CHAPTER XXXVII

1K 44 13
                                    

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

Kinabukasan ay napagkasunduan namin nila Gail at Madison na palitan kami sa pagbabantay sa wala pa rin malay na kaibigan namin na si Sherryl. Kaya naman ngayon ay nandito na ako sa parking lot ng hospital para bantayan na ang kaibigan ko.

Matagal tagal na rin ang huling beses na pumunta ako sa lugar na ito, matagal tagal ko na rin hindi nakikita si Doktora Amari.

Kaya ng magkita kami kagabi ay hindi ko maipaliwanag kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ng magtagpo ulit ang mga mata namin.

"Tenyente!" Saludo sa akin ng guwardiya rito sa hospital, sumaludo rin naman ako sa kaniya.

"Kayo po ba papalit kay Konsi Cloie sa pagbabantay?" Nakangiting tanong niya sa akin.

Nandito si Cloie?

Hindi niya ba naisip na posibleng siya ang dahilan kung bakit pinagbababaril ang bahay nila Sherryl?

Na siyang dahilan kung bakit nalagay sa alanganin ngayon si Sherryl?

"Ahh sige po, una na po muna ako, puntahan ko na po muna sila ron" Usap ko at nagmamadaling naglakad papunta sa kwarto kung san naroroon si Sherryl.

Ngunit pagpasok ko ay talaga naman hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Si Cloie na tulog na tulog sa tabi ni Sherryl at payapa pang hawak hawak ang kamay nito habang si Amari naman ay nakatayo lang doon at tahimik na nakatingin sa kapatid at kaibigan ko.

Anong kagaguhan tong ginagawa mo Cloie?

Anong pumasok sa isip mo para pumunta rito?

Hindi mo ba alam na habang hawak hawak mo ang kamay ng dati mong minahal ay hindi mo na namamalayan nakatingin at nasasaktan na ang babaeng sinabihan mong mahal mo at hinding hindi mo sasaktan.

Ilan sandali pa ay nagulat pa siyang makita ako ng tuluyan na siyang humarap sa akin para lumabas na sa kwarto.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong niya sa akin kaya tumango na lang naman ako.

Tumango rin naman siya at dire-diretsong lumabas ng kwarto. Napahinga na lang naman ako ng malalim bago tuluyang lumabas na rin sa kwarto ni Sherryl at sinundan na lang si Doktora Amari na ngayon palabas na ng hospital.

Akala ko ba masaya? Bakit harap harapan ko pang amakikitang nasasaktan ka?

Naupo siya sa isang bench sa gilid ng hospital, iilan lang ang dumadaan doon at para ba talagang pag mamay ari niya ang lugar na iyon.

"Paupo ah" Paalam ko ng makalapit sa kaniya, gulat naman siyang napatingin sa akin kaya napapailing na lang naman akong umupo.

"Bakit ka nandito?" Biglang tanong niya kaya natatawa naman akong tumingin sa kaniya.

"To naman! Ang sungit"

"Nakarating ba sayo yung chicken na nirequest mo sa akin?" Tanong ko sa kaniya at laking pasalamat ko naman ng tumango siya bilang sagot.

"Oh? Yun naman pala e! Bakit ang sungit sungit mo? Kulang ba?" Asar ko pa kaya agad naman niya akong sinamaan ng tingin.

"Ganon ka ba kabusy para hindi kami daanan sa hospital?" Biglang tanong niya kaya napanganga na lang naman ako.

"Ahh yon? may mga kinailangan lang akong gawin" Sagot ko kaya napatango na lang naman siya

"Yung nakita mo kanina ------

AMARINơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