CHAPTER XVI

1K 39 4
                                    

CLOIE DALE'S POV

"Ano?! Magkapatid kayo ni Tenyente Santiago?!" Gulat na tanong sa akin ni Doktora Asuncion.

"Akala ko close lang talaga kayo kaya ka humingi ng tulong sa akin para sa kapakanan ni Tenyente"

Nandito kami ngayon ni Amari sa isang coffee shop na malapit sa hospital, personal ko siyang pinuntahan sa hospital para yayain siyang magkape para pag usapan ang mga bagay bagay sa paligid namin at mabuti na lamang ay pinagbreak time na muna siya ni Janie kaya agad din siyang sumama sa akin.

"Hindi mo talaga alam?!" Gulat din na tanong ko sa kaniya, umiling naman siya bilang sagot, kaya hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Diba magpinsan kayo ni Doktora Torres? Ang tagal na nilang magkaibigan ni Mickenzie tas hindi mo man lang nalaman na kapatid niya ako? Ibang klase talaga yung dalawang yon" Napapailing na lang na sabi ko.

"Kaya pala parang close na close talaga kayo ni Mickenzie, tas yung pag aalala pa niya sayo nung puntahan ka niya sa hospital, kulang na nga lang saktan na ni Mickenzie yung bodyguard mo sa sobrang pag aalala sayo" Usap pa niya kaya napangiti na lang naman ako.

"Kahit noon pa man si Mickenzie na talaga tagapagtanggol ko, mukha lang akong palaban pero ibang klase ang isang yon, ang kagandahan lang sa kaniya, hindi lang siya basta lalaban lang o susugod, inaalam niya muna ang nangyari bago siya sumugod" Kwento ko pa sa kaniya.

"Mahal na mahal ka ng kapatid mo, konsi" Nakangiting usap niya kaya napangiti na lang din naman ako.

"Mahal ko rin naman yung kapatid kong yon, doktora"

"Alam ko naman yon, sana lang talaga matapos na niya yung kaso niya ng ligtas, nang matapos na lahat ng gulo, mukhang hindi ko na kakayanin tong mga nalalaman ko" Usap pa niya bago huminga ng napakalalim.

"Pasensya ka na, doktora" Nasabi ko na lang. Hindi naman na siya sumagot at ngumiti na lang.

Maya-maya lang ay may tinawag siya na siya naman kinagulat ko.

"Architect Sherryl!" Tawag niya rito.

"Doktora Amari"

"Oh! Konsi Delgado" Halatang gulat na sabi niya kaya napalingon na lang ako sa kaniya at pilit na ngumiti sa kaniya.

"Sherryl" Nasabi ko na lang.

"Ahm, architect baka gusto mong sumama na lang dito sa table namin ni Cloie para makapag kwentuhan naman tayo" Nakangiting yaya pa niya rito.

"Hindi pwede" Nasabi ko na lang. Taka naman tumingin sa akin si Amari kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

"I mean, date natin 'to doktora, minsan lang tayo makalabas ng tayong dalawa lang" Paliwanag ko pa sa kaniya. Kita ko naman nagpabalik-balik na ng tingin sa amin si Amari at alam kong napansin na rin yon ni Sherryl kaya mabuti na lamang at nagpaalam na rin siya sa amin ni Doktora.

"Tama si Cloie, doktora"

"Tsaka may kliyente rin akong parating kaya imposible rin na makasama ako sa inyo" Usap pa nito kay Amari. Napatango na lang naman si Amari at ngumiti.

"Ahh, sige, doktora, konsi, una na ako" Paalam na niya at nagmadali ng umalis sa harap namin.

Wala naman na nagsalita sa amin ni Doktora Amari at sabay na lang kaming napainom sa mga kape namin.

"Sorry kanina" Nasabi ko na lang

"Magkakilala kayo?" Tanong niya kaya tumango naman ako bilang sagot.

