Nanay M sa buwan dahil sa hugis at liwanag ng mga ito.

Masyado nga yata ako nadala sa ganda ng ngiti mo, para hindi ko mamalayan na nahahawaan na rin pala ang pakiramdam ko.

Pakiramdam na hindi ko akalain na giginhawa ng ganito dahil sa doktora na kagaya mo

Doktora na wala akong ginawa kundi ang asarin nang asarin para lang mapansin ako.

Masaya sanang isipin na nandito ako sa harap na naghihintay sayo

Pero sadyang ang katotohanan na mismo ang nasa harapan ko.

Ang katotohanan na nasa likuran lang ako ng taong pakakasalan mo.

Na nasa likuran lang ako ng kapatid ko.

Buong akala ko ay matapang ako kagaya na lamang ng ibang tao

Akala ko matapang na ako dahil kaya kong isugal ang buhay ko para sayo

Pero mali pala ako.

Dahil ang totoo pala ay duwag ako

Naduwag ako sa kagaya mo

Naduwag akong aminin tong nararamdaman ko.

Kaya ang sakit.

Ang sakit na kung kailan sigurado na ako at handa ko ng ilaban ito

Ay ngayon at dito ko pa mismo napagtantanto sa kasal mo.



At ngayon hawak mo na nga ang kamay ng kapatid ko

Pinamukha na sa akin ng  tadhana at ng mundo na talaga palang huli na ako.

Huli na ako para sa pagmamahal mo

Huli na para maging tunay na matapang para ilaban ang isang katulad mo.

Huli na ako.

Huli na para sabihin sa iyo mismo na

Mahal kita,

Amari .

AMARIWhere stories live. Discover now