CHAPTER XXXV

1K 42 7
                                    

JANIE SHAE'S POV

"Whooaa! Pamatay tong beer sa ref mo ah, ang dami, langya!" Natatawang usap ni Gail ng kumuha siya beer para sa amin tatlo ni Mickenzie.

Nandito kami ngayon sa mini bar sa bahay ni Mickenzie, nagkayayaan lang ng inuman matapos ng mahaba habang oras na gigugol namin sa kanya kanya namin trabaho.

"Iisa lang ang beer at tubig diyan kay Mickenzie, huwag ka na magtaka" Napapailing na sabi ko na lang at naupo sa bar stool.

Inabutan naman na kami ni Gail ng beer habang busy pa rin si Mickenzie sa pag aaral at pag iimbestiga sa mga iba pang ebidensya na nakuha pa nila ni Gail nitong nakaraan.

Nasabi naman na nila sa akin ang tungkol sa kaso na hawak nila at kahit ako ay natatakot na rin para sa kaligtasan ni Ate Amari ng malaman kong si Mr. Delgado nga ang puno't dulo ng mga nangyayaring hindi maganda rito sa Isidro.

"Hindi pa ba sapat yang mga ebidensyang hawak niyo para ipakulong si Mr. Delgado?" Tanong ko sa kanila matapos kong uminom ng beer.

Umiling naman si Mickenzie habang seryoso pa rin siyang nakatingin sa mga litratong hawak hawak niya.

"Sa ngayon, kung magbababa kami ng warrant of arrest maari pa niyang lusutan ang mga ebidensyang hawak hawak namin ngayon, lalo na't si Mr. Delgado ang pinaka makapangyarihan dito sa Isidro"

"Kailangan pa rin namin makahanap ng mas mabigat na ebidensya para makasiguro na kaming wala na siyang takas sa mga maling nagawa niya" Sagot ni Gail sa akin.

"Hinahanap pa rin namin tong mga taong nagsampa ng kaso sa mga dating patayan nangyari rito sa Isidro na may kinalaman sa DGD"

"Makakatulong yon sa pagpapabigat sa mga kasong isasampa namin kay Mr. Delgado" Sagot din ni Mickenzie kaya napatango na lang naman ako at kinuha ang isang folder para basahin iyon.

Rape?

"Hindi pa ba rin ba sapat tong kasong rape para arestuhin tong si Mr. Delgado? Ibang klaseng kapangyarihan pala meron tong tatay ni Cloie" Napapailing na sabi ko na lang, taka naman tumingin sa akin ang dalawa kaya inabot ko naman ang folder na siyang binasa ko.

"1991?" Usap pa ni Gail ng mabasa niya rin ang papel na hawak hawak na niya ngayon.

"31 years ago" Aniya pa ni Mickenzie.

"Di ba nasa 30 na rin si Cloie? Alam ko kasi magkasing edaran lang sila ni Ate Amari" Nasabi ko na lang kaya nagkatinginan pa silang dalawa.

Ang alam ko kasi ay magkasing edaran talaga si Ate Amari, Cloie, Gail at si Madison na nobya na ni Gail habang kami naman nila Stanaiah, Mickenzie at Sherryl ang magkakasing edaran na di hamak na mas bata naman sa mga thunders ng dalawang taon.

"Anong gusto mong palabasin? Na si Mrs. Delgado ang narape ni Mr. Delgado at si Cloie ang bunga non?" Takang tanong pa ni Mickenzie bago tuluyan ubusin ang beer na hawak hawak niya

Takaw talaga sa alak amp

Pero maari rin talaga

"Maaari ngang ganon" Nasabi ko na lang at pinagpatuloy na ang pag iinom.

"Bakit hindi ang sir daddy mo ang tanungin mo sa bagay na yan?"

"Malamang sa malamang alam niya ang tungkol sa kasong yan" Suhestiyon pa ni Gail kaya napatango na lang naman ako bilang pang sang ayon.

Hindi naman na nagsalita si Mickenzie at tinuon na lang ulit ang paningin niya sa mga papel na hawak hawak niya.

"Maiba tayo, ano ba talagang nangyari sa inyo sa San Luiz ni Amari para hindi mo na ako masama samahan sa hospital?" Takang tanong pa ni Gail ng harapin na nito si Mickenzie.

