CHAPTER XXXII

1K 46 8
                                    

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

Sa pagpapasaya sa akin

Sa pagpapasaya sa akin

Sa pagpapasaya sa akin

Sa pagpapasaya sa akin

Sa pagpapasaya sa akin

"Akala ko doktora, mixer naman pala"

"Dinaig pa niya mixer sa pagbibigay ng mixed signals e" Napapailing na usap ko na lang sa sarili ko.

MIXED SIGNALS
a showing of thoughts or feelings that are very different from each other

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin talaga kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya sa akin, lalo na ang sinabi niya sa akin kanina, hindi ko naman na siya natanong tungkol doon dahil hindi na niya ako kinausap ulit at nagpahinga na lamang siya sa kwarto niya.

"Sayang ang day off kung walang beer"

Napalingon naman ako sa nagsalita at doon ko nakita si Tatay D na may dala dalang isang case ng beer.

Nandito kami ngayon sa kubo sa likod ng bahay nila, sa kubo kung saan kami tumuloy noon nila Kapitan Rivera at Tenyente Gail.

"Yon! Sarap niyan, tatay D!"

"Pero pass pala tatay D, pagdadrive ko pa ho anak niyo pauwi e" Sagot ko sa kaniya ng maalalang motor ang dala namin ni Amari at angkas angkas ko pa pala ito.

"Nakausap ko na ang anak ko at sinabi ko na rito na kayo magpapalipas ng gabi"

"Kaya wag mo na alalahanin yon" Nakangiting aniya pa niya kaya nakangiti ko na lang din naman kinuha ang beer na inabot niya sa akin.

Naupo na lang naman ako sa harap niya at sinimulan ng inumin ang malamig na beer na hawak ko.

"Mabuti na rin ho yon para makapag pahinga rin po siya talaga siya kahit papaano" Nasabi ko na lang pagkatapos kong uminom.

"Kaya nga anak e, salamat nga pala ulit sa pagliligtas sa anak ko ah, kahit sabihin mo pang trabaho mo yon o ano, salamat pa rin" Pasasalamat na ni Tatay D sa akin kaya napatango na lang naman ako.

"Hindi ko rin naman ho hahayaan na may mangyaring masama sa anak niyo, Tatay D" Nasabi ko na lang

Hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi ko dahil bigla na lang ulit itong tumahimik, kaya naman sa kaba ko ay naubos ko na agad ang beer na hawak hawak ko.

"Ang anak ko bang si Amari ang tinutukoy ni Tenyente Perez na doktorang nagugustuhan mo?" Biglang tanong niya na siyang nagpatigil sa akin sa pagbubukas ng isa pang beer.

"Huwag ka na mag akila pa, nak"

"Kasi base sa nakikita't naririnig ko ngayon ay masasabi ko talagang ang anak ko nga ang doktorang nagugustuhan mo" Seryosong aniya pa ni Tatay D.

Hindi naman na ako lalo nakapagsalita kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

"Alam ko na rin ang relasyon ng anak ko sa kapatid mong si Cloie" Dagdag pa niya kaya napainom na lang naman ulit ako ng beer.

"Kita ko naman ho na seryoso ang kapatid ko kay Doktora Amari, tay"

"Kaya hindi ninyo po kailangan mag alala" Nakangiting usap ko pa sa kaniya.

Kahit na mayroon dapat ipag alala ay hindi pa kailangan malaman ni Tatay D iyon sa ngayon, wala pa dapat ibang makaalam na si Mr. Delgado, na ama ng kapatid ko na siyang nobya ng taong mahal ko ay ang siyang utak sa kabi-kabilang insidente at drug lord sa buong Isidro.

"Santiago ka nga" Nakangiti ngunit napapailing na sabi niya bago tuluyang uminom ulit ng beer.

Hindi ko naman malaman ang pinupunto ni Tatay D kaya hindi ko na lang naman iyon pinansin pa at pinagpatuloy na lang ang pag iinom.

"Ayoko sanang sabihin ang mga katagang ito pero sana maintindihan mo ko, anak" Seryoso ng sabi ni Tatay D.

Hindi ko naman maiwasan kabahan ng magkaroon na ako ng ideya patungkol sa sasabihin ni Tatay D.

"Layuan mo na sana ang anak ko"

At tama nga ako.

"Pero tatay D ———-

"Gaya ng sabi ko noon ay hinihiling ko na sana huwag maulit yung nangyari sa pagitan ng Delgado at Santiago noon, ayokong magkagulo ulit ang dalawang pamilya na yon pati kayo ng kapatid mo at mas lalong ayokong madamay ang anak ko" Aniya pa niya kaya nanatili lang akong tahimik.

"Mahirap kalabanin ang mga Delgado, kahit na ayokong magkakaroon ng ugnayan ang pamilya ko sa mga Delgado ay wala akong magagawa roon"

"Malaki na ang anak ko at alam kong, alam na niya ang ginagawa niya, puso na rin niya ang nagdikta kaya wala na akong magagawa roon" Dagdag na aniya pa ni Tatay D.

Ano kayang pakiramdam na ako naman ang ididikta ng pusong yon?

"Naiintindihan ko po ang ibig niyong iparating, Tatay D" Nasabi ko na lang

"Gaya nga rin ho nung sabi ko nung nakaraan ay wala sa plano ko na guluhin silang dalawa, alam ko po limitasyon ko at totoong masaya ako para sa kapatid ko at kay Doktora"

"Patawarin mo ko, Mickenzie"

"Ginagawa ko lang ito para sa anak ko" Aniya pa niya kaya napailing at napangiti na lang naman ako.

"Naiintindihan ko ho"

"Wala rin naman ho kayo kailangan ipaghingi ng paumanhin dahil alam ko ho na ginagawa niyo lang ang tungkulin niyo bilang ama kay Amari" Nasabi ko na lang.

Saglit pa kaming natahimik kaya pinagpatuloy ko na lang naman ang pag iinom.

"Mickenzie anak, hindi ka pa magpapahinga?" Tanong sa akin ni Nanay M ng alalayan na niya si Tatay D para pumasok na ng bahay.

"Papasok na rin ho ako maya-maya, tatapusin ko lang ho to atsaka magpapahangin na lang po muna ako saglit" Sagot ko kaya nakangiti naman siyang tumango bago ulit magpatuloy sa paglalakad kasama ni Tatay D na tinamaan na rin ng alak.

Niligpit ko naman na muna ang ibang kalat namin at napagdesisyunan dalhin na lang ang ilan bote pang beer na natitira sa tabing dagat para doon na magpahangin.

Layuan mo na sana ang anak ko

Layuan mo na sana ang anak ko

Layuan mo na sana ang anak ko

"Paanong nangyari na ikaw na buwan at ako na bituin ay hindi maaring magsama?"

AMARIWhere stories live. Discover now