CHAPTER XXXIII

1.1K 48 10
                                    

"Hindi ka pa ba magpapahinga?" Biglang tanong ni Amari ng tumabi na ito sa Tenyente sa tabing dagat.

"Tapusin ko lang 'to"

"Ikaw? Bakit lumabas ka pa?" Tanong pa ng tenyente habang nasa buwan pa rin ang paningin.

"Wala ka pa sa loob e" Sagot ni Amari kaya agad naman napalingon naman sa kaniya si Mickenzie.

Ang labo ng mga salita mo, hindi mo malaman kung may ibig sabihin ba talaga o ako lang tong tangang umaasa.

"Pinuntahan kita sa kubo pero wala ka naman na doon, kaya naisipan kong dito ka hanapin at tama nga ako" Sagot pa ni Amari kaya napatango na lang naman ang tenyente.

Wala naman na nagsalita sa kanila at magkatabi lang nila pinagmamasdan at pinakikinggan ang buwan at ang agos ng dagat.

Literal na tahimik kapag ikaw ang kasama

At ramdam na ramdam ko ang pagiging ligtas at payapa

"Ang ganda ng buwan" Aniya ni Amari

"Sobra" Namamangha na rin usap ni Mickenzie habang nasa doktora na ang tingin.

Agad naman napalingon sa tenyente ang doktora ng maramdaman niyang nakatingin na ito sa kaniya habang dahan dahan naman napaiwas ng tingin ang tenyente kahs napapangiti na lang naman umiling ang doktora.

"Parang ayoko pang bumalik sa Isidro, parang gusto ko na lang dito" Aniya ng doktora.

"Kahit ako, pero ang daming naghihintay sa atin doon"

"Pasyente mo, mga kasong hawak ko, tsaka si Cloie, malamang namimiss ka na non" Aniya pa ng tenyente kaya napangiti na lang naman ang doktora.

"Tingin mo?" Natatawang usap na ng  doktora

Tumango naman ang tenyente.

"Oo naman, kahit sino naman mamimiss ka kapag napalayo ka sa kanila e" Seryosong aniya pa ng tenyente kaya naman takang napalingon na lang sa kaniya nag doktora.

"Ako, siguradong hindi mo ko mamimiss kasi lagi ka namang dumadaan sa amin sa hospital" Natatawang aniya na lang ng doktora kaya napangiti na lang ang tenyente.

"Bakit? Ako ba mamimiss mo ba ako kapag hindi na ako lumapit sayo?" Natanong na lang ng tenyente matapos nitong ubusin ang bote ng beer na hawak hawak niya.

Hindi naman agad nakasagot ang doktora at nanatili lang itong nakatingin sa tenyente.

"Hindi" Sagot ng doktora

"Bakit ko naman mamimiss yung taong walang ibang ginawa kapag dadaan sa amin sa hospital kundi ang asarin at bwisitin ako" Natatawang dagdag pa ng doktora.

Napangiti at napatango na lang naman ang tenyente.

Sana pala hindi ko na lang tinanong.

"Kamusta naman kayo ng mahal mo?"

"Masaya ka naman ba?" Biglang tanong ng tenyente, nakangiti naman tumango ang doktora bilang sagot.

"Sobra"

"Naalala ko panga nung unang beses na nagkita kami, astig na astig talaga ako sa kaniya, unang kita ko pa lang sa kaniya non pero nakita ko na kaagad kung gaano siya kabait sa mga taong nakapaligid sa kaniya lalo na sa mga bata pati na rin sa mga matatanda"

"Tsaka ang mas makaka inlove pa ron, kahit hindi niya sabihin sa akin, ramdam na ramdam ko pa rin talaga ang pag proprotekta at pagmamahal niya sa akin" Nakangiting pang dagdag ni Amari.

AMARIWhere stories live. Discover now