CHAPTER XXXIV

1K 45 3
                                    

SHERRYL MALAIA'S POV

"Bye po, Ms. Gomez" Paalam ng isang engineer sa akin ng makalabas na kami ng building.

"Bye po, Architect"

"Bye! Ingat kayo!" Nakangiting paalam ko rin sa kanila.

Nang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko ay bigla na lamang may nagsalita.

"Hi! Architect!"

"Ay! lobo!" Gulat na usap ko na lang at inis na hinarap ang nagsalita.

"Langya! Ilan taon lang tayong hindi nagkita, nagmukha na akong lobo sayo" Natatawang usap pa ng nakasumbrero at naka hoodie pang tao na nasa harap ko.

"Pero okay na rin atleast hindi unggoy"

"Sino ka ba?" Inis ng tanong ko sa kaniya.

"Ouch! Pati boses ko hindi mo na kilala" Usap niya ng tanggalin na niya ang hood ng jacket niya.

"Cloie?!" Gulat na sabi ko na lang, natawa lang naman ito at nilahad na niya ang kamay niya sa harap ko.

"Akin na yung susi, pagdadrive na kita pauwi" Seryoso ng usap niya habang palingon-lingon sa paligid niya.

"Bakit?"

"Tsaka bakit ka nandito?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Mamaya ko na sasagutin yang mga tanong mo pero sa ngayon akin na muna susi ng sasakyan mo" Usap niya pa kaya wala naman na akong nagawa kundi ang ibigay ang susi ko sa kaniya.

Pinagbuksan naman na niya muna ako ng pinto sa passenger seat kaya wala naman ako nagawa kundi ang sumakay na lang sa sasakyan ko.

Kita ko naman na tumakbo na ito papunta sa driver seat habang lilingon-lingon pa rin sa paligid namin.

Bakit ba parang takot siyang may makakita sa amin?

Duh!

May balak ba siyang gawin pa akong kabet?!

Kapal niya ah!

"Seatbelt" Seryosong usap pa niya kaya taka pa rin naman akong sumunod sa kaniya.

Nagsimula naman na siyang nagdrive habang wala pa rin nagsasalita ni isa sa amin at naisipan pa niya talagang lumiko sa drive thru ng isang fast food chain na paborito naming kinakainan noon.

"Ang dami naman niyan" Nasabi ko na lang ng makita ang inorder niya.

"Nandiyan kasi lahat ng paborito mo tsaka nila momma" Usap pa niya, hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kaniya ngunit ngumiti lang ito at nagsimula na ulit magdrive.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad siyang nagmano kila Momma kaya taka rin itong tumingin kay Cloie pati na rin sa akin.

Hindi ko siya masisise, sa kabila ng pagbabanta at takot na naramdaman namin mula sa Daddy ni Cloie ay hindi na talaga nila gugustuhin na mapalapit pa sa taong puno't dulo nito.

"Cloie?" Takang tanong ni Momma kaya nakangiti naman tumango sa kaniya si Cloie, napatingin na lang naman sa akin si Momma kaya nagkibit balikat na lang naman ako sa kaniya.

Kahit ako ay hindi alam kung bakit bigla bigla na lang itong lumalapit sa akin.

"Ahh Cloie, hindi ka pa ba hinahanap ni Amari? Baka may lakad kayo"

"Hatid na kita sa labas" Nakangiting aniya ko pa sa kaniya ng harapin ko na siya.

Totoong mahal ko pa 'tong taong to pero alam ko pa rin ang tama sa mali.

AMARIOn viuen les histories. Descobreix ara