"Kababata namin siya ni Mickenzie pero umalis din siya non pa maynila kaya hindi na kami ganon ka close"

"Ewan ko lang sa kanila ni Mickenzie, umuuwi ng Maynila yon minsan kapag pupunta siya sa daddy niya e"

"May something ba sa inyo noon? Ilang kayo sa isa't isa e" Tanong niya kaya gulat naman akong tumingin sa kaniya.

Huminga naman ako ng malalim bago tuluyan sumagot sa kaniya.

"Meron at lahat yon nabalewala mula nung piliin niyang iwan kami ng kapatid ko rito sa Isidro" Sagot ko kaya tumango-tango naman siya.

"Naiintindihan ko" Sagot niya. Napatitig na lang naman ako sa kaniya.

"Alam kong maling pag usapan natin to, lalo na't nanliligaw na ako sayo" Usap ko sa kaniya ng mahawakan ko na ang kamay niya. Saglit pa siyang natigilan at nagulat sa ginawa ko ngunit ng maintindihan na niya ang tingin ko na papunta sa ilan mga lalaki na nasa malapit lang sa amin ay agad niya rin hinawakan din ang kamay kong nakakapit sa kaniya.

"Okay lang, naiintindihan ko, alam ko naman na matagal na yon, syempre magkaibigan pa rin naman kayo kahit papano" Nakangiting usap pa niya kaya ngumiti na lang din naman ako

Nang matapos na kami magkape ay agad ko na rin siyang hinatid pabalik ng hospital at taka naman kaming napatingin ni Amari sa isa't isa ng makita namin ang mga sasakyan ng pulis sa tapat ng hospital.

Agad naman kaming bumaba ni Doktora Amari para tignan ang nangyayari at agad din naman akong nilapitan ng mga tauhan ng kapatid ko.

"Anong nangyayari rito?" Tanong ko sa tauhan ni Mickenzie na si Toreliza. Agad naman niyang tinuro ang rooftop ng hospital kaya sabay naman kaming napatingala ni Doktora roon.

"Jusko!" Nasabi na lang niya ng makita niyang pasyente nila ang nandoon.

"Minsan na niyang binalak sayangin ang buhay niya kaya siya nandito sa hospital tas ngayon naman ito" Natatakot na usap pa niya, kaya wala naman na akong nagawa kundi ang hagudin na lang ang magkabilang balikat niya.

Ilan saglit pa ay dumating na sila Gail at Mickenzie dala dala ang mga motor nila kaya agad naman sumaludo sa kanila ang ilang mga katrabaho nila para ireport ang mga pangyayari.

Kita ko naman na nagulat siya ng makitang nandito ako sa hospital kaya lumapit naman na muna siya sa akin ng kunin na rin niya ang binigay sa kaniya ng tauhan niya ang isang megaphone.

"Bakit ka nandito?" Takang tanong niya sa akin

"Hinatid ko lang si Doktora, niyaya ko kasing magkape diyan sa malapit" Sagot ko kaya tumango na lang naman siya bago tuluyan tumingin kay Doktora Amari.

"Sa tingin mo ilan taon ang isang yan?" Biglang tanong ni Mickenzie sa kaniya atsaka tinuro ang pasyenteng nakatayo sa barrier ng rooftop ng hospital.

"19" Sagot ni Amari kaya napapailing na lang naman si Mickenzie.

"Buhay pag-ibig 'to" Nasabi na lang niya at inabot na kay Gail ang megaphone na hawak niya at dire-diretsong pumasok ng hospital.

"Sa dalawang yan, kung sino yung unang babagsak, matik na ayon yung may pinaka matinding problema sa pag- ibig" Biglang usap ni Gail sa amin ni Doktor Amari.

"Magulat ka kung yung kapatid mong si Mickenzie ang bumagsak diyan konsi"

"At hindi ang pasyente mo, doktora" Natatawang usap pa niya kaya napatingin na lang naman kami ni Doktora Amari sa isa't isa.

Mali ba ang desisyon kong sundin ang kagustuhan ng daddy ko?

AMARIWhere stories live. Discover now