CHAPTER XXIII

1.1K 36 6
                                    

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

"Mickenzie, alam mo ba itong ——-

"Sabi ko nga, alam mo na" Pagpuputol niya sa sarili niya ng makita na niya ang isang maliit na envelope na hawak hawak ko kanina pa.

Mula ng matanggap ko itong maliit na sobre na ito mula sa kapatid ko ay hindi ko na nagawang umalis pa sa opisina ko.

Isang imbitasyon lang naman iyong ng hapunan sa isang restaurant mamayang gabi pero parang alam ko na ang buong mangyayari.

"Pupunta ka?" Tanong pa sa akin ni Gail ng makaupo na siya sa harap ng mesa ko.

Tumango naman ako at umayos na ng upo.

"Malamang, personal niyang binigay sa akin dito tong imbitasyon na 'to tsaka sino ba naman ako para tanggihan yung kapatid ko" Sagot ko sa kaniya.

"Si Janie at Stanaiah ininvite niya pati na rin si Madison, malamang sa malamang nandon din mga magulang niya at si Amari" Usap pa niya kaya tumango na lang naman ako.

"Nandon si Mr. Delgado, Mickenzie, sure kang pupunta ka ron?" Paninigurado pa niya kaya napasandal na lang naman ako sa upuan ko.

"Hindi siya ang ipupunta ko ron, ang importante naman dito ay kailangan kong suportahan tong kong ano man tong imbitasyon ng kapatid ko" Sagot ko sa kaniya kaya tumango na lang naman ito.

"Si Sherryl kaya?" Biglang tanong pa ni Gail kaya napatingin na lang naman ako sa kaniya.

Kinagabihan ay nakarating na ako sa restaurant na nakalagay sa imbitasyon na binigay ni Cloie sa akin, kita ko naman na ang sasakyan ng mga kaibigan ko kaya masasabi ko na nandito na rin sila pare-pareho.

"Mickenzie!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin at doon ko naman nakita si Sherryl na kakababa lang ng kotse niya.

"Sherryl?" Takang nasabi ko na lang at napatingin sa loob ng restaurant.

"Tara na baka tayo na lang yung wala ron sa loob" Sabi niya at hinila na ang kamay ko.

"Teka, Sherryl" Pagpipigil ko pa sa kaniya

"Sigurado ka ba rito? Pwede naman hindi na tayo tumuloy, pwede naman tayong mag roadtrip na lang o kung ano" Suhestiyon ko sa kaniya.

"Nakakahiya kay Cloie kung hindi tayo tutuloy, personal siyang pumunta sa bahay para imbitahan ako sa dinner na 'to kaya inaasahan niya na makukumpleto talaga tayo rito" Sagot niya sa akin kaya napatango na lang naman ako.

"Okay, ikaw lang naman iniisip ko" Usap ko pa sa kaniya kaya napangiti naman siya.

"Sweet mo talaga, tayo na lang kaya?" Natatawang sabi niya kaya natawa na lang din naman ako.  

Pagpasok namin sa loob ay halos mga staff at waiter lang ang bumungad sa amin, mukhang nireserba talaga ng kapatid ko ang buong restaurant na ito para sa gabing ito.

"Tenyente, nandon po sila, hatid ko na po kayo" Biglang usap ng isang staff kaya agad naman kaming sumunod ni Sherryl sa kaniya.

"Thank you" Pasasalamat ni Sherryl sa staff ng makarating na kami kung nasaan sila.

Nang makalapit na kami sa kanila ay bigla naman nagsalita ang taong hindi ko alam kung ano ba talaga ang trip sa buhay.

AMARIWhere stories live. Discover now