CHAPTER XXII

958 33 0
                                    

JANIE SHAE'S POV


"Hay nako, love! Kung nandoon ka lang baka hindi mo rin kayanin, para akong nanonood ng pelikula, jusko!" Kwento pa sa akin ng nobya ko.

At si Stanaiah nga ang nobya kong iyon, limang taon na ang nakakalipas mula ng opisyal na naging kami. Nagkakilala kami dahil kay Mickenzie at naging kami, sa tulong din ng dalawa kong kaibigan na sina Gail at Mickenzie.

Lagi na namin napag uusapan na hindi madaling magkaroon ng relasyon sa isang doktor at sa isang sikat na modelo't artista pero hanggang usap lang iyon sa amin dahil hanggang ngayon ay kami pa rin at patuloy pa rin namin pinagtitibay ang relasyon na nabuo namin.

"Sanay na akong makita yang ganyan nilang dalawa, love. Torpe kasi kaibigan mo kaya ayon, naunahan ng kapatid" Napapailing na usap ko na lang sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa opisina ko rito sa hospital, dinaan niya lang daw yung lunch na binili niya para sa akin bago tuluyan umuwi muna sa bahay ni Mickenzie para maghanda na sa dinner date namin mamaya sa pinareserba kong restaurant.

"Inis na inis nga sa atin yon si Mickenzie dahil sa plano mo" Tawang-tawa kwento pa niya kaya natawa rin ako.

"Takang-taka siyang tinawag mo siyang babe kahapon e tas sinakyan pa ni Gail" Tawang-tawa rin na sabi ko sa kaniya.

Sabay naman kami napatingin ni Stanaiah ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.

"Oh? Stanaiah, nagpacheck up ka? May sumasakit ba sayo?" Takang tanong ni Ate Amari sa nobya ko ng makitang nasa opisina ko ito, nakangiti naman umiling si Stanaiah bilang sagot.

"Nako doktora! Hindi"

"Dinaan ko lang sa girlfriend ko yung lunch na binili ko kasi napadaan ako sa isang restaurant diyan malapit sa simbahan, e alam ko naman na halos di na rin kayo nakakakain sa tamang oras dahil sa trabaho niyo" Sagot pa niya habang tinuro yung isang paper bag sa mesa ko at agad niya rin kinuha ang isa pang paper bag na nasa tabi niya.

"Binilhan din kita doktora" Nakangiti pang usap nito kay Ate Amari habang takang-taka naman niyang kinuha ang paper bag at taka naman siyang tumingin sa akin.

"Ako ang totoong girlfriend ni Stanaiah" Natatawang sabi ko na lang sa kaniya kaya inis naman niyang hinamapas ang braso ko.

"Siraulo ka talaga! nagkausap na tayo lahat lahat hindi mo pa sinabi kahapon yung totoo" Inis na talagang sabi niya sa akin

"Ano naman kung sabihin ko sayo yung totoo? Bakit? May magbabago ba? Si Cloie naman ang gusto mo diba?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"Kahit na!" Sigaw pa niya kaya natawa na lang naman ako.

"Oh siya! siya!"

"Ate Amari, si Stanaiah girlfriend ko, Stanaiah, si Ate Amari, pinsan ko" Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa, agad naman nilahad ni Stanaiah ang kamay niya kay Ate Amari na siya rin naman agad na tinanggap nito.

"Pasensya ka na, Ate Amari, ideya ng pinsan mo yon e, sumunod lang ako" Natatawang sabi pa ni Stanaiah kay Ate Amari kaya napangiti na lang naman ito.

"Okay lang, gaano na pala kayong katagal nitong pinsan ko?" Tanong pa ni Ate Amari sa nobya ko.

"5 years, doktora"

"5years?!" Gulat na gulat na sabi ni Ate Amari kaya natawa na lang naman ako.

"5years tas hindi mo man lang sinabi sa akin na may girlfriend ka at sikat na artista pa" Inis na sabi niya sa akin habang hinahampas hampas ulit ang balikat ko.

Saglit pa kaming nagkwentuhan tatlo at doon naman nalaman ni Ate Amari ang lahat.

Na si Mickenzie nga ang matagal ng kaibigan ni Stanaiah at nagkilala lang kaming dalawa ng dalhin siya rito ni Mickenzie sa Isidro.

"Iwan ko na kaya tong kotse mo rito sa hospital tas mag commute na lang ako pauwi sa bahay ni Mickenzie" Suhestiyon niya na siya naman hindi namin sinang ayunan ni Ate Amari.

"Hindi pwedeng mag commute ka ng mag isa lang, hindi ba sinasabi na ni Mickenzie na masyado pang delikado rito sa Isidro" Biglang usap pa ni Ate Amari kaya napatingin naman kami ni Stanaiah sa isa't isa at sabay na napangiti.

"Oo nga, love, ikaw talaga hindi ka nakikinig kay Mickenzie, buti pa si Doktora" Usap ko pa kay Stanaiah kaya bahagya pa niyang kinurot ang tagiliran ko habang nagpipigil ng tawa.

"Pero seryoso, love, dalhin mo na yung sasakyan, ako na bahala mamaya na puntahan ka sa bahay ni Mickenzie kaya ko na yon" Usap ko na sa kaniya at hinalikan na ang noo niya.

"Sure ka?" Paninigurado pa niya kaya nakangiti naman akong tumango sa kaniya.

"Yes, love"

Wala kasing dalang sasakyan si Stanaiah, hinatid lang siya ng manager niya rito sa Isidro kaya kotse ko na muna ang binigay ko sa kaniya para may nagagamit siya. Nagsabi na rin naman ako sa magulang niya at sa manager niya na ako ang maghahatid kay Stanaiah pa Maynila kaya kampante sila na okay si Stanaiah hanggang sa pagbalik nito sa Maynila.

"See you later, love" Nakangiting usap ko sa kaniya ng makasakay na siya ng kotse.

"See you later" Nakangiti rin sabi niya at mabilis na hinalikan ang labi ko.

"Ingat ka sa pagdadrive mo ah, dahan dahan lang, titingin lagi sa side mirror, signal light importante lagi yon" Bilin ko pa sa kaniya kaya tumango-tango naman siya na para bang alam na alam na niya ang gagawin niya.

"I love you, dok!" Nasabi na lang niya atsaka niyakap ako ng napaka higpit.

"Ayusin mo lang, Stanaiah" Usap ko pa sa kaniya kaya natawa na lang naman ito.

"Oo na"

"Oh siya! baka need ka na ng mga pasyente mo at magpapaganda pa ako para sa dinner date natin mamaya" Usap niya ng humiwalay na siya sa pagkakayakap ko.

"Need pa ba yon? Sobrang ganda mo na kaya" Seryosong usap ko sa kaniya kaya kinurot nanaman niya ulit ang tiyan ko.

"Bola!" Napapailing na sabi niya kaya natawa na lang naman ako.

"Alam mong totoo yung sinabi ko" Nakangiting usap ko pa sa kaniya kaya nakangiti naman siyang tumango.

Nang makaalis na siya ay agad din akong pumasok na sa loob ng hospital at mabilis na sinimulan ang mga trabaho ko upang maaga na rin makaalis para sa date namin dalawa ni Stanaiah.

AMARIWhere stories live. Discover now