CHAPTER XXI

1K 36 1
                                    

SHERRYL MALAIA'S POV

"Oh! Mickenzie napadalaw ka?" Gulat na tanong ko sa kaniya ng siya ang nakita ko sa labas ng bahay namin. May dala dalang pagkain at ilan lata ng beer.

"Tara! Pasok ka" Yaya ko sa kaniya kaya agad naman siyang pumasok.

"Sila Tita?" Tanong niya ng mapansin niyang tahimik ang buong bahay.

"Umuwi sila ng Maynila kanina kaya yung kasambahay lang yung kasama ko ngayon dito" Sagot ko kaya tumango na lang naman siya.

Dumiretso naman siya sa mesa na nasa maliit na garden ni mama at doon nilapag ang dala dala niya.

"Dito na lang tayo sa labas para solid yung hangin" Usap pa niya atsaka umupo sa upuan.

"Umupo ka na, ikaw may ari nitong bahay pero ako pa tong nagpapaupo sayo rito" Napapailing na usap niya kaya natawa na lang naman ako.

Naupo naman na ako sa katapat niya habang agad niya rin naman ako binigyan ng pagkain.

Hulog talaga ng langit tong si Mickenzie.

"Matagal ko ng dinadalaw-dalaw rito sila Tita kahit wala ka, kaya ganito na lang ako kakomportable rito sa bahay niyo, ewan ko lang kay Konsi kung dumadaan din ba siya rito" Biglang usap niya kaya napatango na lang naman ako.

"Matapos ko siyang iwan non? Malabong dumalaw pa rito sa amin yon" Napapailing na lang na sagot ko sa kaniya.

"Sarap talaga nito" Dagdag na usap ko pa matapos kainin ang isang manok. Napangiti naman siya at tumango.

"Pasalamat ka nakita kita sa labas ng restaurant kanina kung hindi, baka hindi ka makakakain niyan ngayon" Natatawang usap niya kaya gulat naman akong napatingin sa kaniya.

Nakita niya ako?

"Nakita mo ko?" Paninigurado ko pang tanong sa kaniya at tumango naman siya bilang sagot.

"Bakit hindi ka tumuloy? Halos kakababa mo lang ng sasakyan non ah, bakit bigla ka kaagad umalis?" Napapailing na tanong niya sa akin.

"Minsan ko ng nakita si Cloie at Doktora Amari sa isang coffee shop at alam ko na mararamdaman ko kung sakaling magkrus pa ang mga landas namin kanina, kaya mas mabuti na ako na yung umiwas" Sagot ko sa kaniya

"Sabihin mo nga sa akin, architect" Biglang usap niya matapos inumin ang beer niya.

"Ang alin?" Takang tanong ko sa kaniya habang patuloy pa rin ako sa pagkain.

"Hindi lang ang pamilya at trabaho ang binalikan mo rito diba?" Tanong niya kaya napatitig na lang naman ako sa kaniya.

"Kasama ka sa gusto kong balikan rito kaya siguro? hindi nga lang sila" Sagot ko sa kaniya.

"At kasama rin yung kapatid ko sa gusto mong balikan? Tama ba?" Tanong pa niya.

Walang silbe ang pagsisinungaling pagdating kay Mickenzie, kaya naman mapapasagot ka na lang talaga ng totoo dahil alam na namin na bago pa siya magtanong, alam na niya yung totoo.

"Oo pero huli na ako" Sagot ko sa kaniya.

"Kung may pagkakataon lang sana para sabihin ko sa kaniya lahat ng naging dahilan ko para iwan kayo, iwan siya, baka siguro pwede pa, kaso malabo na" Usap ko pa sa kaniya kaya taka naman siyang tumingin sa akin.

"May iba ka pa bang dahilan? Hindi ba umalis ka lang naman pa Maynila para mag aral?" Takang tanong niya sa akin, napangiti na lang naman ako at umiling.

