CHAPTER L

1.5K 54 8
                                    


"Dadalaw ka kay Mickenzie?" Tanong ni Janie sa pinsang doktora ng makitang nakabihis at may dala na kung ano-ano ang doktora.

"Oo, matagal-tagal na rin yung huling beses na dinalaw ko yung makulit na nilalang na yon e" Sagot ng doktora kaya napangiti na lang naman ang pinsan nito.

"Oa naman, araw-araw ka ngang nandon parang kahapon ka nga lang hindi nakadalaw e" Natatawang aniya pa ni Janie.

"Pero ingat ka ah, pakisabi na lang din na pagdating na pagdating ni Stanaiah dito bukas sa Isidro, dadalaw kami agad sa kaniya" Nakangiting bilin pa ni Janie sa pinsan.

"Okay okay, una na ako, galingan mo diyan sa trabaho mo ah" Paalam na ni Amari bago tuluyan lumabas ng hospital.

Bago tuluyan magdrive papunta sa dating tenyente ay dumaan pa muna siya sa flower shop na palagi niyang binibilhan.

"Oh doktora! Ano na hong balita?" Nakangiting tanong ng tindera.

"Wala, ganon pa rin, tuloy pa rin naman ang buhay" Simpleng sagot ng doktora habang patuloy pa rin sa pagpili ng bulaklak.

"Kalat na kalat na rin ho pala rito sa buong Isidro ang bali-balitang ikakasal na si Konsehal Cloie kay Architect Sherryl ah, mabuti na lang ho talaga at natapos na ang kasamaan ng dating mayor, kaya kahit papaano ay nawala na rin ho ang mga pangamba namin"

"Talaga ho kasing hindi na namin kinakaya ang takot noon halos takot na nga po kaming lahat lumabas ng bahay noon, mabuti na lang ho talaga may Tenyente Santiago tayo noon rito sa Isidro"

"E kaya nga lang ho talaga e ganon po ang nangyari" Sunod-sunod na daldal pa ng tindera sa suking doktora.

"Masaya akong mabalitaan na wala na kayo pangamba" Nakangiting aniya ng doktora.

"Sana lang talaga ay naririnig kayo ng dating tenyente sa mga papuri at pasasalamat niyo sa kaniya" Nakangiting dagdag pa nito.

Matapos ayusin ng tindera ang mga napiling bulaklak ng doktora ay agad na rin itong nag drive papunta sa kung saan naroroon ang dating tenyente.

"Wala ka bang pasok ngayon?" Takang tanong ng heneral ng magmano sa kaniya ang doktora.

"Wala ho" Nakangiting sagot ng doktora.

"Kung ganon, dapat nagpapahinga ka na lang muna sa ngayon, hindi rin biro yang trabaho mo, anak" Aniya pa ng Heneral.

"Nandito na po ako sa pahinga ko" Sagot ng doktora sa Heneral bago tuluyan ilapag ang dala-dala nitong bulaklak.

Napangiti na lang naman ang heneral ng makita ang anak at anak-anakan din nitong si Amari.

"Hindi ko pa rin lubos na akalain na sa ganitong sitwasyon ko pa kayo makikita na magkasamang dalawa ng anak ko" Biglang usap ng Heneral.

"Kaya nga po e, sa dami ng nangyari nitong nakaraan ay halos hindi pa rin nag sisink in sa akin ang nangyari kay Mickenzie"

"Araw-araw ko pa rin ho siyang namimiss" Aniya ng doktora kaya napangiti na lang naman ang heneral.

"Kamusta nga po pala yung kaso ni Mr. Delgado?" Biglang tanong ng doktora sa heneral.

"Good news ang tungkol diyan anak, dahil kakatanggap ko lang ng balita na nahatulan na ng pagkahabambuhay na pagkakakulong si Delgado" Nakangiting sagot ng heneral kaya agad naman napatingin ang doktora sa dating tenyente.

"Narinig mo yon? Nahatulan na ng pagkahabambuhay na pagkakakulong si Mr. Delgado kaya pleaseee, gumising ka na riyan" Usap pa ng doktora sa dating tenyente sa hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaroon ng malay.

Mag iisang buwan na mula na mangyari ang insidente, nahuli nga nila ang dating mayor ngunit nalagay naman sa alanganin ang buhay ng dating tenyente.

Dating tenyente dahil mula ng mahuli ng mga ito ang utak ng sindikato na si Mr. Delgado ay agad din nakatanggap ng promotion ang apat na pulis na namuno sa kaso ng dating mayor.

Tapos na ang mission ng pagiging tenyente ni Mickenzie dahil ang mga susunod ay mission na ng isang Kapitan ang mga dapat harapin ng dating Tenyente.

Ngunit bago pa naman harapin ni Mickenzie ang bagong hamon niya sa pagiging pulis ay kailangan na kailangan na muna niyang ipanalo ang hamon niya sa pagitan ng buhay at kamatayan.

Nagawa naman siyang iligtas ng kaibigan at ng doktora ngunit patuloy pa rin siyang hindi pa nagigising kaya napagdesisyunan na muna ng pamilya ng dating tenyenteng iuwi na lang sa bahay ang anak at kapatid at doon na lang magpagaling.

"Oh? Hindi pa rin gising yan?" Biro pa ni Cloie ng pumasok na ito sa kwarto ng kapatid.

"Kapitan Santiago! Alam mo bang magtatayo na kami ng sarili namin firm ni Sherryl?" Masayang bati ng konsehal sa kapatid kaya gulat naman napatingin ang doktor at ang heneral sa kaniya.

"Congrats!" Masayang bati ni Amari sa kaibigan.

"Wow! Congrats anak!" Bati rin ng heneral

"Salamat, pa! Salamat, Amari"

"Talaga bang hindi mo na itutuloy yang pangalawang termino sa pagiging konsehal, ha? Anak?" Tanong ng heneral.

"Hindi na, pa! Hindi ko rin naman po talaga gusto yon, masaya hong tumulong pero mas gusto ko pa rin ho maging engineer kasama ni Sherryl na architect" Nakangiting sagot ni Cloie

"Pwede pa naman ho akong tumulong kahit na wala na akong posisyon sa gobyerno" Dagdag pa nito kaya napangiti na lang din tumango ang heneral.

"Masaya akong nagagawa muna ang mga gusto mong gawin" Aniya pa ng heneral.

"Kaya nga po e, kaya salamat po talaga sa inyo ni Mickenzie, kung hindi ho dahil sa inyo e baka nakakulong pa rin ako sa pagiging malupit ni Mr. Delgado" Sagot ng anak nito sa kaniya.

"Maiba tayo, kailan niyo ba talaga balak magpakasal ni Sherryl?" Tanong ng ama sa kaniyang anak.

"Anytime kapag nagising na itong kapatid ko, ready naman na po ang lahat, tong si Mickenzie na lang po ang parehas namin hinihintay ni Sherryl" Sagot ng konsehal kaya napatango na lang naman ang mga ito.

"Narinig mo yon, Mickenzie? Ikaw na lang ang hinihintay, kaya gumising ka na riyan at marami ka pang kailangan gawin" Aniya na ng doktora sa dating tenyente.

"Nasabi ko na kay Sherryl ang lahat at ngayon malapit na kaming ikasal, sana magising na ang isang 'to para malinaw niyo na rin ang dapat niyong linawim" Seryoso ng aniya ng konsehal sa doktora kaya napatango na lang naman ito.

"Huwag kang mag alala, may tiwala ako kay Mickenzie, sigurado akong magigising ang isang to at maiaayos namin ang dapat namin ayusin"

AMARITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon