CHAPTER LIII

1.3K 55 11
                                    

"Hi!" Nakangiting bati ng kapitan sa doktora.

Napalingon naman ang doktora at laking gulat ng makita na ang dating tenyente na nakauniporme.

"Kaya ko naman na pumasok kaya ———-

Hindi naman na natuloy ng kapitan ang kaniyang sasabihin ng bigla na lang siyang yakapin ng doktora.

"Kakakita mo lang sa akin kahapon, miss mo na ako agad?" Natatawa ng usap ng kapitan at niyakap na rin ang doktora.

"Oo, namiss kita pero gusto ko lang naman ipaalala sa mga matang nakatingin sayo, na kung para kanino ka" Natatawa ng aniya ng doktora kaya nakangiti naman siyang hinalikan ng kapitan sa noo.

"Sayo ako, sayong sayo pati tong katawan ko" Aniya pa ng kapitan kaya agad naman siyang hinampas ng doktora

"Siraulo ka! Mamaya may makarinig sayo diyan" Natatawa ng aniya ng doktora.

"Maririnig lang nila pero ikaw lang makakahawak niyan" Bulong na usap naman ng kapitan kaya natatawa na napailing na lang naman ang doktora.

Agad naman napansin ng doktora ang pag iiba sa uniporme ng dating tenyente kaya nakangiti pa niya ng inayos ang uniporme nito.

"Nakakamiss kang tawaging Tenyente"

"Pero nakakaproud kang tawaging Kapitan," Masayang aniya ng doktora.

"Thank you!"

"Oh? Nga pala, napadaan kami ni Mommy kanina sa mall kasi may bibilhin daw siya kaya naisipan ko na rin bilhan ka nito" Usap ng kapitan bago tuluyan iabot sa doktora ang isang paper bag.

"Ano to?"

"Painting materials, nabanggit kasi sa akin ni Janie non na mahilig kang mag paint kaya naisipan kong bilhan ka niyang mga gamit na yan nung napadaan ako sa store" Aniya pa ng kapitan kaya agad naman napangiti ang doktora.

"Thank you, Mickenzie Santiago"

"Your welcome, Amari Asuncion" Aniya na ng kapitan bago tuluyan humarap sa kaibigan na kakalabas lang sa kaniyang opisina.

"Oh? Nandito ka pala"

"Ate Amari, bakit walang label 'to?" Nakakalokong tanong ni Janie sa doktora habang hawak hawak ang isang maliit na bote.

Napaiwas naman ng tingin ang kapitan at bahagya pang napaubo kaya napapailing na lang naman ang doktora.

"Hindi pa kasi tapos yan, masyado ka naman nagmamadali" Natatawa ng sagot ng doktora kaya nagpatango-tango naman ang kapitan habang ginagala na lang ang paningin.

"Mickenzie, akala ko ba uuwi ka ng isla?" Biglang tanong ni Janie kaya agad din naman napalingon ulit sa kanila ang kapitan.

"Oo nga, dinaan ko lang yung painting materials kay Doktora, magpapaalam pa lang din ako kasi baka may papadala siya kila Tatay D" Sagot ng Kapitan habang nakatingin na kay Amari.

"Meron ba?" Tanong na ng kapitan sa doktora.

"Wala naman, tsaka kaya mo na ba?"

"Gusto mo samahan na kita?" Nag aalala pang tanong ng doktora.

Kaya gulat naman napatingin sa kaniya ang pinsan niyang doktora.

"Hindi pwede!"

"Hindi pwede!"

Sabay na usap ng dalawang magkaibigan, taka naman na tumingin sa kanila ang doktora kaya parehas naman na itong mga napaiwas ng tingin.

"Hindi ka pwede kasi may trabaho pa tayo rito" Usap pa ni Janie sa pinsan kaya agad naman napapatango ang kapitan.

"Buti sana kung mamaya pa" Dagdag pa nito.

"Tsaka kaya ko naman na, okay na okay na ako oh" Aniya pa ng kapitan habang taka pa rin nakatingin sa kanila ang doktora.

Nang malusutan na ng dalawang magkaibigan ang doktora ay agad na rin umalis si Mickenzie, agad-agad siyang nagtungo sa isla para personal na kausapin ang mga magulang ng doktora.

"Mickenzie, anak!" Masayang bati ng kaniyang Nanay M ng makita siya sa labas ng gate.

"Kamusta ho kayo rito, nay?" Nakangiting tanong ng kapitan sa nanay ng doktora tsaka nagmano sa nanay ng doktora.

"Okay naman kami rito, nak! ikaw ba? Kamusta na pakiramdam mo?" Sagot nito habang papasok na sila sa loob ng bahay.

"Oh? Pumapasok ka na? Bakit napabiyahe ka na, okay ka na ba?" Takang tanong pa ng tatay d niya ng makapasok na sila sa loob ng bahay.

"Okay na ho ako, tay, magaling ho yung doktor ko e" Nakangiting sagot ng tenyente habang nagmano na rin sa tatay d nito.

"Maupo ka na muna at kukuha na muna kita ng maiinom" Nakangiting aniya pa ng nanay m nito at mabilis na nagtungo sa kusina ng mga ito.

"Anong meron at napadaan ka rito sa isla, Police Captain Santiago?" Todo ngiti ng tanong ng Tatay D nito.

Pilit naman ngumiti ang kapitan at huminga ng malalim ng maupo na rin sa harap niya ang nanay m nito.

"Nay! Tay! Gusto ko po sanang ligawan anak niyo" Seryosong usap na ng kapitan habang nakatingin pa rin sa kaniya ang mag asawa.

"Alam ko hong matagal niyo ng alam yung tungkol sa nararamdaman ko kay Amari at ngayon ho na maayos na ang lahat at hindi sila hawak pa ni Mr. Delgado ay gusto ko pong sanang itama yung namamagitan sa amin at gusto ko hong simulan yon sa panunuyo sa anak niyo"

"Sana po pumayag kayo" Pamamaalam ng kapitan kaya gulat naman napatingin ang Nanay M ng doktora rito habang napapangiti naman na ang Tatay D nito habang napapailing.

"Pwede mo naman na pakasalan na e" Nakangiting aniya ng Tatay D nito, nagulat naman ang asawa nito kaya agad niya rin naman nahampas sa braso ang mister.

"Salamat anak at nirerespeto mo kami bilang magulang ni Amari at nagawa mo kaming tanungin muna tungkol sa bagay na yan pero kasi kahit naman na hindi ka na rin magpaalam ay botong boto naman na kami sayo noon pa" Nakangitig aniya na ng Nanay M nito kaya napangiti na rin naman ang Kapitan.

"Ang pakiusap ko lang sayo ay huwag na huwag mong sasaktan ang unija hija ko, Mickenzie" Pakiusap ni Tatay D sa kapitan kaya napatango naman agad ang kapitan.

"Makakaasa ho kayo, Tay"

AMARIWhere stories live. Discover now