"Si Mayor Delgado" Sagot ko sa kaniya, nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

"Anong meron kay Mayor Delgado?" Gulat pa rin na tanong niya.

"Alam naman natin parehas na ayaw na ayaw sumunod ni Cloie sa yapak ng daddy niya, ayaw na ayaw niyang pasukin ang buhay pulitiko, hanggang sa nalaman na lang ng daddy niya ang namamagitan sa amin dalawa ni Cloie at ang tingin sa akin non ni Mayor Delgado ay isang malaking hadlang sa mga plano niya para kay Cloie" Kwento ko sa kaniya.

"Anong ginawa niya sayo?" Seryoso ng tanong niya sa akin. Umiling naman ako.

"Wala siyang ginawa, pero pinagbantaan niya kami ng pamilya ko, pinagbantaan niya na aalisan niya ng karapatan ang lahat ng business nila mama rito sa Isidro, tinakot niya kami na mayroon mangyayaring masama sa amin ng pamilya ko kung patuloy ko pa rin lalapitan ang anak  niya" Kwento ko pa sa kaniya. Kita ko naman ang gulat sa mga mata niya at inis sa nalaman niya.

"Napaka walang kwenta talaga ng isang yan, pati sariling kaligayahan ng anak niya, pinagkait pa niya pati kayo nila tita dinamay pa" Inis na talagang sabi niya.

"Nag-usap na ba kayo ni Cloie? Sinabi mo na ba sa kaniya to? Sinabi mo na ba sa kaniya yung mga pagbabanta sa inyo ng daddy niya?" Sunod-sunod na tanong niya pero umiling lang naman ako.

"Ano?! Bakit hindi?! Karapatan niya pa rin malaman yung totoo"

"Sherryl, buong buhay niya kwinesyon niya ang pagmamahal mo sa kaniya at alam ko na totoo yung pagmamahal mo sa kapatid ko, hindi ba dapat lang na linisin mo ang pangalan mo sa kaniya?" Usap pa niya pero napangiti na lamang ako.

"Mickenzie, ayokong matulad sa daddy niya na pagkaitan siya ng kaligayahan" Usap ko sa kaniya kaya taka na lang naman siyang tumingin sa akin.

"Alam kong ngayon na lang ulit ginusto ni Cloie na makipag date at nakita mismo ng mga mata ko kung gaano siya kasaya sa tuwing nakikita ko sila ni Doktora Amari na magkasama" Dagdag ko pa, kaya napaiwas na lang naman siya ng tingin at tumango.

Saglit pa kaming natahimik habang pinagpatuloy ko naman ang pagkain ko habang ganon din naman siya sa pag inom.

"Nabalitaan ko na kila mama ang mga gulo rito sa Isidro, kwinento na rin sa akin ni Gail ang mga nangyari rito sa Isidro nitong mga nakaraan pati na rin yan estado ng puso mo" Paninimula ko ulit.

"Ayaw niyang sabihin kung sino dahil ikaw daw mismo ay hindi mo pa sinasabi sa kaniya kasi nga raw hindi ka pa sigurado at kuntento ka na sa pa ganon ganon" Dagdag ko pang sabi sa kaniya.

"Sino siya?" Tanong ko pa sa kaniya habang patuloy pa rin ako sa pagkain.

"Ewan, hindi ako sigurado, kaya siguro kuntento na lang talaga ako na makita siyang masaya"

"Sabihin na lang din natin na, ayoko rin magaya kay Mr. Delgado, ayoko rin pagkaitan ng kaligayahan ang kapatid ko" Sagot niya kaya gulat naman akong napatingin sa kaniya.

Oh my god!

"Akin na nga yung isang beer, iinom na lang natin'to" Natatawang usap ko na lang habang kinuhana ang beer na inaabot niya, natawa na lang din naman siya at sabay na lang kaming napapailing.

AMARIحيث تعيش القصص. اكتشف الآن