CHAPTER XLVIII

1.3K 52 18
                                    


"Akala ko sinusundo na ako ng magandang anghel paakyat ng langit e" Biro ng tenyente ng makalapit na sa harap niya ang doktora.

"Huwag kang mag alala, hindi pa pero hayaan mo, ako mismo ang magpapasundo sayo sa mga anghel kapag hindi ka umuwi sa akin ng buo" Mataray na sagot ng doktora kaya taka naman napatingin sa kaniya ang tenyente habang tawang-tawa naman ang kapatid nitong konsehal.

Ako? Sa kaniya uuwi?

"Ready?" Tanong na nito sa tenyente at doktora.

"Ready saan?" Takang tanong pa ng tenyente. Hindi naman na sumagot ang konsehal at hinawakan na lang ang earpiece na kanina pa rin sa kaniya nakasuot.

"Okay, team! Plan B, proceed! Go!" Biglang sigaw ni Cloie na siyang kinabigla talaga ng kapatid nitong tenyente.

"What the?!" Hindi pa rin makapaniwalang usap nito.

Agad din naman natauhan ang tenyente sa pagtataka ng makarinig na siya ng sunod-sunod na putok ng baril.

"Sige na, mag iingat ka, ako na muna bahala kay Doktora" Nagmamadali ng usap ng konsehal kaya agad na rin napatakbo ang tenyente papalapit sa dating mayor na napapalibutan na ng mga bodyguard nito.

"Takot naman palang mamatay ang isang 'to"

"Ang daming bantay" Napapailing ng usap ng tenyente habang habol-habol pa rin ang dating mayor.

Mabilis naman nakalabas ng resort ang dating mayor habang hirap pa rin makahabol ang tenyente sa kaniya dahil sa dami ng balang pinapaulan sa kanila ng mga tauhan ng dating mayor.

"Langya naman! kailan ba mauubusan ng bala itong mga ito! Tropa yata nila Cardo Dalisay tong mga ito" Hingal na hingal ng usap ng tenyente habang nagpapalit na ng magazine sa baril niya.

"Tenyente Santiago, nakaalis na ang sasakyan ni Mr. Delgado" - PORCALLA

"Copy"

"Morishita! Claver! cover me!" Utos ng tenyente sa dalawang tauhan na agad naman itong sinunod ng mga naturang pulis.

Nang paulanan na ng dalawang pulis ng bala ang kampo ng dating mayor ay agad naman tumakbo ang tenyente sa isang maliit na daanan kung saan mayroon daanan papunta sa parking lot.

Ngunit bago pa siya tuluyan makasakay sa motor niya ay may ilan pa rin mga tauhan ang dating mayor ang siyang nag paulan sa kanya ng mga bala.

"Tangina naman! Masyado naman kayong tapat sa amo niyo!" Inis na usap na ng tenyente kaya agad naman din niyang binawian ng putok ang mga ito.

Nang isa isa na mawala ang mga ito ay mabilis na rin niyang pinatakbo ang motor niya para habulin ang dating mayor.

"Kapitan Rivera, standby" Pagbibigay hudyat na ng tenyente sa kapitan na papalapit na sa lugar ng mga ito ang dating mayor.

Dahil sa dami at doble ng pwersa na hinanda ng hepe at kapitan sa naturang lugar ay mabilis na lang din nilang naharangan ang mga ito at sa isang iglap ay mabilis lang na naubos ang mga tauhan ng dating mayor hanggang sa

"Mrs. Delgado?" Takang usap na ni Mickenzie ng bumaba na sa sasakyan ang dating mayor habang hila-hila nito ang kaniyang asawa, kaya agad naman naging alerto ang tenyente at agad na tinutukan ng baril ang dating mayor.

"SIGE TENYENTE SANTIAGO! ITULOY MO AT ISASAMA KO SA KAMATAYAN TONG INA MO" Pagbabanta na ng dating mayor habang nasa pagitan na ng bisig niya ang kaniyang sariling asawa.

"INA MO RIN!" Sigaw na lang din ng tenyente.

"KAHIT KAILAN DUWAG KA!"

"KAHIT NUNG HINDI PA AKO BUHAY NAPAKA WALANG KWENTA MO NA TALAGANG HAYOP KA!"