"Halos isang buwan ka na hindi dumadaan doon ah" Dagdag pa ni Gail

"Oo nga pati ako hindi alam sasabihin kapag tinatanong ka sa akin e" Dagdag ko pa kaya agad din naman siyang napatingin sa akin.

"Wala" Simpleng sagot niya kaya napatingin na lang kami ni Gail sa isa't isa.

Sabay naman kaming pumalakpak ni Gail kaya taka pa siyang nagpabalik balik ng tingin sa amin.

"Grabe, life changing"

"Nice answer, tenyente" Asar pa ni Gail kaya napailing na lang naman ito.

"Hayaan mo na, Gail"

"Baka nagmomove on na yung tao" Kunwaring seryosong usap ko pa kaya napatango na lang din si Gail.

"Sabagay, nobya nga pala ng kapatid niya yung babaeng gusto niya" Dagdag pa ni Gail.

Tinabi naman na niya ang mga papel na kanina pa niya tinitignan at ilan mga litrato na hawak-hawak niya bago tuluyan ituon ang atensyon niya sa amin.

"Pinapalayo ako ni Tatay D kay Amari" Seryosong usap niya habang gulat na gulat naman si Gail sa sinabi niya.

Hindi na ako magtataka na kilala ni Mickenzie si Tito Dick dahil sa una pa lang ay alam ko na, na si General Santiago na kaibigan ni Tito Dick ang siyang tumulong sa kanila at nagpaaral noon kay Ate Amari.

"Bakit daw?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Madaldal kasi tong kaibigan mo, nabanggit niya kay Tatay D na may nagugustuhan akong doktora kaya nung sinamahan ko na si Amari sa kanila e doon na niya napagtanto na si Amari nga yung nagugustuhan ko, hindi ko naman alam na anak niya pala si Doktora" Sagot niya.

"Buti pa pala si Tatay D alam na gusto mo si Ate Amari samantala yung anak niya walang kaalam-alam sa nararamdaman mo" Natatawang aniya ko pa kaya natawa naman ng napakalakas si Gail.

"Hindi kayo sure" Natatawang sabi pa niya kaya taka naman kaming napatingin ni Mickenzie sa kaniya.

"So, bakit nga? bakit ka pinapalayo ni Tatay D kay doktora?" Biglang seryosong tanong na niya kaya napailing na lang naman kami ni Mickenzie.

"Alam na niya ang relasyon ng kapatid ko sa anak niya at alam niya na rin ang nararamdaman ko sa anak niya"

"Kaya inutusan niya akong layuan ang anak niya dahil ayaw na raw niya maulit ang nakaraan, ayaw niya mapahamak si Amari lalo na't Delgado raw ang nobya ng anak niya" Kwento pa niya bago ulit tuluyan ubusin ang beer na hawak hawak niya.

Mukhang mapaparami kami nito ah.

"Nakaraan? Yung tungkol ba kay General Santiago to tsaka sa Daddy ni Cloie?" Takang tanong pa ni Gail kaya napatango naman si Mickenzie.

Alam namin na nagkagusto silang dalawa sa isang babae na siyang nanay ni Cloie at Mickenzie pero hanggang doon lang ang alam namin pare-pareho.

"Siguro? Marami pa rin akong dapat tanungin kay Sir Dad tungkol sa hindi ko malaman laman na nakaraan na yon" Usap na niya

"Hindi ba matagal mo ng tinatanong sa kaniya yan?"

"Oh! hanggang ngayon wala ka pa rin nakukuhang sagot?" Biglang usap ni Gail

"Sa tingin ko, si Tito Dick ang sagot mo diyan sa hindi mo malaman laman na nakaraan ng pamilya niyo ni Cloie" Nasabi ko na lang.

Matagal ng uhaw si Mickenzie na malaman ang nakaraan na yon at nakakalungkot lang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya malaman laman ang totoo.

"Pero alam mo? Anak nga kayo ng mga tatay niyo, puro iisang babae trip niyo" Napapailing na sabi na lang ni Gail kaya natawa na lang din kami ni Mickenzie.

"Nauna ang daddy ko"

"Ikaw din ang naunang magmahal kay Ate Amari" Usap ko pa kay Mickenzie.

"Nauna nga ang mga Santiago pero ang mga Delgado pa rin naman ang pinili" Rebat pa ni Gail kaya awtomatiko naman napabilog ang bibig ko at natawa ng malakas. Natatawa na lang din napailing si Mickenzie at pinaabot na lang kay Gail ang isa pang bote ng beer.

AMARINơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