CHAPTER XXXIX

1.1K 52 12
                                    

JANIE SHAE'S POV

"Doktora! Si Konsi Delgado po nang gugulo sa kwarto ni Architect Gomez!" Biglang bulabog ng isang nurse sa amin ni Ate Amari rito sa opisina ko.

"Bakit? Ano nanaman bang ginawa?" Inis na tanong ko sa isang nurse, ngunit pagkalabas na pagkalabas ko ng opisina ko ay nakita ko ng hawak hawak ng guard at ni Gail si Cloie palabas ng kwarto ni Sherryl.

"Cloie!" Biglang sigaw ni Ate Amari kaya agad din natigil sa pagpupumiglas si Cloie.

"Pinagbabawal na nila Momma na lumapit si Cloie kay Sherryl pero ang ligalig pa rin e" Usap sa amin ni Gail kaya napapailing na lang naman akong napatingin kay Cloie.

"Cloie, makinig ka na lang sa kanila, sigurado naman akong may dahilan sila kung bakit hindi ka na nila pinapalapit kay Sherryl" Nasabi ko na lang pero inis lang itong tumingin sa akin.

Lakas din naman talaga ng loob nitong pumunta rito matapos mapahamak ni Sherryl ng dahil sa kaniya at sa daddy niya

Hindi na rin siya nahiya sa nobya niya.

"Tara na, magpahangin ka na muna roon sa labas" Seryosong aniya na ni Ate Amari habang hila hila na nito Cloie palabas ng hospital, napailing na lang naman kami ni Gail.

"Ibang klase talaga ang isang yon, hindi mo malaman kung ano ba talaga ang gusto" Napapailing na usap ni Madison sa nobya at sa kaibigan na doktora .

"Ibang klase talaga! Kung kumilos akala mo walang nobya" Napapailing na pag sang ayon ko na lang sa kaniya

"Oh! Nasaan yung isa?" Tanong ko kay Gail ng hindi ko mapansin si Mickenzie.

"Isa pa yon! Naaalala mo ba yung kasong rape na sinampa noon kay Mr. Delgado?" Biglang tanong niya rin sa akin kaya napatango naman ako bilang sagot.

"Si Mrs. Delgado ang nagsampa ng kaso na iyon at tama nga ang hinala natin na si Cloie nga ang bunga non" Usap niya na siyang kinabigla ko talaga.

"Anong sabi ni Mickenzie?"

"Wala, bigla siyang pinatawag ng Sir Dad niya e" Sagot ni Gail kaya napatango na lang naman ako.

"Sa tingin mo, okay lang kaya ang isang yon?" Nag aalala nang tanong ko sa kanila.

"Kilala mo si Mickenzie, hindi tumitigil ang isang yon hanggat hindi niya nalalaman ang totoo" Sagot ni Gail.

"Kaya malamang sa malamang ay alam na niya ang nangyari noon lalo na't magkasama sila ng Sir Dad niya ngayon" Dagdag pa niya.

Nang akmang papasok na kami sa kwarto ni Sherryl ay sabay naman kaming napalingon kay Manong Guard na tumatakbo palapit sa amin ni Gail.

"Doktora! Professor! Tenyente! si Konsi Delgado at Tenyente Santiago nagpapambuno na sa labas" Usap niya kaya agad naman kaming napatakbo ni Gail at Madison palabas ng hospital.

——————————————————————

"Bakit ka nandito?" Tanong ng nakainom na Tenyente sa kapatid niya na nasa labas na ng hospital.

"Bakit? Masama na bang dalawin ngayon yung taong mahal ko?" Maangas na tanong ng nakainom na rin na si Cloie sa kapatid.

"Alam mo, mas maganda kong umuwi ka na lang muna ng mahimasmasan ka muna kahit papaano" Napapailing na usap na lang ni Mickenzie sa kapatid tsaka niya ito inakbayan.

"Lumayo ka sa akin! Kaya ko sarili ko" Usap ng Konsehal sa kapatid ng itulak na niya ito palayo sa kaniya.

Agad naman napatakbo ang nobya nitong doktora sa kaniya ng bahagya pa siyang natumba sa sahig.

AMARIWhere stories live. Discover now