"PATI SARILI MONG ASAWA'T ANAK NAGAWA MONG IPAPATAY! TANGINAKA!" Galit ng sigaw ng tenyente at parang baliw naman ng patawa-tawa ang dating mayor habang nakatutok pa rin ang baril sa ulo ng kaniyang asawa.

"SABIHIN MO NA ANG GUSTO MONG SABIHIN TENYENTE! DAHIL SISIGURADUHIN KONG MAGKASAMA TAYONG BABABA SA IMPYERNO" Tawang-tawa na sigaw din nito sa tenyente.

Napatigil naman ang tenyente ng maalala niya ang sinabi sa kaniya ng doktora.

Ako mismo ang magpapasundo sayo sa mga anghel kapag hindi ka umuwi sa akin ng buo

"Ayos-ayusin mo buhay mo, Mickenzie, mamamatay ka na lang si doktora pa rin yang nasa isip mo" Napapailing na usap na ni Mickenzie sa sarili niya at muling inasintado ang dating mayor.

"TIGNAN MO NGA NAMAN TALAGA OH! MAY FAMILY REUNION BA DITO?" Natatawang tanong ng dating mayor ng bigla na lamang dumating ang Heneral kasama ng kaniyang sariling anak na si Cloie at ang doktorang si Amari.

Bakit pa pumunta rito tong mga ito?

"Ako na bahala sa dalawa" Rinig na ng tenyente ng bigla na rin dumating ang kaibigang tenyenteng na si Gail.

Salamat, Gail

"TENYENTE SANTIAGO, SABI KO NAMAN SAYO! SABAY TAYONG BABABA SA IMPYERNO EH, TIGNAN MO NAMAN OH! KUMPLETO NA ULIT YUNG PAMILYANG PINAHAMAK MO"

"PAMILYANG HINDI NA SANA NAPUNTA SA AKIN KUNG HINDI KA LANG SANA NABUHAY SA MUNDONG ITO!"

"GAB! HUWAG KANG MAKINIG SA KANIYA" Sigaw na rin ng konsehal sa kapatid niya.

"MAKINIG KA SA AKIN! HINDI BA? BUONG BUHAY KA RIN TINAGO NITONG SARILI MONG INA!?" Sigaw pa ng dating mayor.

"PATI ANG TAONG MAHAL MO AY INAGAW MISMO SAYO NG KAPATID MO!" Biglang usap nito na siyang kinabigla ng tenyente.

"WALA AKONG INAGAW!" Sigaw ni Cloie sa kaniyang ama.

"MANAHIMIK KA! HINDI KA NA SANA HAHANTONG SA GANITO KUNG KAYA MO LANG SANANG SUMUNOD! KUNG KAYA MO LANG SANANG PATAYIN TONG KAPATID MONG DINAIG PA SI SUPERMAN SA PAGLILIGTAS SA INYO" Galit na talagang sigaw ng dating mayor.

"Ang daming dada" Nasabi na lang ni Mickenzie habang inaasinta pa rin ang dating mayor.

"ANONG PAKIRAMDAM NA HINDI IKAW ANG PINILI NG MAHAL MO, HA? TENYENTE SANTIAGO? ALAM MO BA NA PATI IYON PLANADO KO?"

"KASAMA SA PLANO KONG SAKTAN KA KAGAYA NA LAMANG NG GINAWA SA AKIN NG MGA MAGULANG MO" Rebelasyon pa ng dating mayor na siyang kinagulat ng tenyente.

"Ano?!"

"MABUTI NA LANG DUWAG ITONG KAPATID MO KAYA MABILIS KO NA LANG NATAKOT ANG ISANG 'TO"

"SINABI KO NA LANG NAMAN KASI NA PAPATAYIN KITA KASAMA NITONG AMA MONG MAY ALA SA DEMONYO KAGAYA MO AT KAYANG-KAYA KO NA KAYONG PAGSABAYIN NA PATAYIN NGAYON PARE---

Hindi naman na natapos ng dating mayor ang sasabihin niya ng barilin na ng tenyente ang binti nito, agad tumakbo ang tenyente papalapit sa ina na bigla na lang din to tumakbo palapit sa kaniya ngunit sa kasamaan palad ay mabilis din agad natauhan ang dating mayor na siyang dahilan ng ...
 
"MICKENZIE!!"

AMARIWhere stories live. Discover now