CHAPTER XL

1.1K 51 5
                                    

STANAIAH LUNA'S POV

Nakatanggap naman ako ng tawag mula sa nobya kong si Janie tungkol sa nangyari, nakausap ko siya habang hinahanap nila ni Gail si Mickenzie ng umalis ito bigla matapos itong pagsalitaan ng kung ano ng mga magulang nito.

Nalaman ko na rin na halos hindi na nila kilalanin si Mickenzie biglang parte ng pamilya nila ng makita ng mga ito ang sinapit ni Cloie.

Duh! Anak din naman nila si Mickenzie.

At kilala ko si Mickenzie, hindi siya gagawa ng bagay na ikakapahamak ng sarili niyang kapatid kung wala siyang nakikitang mali.

"Hindi ka pa matutulog?" Tanong sa akin ni Mommy ng madatnan niya ako sa kusina, nakangiti naman akong umiling bilang sagot.

"Nabalitaan kong nagkaproblema sila Mickenzie roon sa Isidro kaya malamang sa malamang ay dito sa atin ang takbo ng isang yon" Sagot ko kay Mommy, tumango naman siya at nakangiting yumakap sa akin.

"Tawagin niyo lang ako kung kailangan niyo ng tulong ko ah" Aniya pa niya kaya tumango na lang naman ako.

Makalipas lang ng ilang minuto ay may nagdoorbell na rin sa bahay namin kaya agad naman akong napatakbo sa labas ng gate namin at hindi nga ako nagkamali dahil doon ko nakita ang kaibigan kong nakatingala sa mga bituin habang pilit na pinipigilan ang iyak nito.

"Stanaiah" Bungad niya sa akin ng makita niya ko, hindi naman na ako nagsayang pa ng oras kaya agad ko na rin itaas ang dalawang kamay ko para alukin na siya ng power hug ko.

At sa maraming pagkakataon, sa mga bisig ko nanaman umiyak ang isang malakas at matapang na Mickenzie na nakikita sa kaniya ng maraming tao. Mickenzie na hindi nila alam na tao pa rin at mayroon pa rin puso na maari pa rin masaktan at dumugo.

"I love you" Nasabi ko na lang habang hinahaplos haplos ang likod niya.

Nakagawian na namin sabihan ang isa't isa ng salitang 'I love you o Mahal kita' sa tuwing may mga problema kaming iniiyak sa isa't isa, paraan kasi namin iyon para iparamdam na hindi kami nag iisa, na mayroon pa rin akong Mickenzie, at mayroon pa rin siyang Stanaiah na nagmamahal sa amin kahit bilang magkaibigan lang at para na ring magkapatid.

Nang tumahan na siya ay tsaka ko hinawakan ang magkabilang pisnge niya atsaka ko siya nginitian.

"Mahal kita, alam mo yan" Nakangiting usap ko sa kaniya kaya napangiti naman siya kahit papaano.

"Pinag alala mo sila Gail at Janie, mabuti na lang dito ka sa akin pumunta" Aniya ko sa kaniya pero napaiwas lang ito ng tingin.

"Doon na tayo sa loob, kwentuhan mo ko" Nakangiting dagdag ko pa habang hila-hila na siya papasok.

Pagpasok ay dumiretso agad kami sa kitchen area para balikan ang gatas kong tinimpla para sa akin at agad ko rin naman siyang kinuha ng beer na naka stock sa ref namin na para lang din naman sa kanila nila Gail at Janie.

"So, ano yung tungkol sa kasong rape ni Mrs. Delgado?" Tanong ko sa kaniya habang kumukuha ng yelo sa freezer para sa pasa malapit sa labi ni Mickenzie.

"Magnobyo't nobya non sila sir dad at Mrs. Delgado pero ayon kay Dad, gustong gusto raw talaga ni Mr. Delgado si Mrs. Delgado kaya niya nagawa ang bagay na yon sa babaeng asawa na niya ngayon" Sagot niya sa akin habang dinadampian ko na ng yelo ang gilid ng labi niya.

"Hindi ba pulis na non si General? Paanong hindi niya nagawang ipakulong si Mr. Delgado?" Takang taka talagang tanong ko.

"Tinanong ko na rin sa kaniya yan kanina, ang sagot niya lang sa akin ay masyadong makapangyarihan ang mga Delgado"

"Kaya tumakas na lang silang dalawa kasama si Cloie, matagal tagal din nagsama ang isang buong pamilya nilang yon pero nasira yon nung isilang na rin ako ni Mrs. Delgado dahil nakita ng mga Delgado ang Sir Dad ko sa hospital kung saan ako pinanganak kaya nahanap din sila ng mga Delgado at pinagbantaan pa ang Sir Dad ko na kapag lumapit siya ulit kila Cloie, papatayin niya ang mga ito" Kwento niya na siyang kinagulat ko talaga.

Wala pa rin siyang kasalanan

"E anong kaguluhan naman ang nangyari sa hospital? Ang sabi sa akin ni Janie, pilit daw pumapasok sa kwarto ni Sherryl tong si Cloie kaya pinagtulungan pa nila itong pigilan, mabuti na nga lang daw at sumunod na kay Ate Amari palabas ng hospital" Kwento ko sa kaniya ngunit umiling lang ito.

"Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na yan"

"Basta nandatnan ko na lang sila ni Amari sa labas ng hospital at doon ko nga siya nakitang lasing, aalalayan ko lang dapat siya pauwi  pero matigas ang ulo, bigla ba naman akong sapakin tas pati si Amari natulak na rin niya" Kwento niya kaya natatawa naman akong napailing.

"Kaya nagdilim na ang paningin mo?" Natatawang tanong ko pa sa kaniya habang dinadampian pa rin ng yelo ang gilid ng labi niya.

"Kahit sino naman siguro magdidilim ang paningin kapag may nakita kang nasasaktan ——

"Lalo na't mahal mo yung nasasaktan no?" Pagpuputol ko sa kaniya.

"Stanaiah, hindi ko rin naman intensyon na saktan yung kapatid ko pero ibang klase na kasi e, nadatnan ko siya kahapon na nasa kwarto ni Sherryl sa hospital kahapon tas nandon pa si Amari na nakatingin lang sa kanila, umiyak na sa akin yung tao tas madadatnan ko pang nandon ulit siya para kay Sherryl tas nagasgasan pa yung nobya niya dahil sa panunulak niya" Pagkwekwento niya pa kaya napatango na lang naman ako.

"Naiintindihan ko, alam kong ganon din sila Janie, hayaan mo na muna sa ngayon, dito ka na muna sa akin, palamig na muna kayo pare-pareho" Nasabi ko na lang sa kaniya, napangiti naman ako ng bigla na lang niya akong yakapin.

"Salamat" Biglang usap niya kaya niyakap ko na rin siya pabalik.

Mabuti na lang talaga at hindi ko hinayaan na masira ang relasyon natin bilang magkaibigan ng dahil lang sa nararamdaman ko sayo, mabuti na lang din nakilala ko ang pinsan ng taong sinasabi mo sa akin na siyang gusto mo.

Masaya na ako ngayon.

Pero bakit hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin sa taong yon?

AMARIWhere stories live. Discover now