CHAPTER XV

985 39 2
                                    

AMARI VLEU'S POV

"Isang linggo na hindi dumadaan dito sila tenyente, may nangyari ba?" Tanong ko kay Janie.

Nandito kami ngayon sa opisina niya, kakatapos lang namin halos icheck yung mga pasyente namin at ngayon lang din kami nakaupo.

"Isang linggo na ba?" Takang tanong pa niya pagkatapos niyang humigop sa kape niya.

"Oo, yung huling beses na nakita ko siya nung nilibre niya tayo ng kape e" Sagot ko sa kaniya.

Tumango naman siya at umayos ng upo.

"Baka nagtampo kasi hindi mo tinanggap yung kape" Biro pa niya kaya hindi naman ako makapaniwalang humarap sa kaniya.

"Joke lang! Baka busy lang, sila kasi ni Gail ang may hawak nung mga kaso patungkol sa mga nangyayari dito sa Isidro, kaya kahit ako kinakabahan sa dalawang yon e" Napapailing na sabi niya bago tuluyang sumandal sa upuan niya.

"Kahit naman busy sila, dinadaanan ka pa rin naman nila dito, di ba?" Tanong ko pa sa kaniya.

Hindi naman na siya sumagot at tumitig na lang sa akin. Titig na alam mong dapat mo ng iwasan dahil alam mong kung ano-ano nanaman ang kaniyang sasabihin.

"Doon na ako sa opisina ko" Usap ko pa sa kaniya at akma ng tatayo ng upuan.

"Hep! Hep! Diyan ka lang, iiwas ka nanaman e" Pagpipigil pa niya sa akin at tumayo pa sa harap ko para lang pigilan ako.

"Ano nanaman ba, Janie?" Nasabi ko na lang.

"Wag kang umarte na para bang nag iimbento ako, tong mga sasabihin ko ay base lang sa nakikita at naririnig ko mula sayo" Seryosong usap na niya kaya wala naman na ako nagawa kundi ang umupo na lang ulit ng ayos.

"Ano nanaman ba kasi yang mga sasabihin mo na base sa nakikita mo at naririnig mo sa akin? Ha?" Tanong ko na lang sa kaniya.

"Una, may manliligaw ka pero kaibigan ko ang hinahanap-hanap mo" Seryosong usap niya kaya taka naman akong napatingin.

"Malamang kasi hindi ko siya nakikita at kaibigan ko na rin naman sila ni Gail, no!" Sagot ko na sa kaniya pero hindi naman na niya ako pinansin.

"Pangalawa, bakit iba yung mga sinasabi mo sa kaniya, sa mga sinasabi mo sa akin?" Tanong niya, taka naman akong tumingin sa kaniya

"Anong sinabi ko sa kaniya na iba pagdating sayo?"

"Hmm, sinasabi mo sa kaniya, na naiinis ka sa kaniya kahit na yung totoo hinahanap-hanap mo naman pala siya sa akin" Usap pa niya kaya hindi naman ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya.

"Alam mo, Janie, pagod ka lang, kaya kung ano-ano na yan sinasabi mo"

"Ngayon ko lang hinanap sayo yung tao at gaya nga ng sinabi mo may manliligaw ako at yung manliligaw ko na yon ay si Cloie Delgado, si Cloie na matagal ko ng gusto" Seryosong usap ko na sa kaniya.

Hindi naman siya sumagot at tumango-tango lang habang naglakad papalapit sa pinto.

"Kanina pa kayo diyan?" Biglang tanong niya kaya agad naman akong napalingon sa pinto. Gulat naman akong makitang nandoon sila Gail at Mickenzie na ngayo'y mga nakatingin na sa akin.

"Oo e, pasensya na mga doktora ah, ayaw sana namin makinig pero ang lalakas ng boses niyo e" Usap pa ni Gail kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

Nakakahiya ka, Amari.

"Buti napadaan kayo rito, nung nakaraan ko pa kayo hinihintay e tsaka yung mga nurse din pala" Usap pa ni Janie sa mga kaibigan niya kaya awtomatiko naman na umikot ang mga mata ko.

"Dinaan lang talaga namin tong mga litrato na ito rito" Seryosong usap ni Mickenzie at inabot ang tig isang folder sa amin ni Janie.

"Yang mga mukhang yan ang sangkot sa mga gulo rito sa Isidro nitong mga nakaraan at ang lahat ng mukha ng mga nandiyan ay miyembro ng tinatawag nilang DGD" Paliwanag ni Gail kaya isa-isa ko naman na tinignan ang litrato.

"Binigyan na rin namin ng kopya yung mga guard dito sa hospital para safe na rin kayo rito" Usap na ni Mickenzie. Napatingin naman ako sa kaniya habang siya naman ay halos hindi magawang tumingin sa akin.

"Una na kami" Biglang paalam niya kaya agad ko naman hinawakan ang kamay niya.

Hindi naman siya nagsalita at nanatili lang ang paningin niya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ko yon ginawa, kaya ng matauhan ako ay agad ko rin binitawan ang kamay niya.

"Bakit Doktora?" Biglang tanong niya kaya napailing na lang naman ako.

"Wala naman, gusto ko lang mag thank you sa pag inform sa amin ni Janie tsaka gusto ko lang sabihin na mag iingat kayo lagi ni Gail" Nasabi ko na lang. Tumango naman siya bilang sagot kaya napatango na lang din naman ako.

"Salamat doktora, pero nandiyan naman kayo ni Janie kung sakaling may mangyari sa amin ni Mickenzie" Biro pa ni Gail kaya naman nakatanggap naman siya ng hampas mula kay Janie.

"Bunganga mo nga!" Saway pa nito sa kaibigan niya. Napailing na lang naman si Mickenzie at humarap pa sa akin.

"Iba ka pala mainlove, doktora" Nakangiti ng sabi niya sa akin.

Ayoko man aminin pero masasabi ko talagang namiss ko ang presensya ng tenyenteng nasa harap ko ngayon, yung pangangasar at yung mga biglaan pagpupuri niya sa akin. Na para bang hindi na kumpleto araw ko ng hindi naririnig ang mga yon.

"Ano nanaman bang pangangasar yan, tenyente" Nasabi ko na lang kaya bahagya pa siyang natawa.

"To naman wala pa nga, gusto ko lang naman sabihin na gumaganda ka lalo pag inlove" Biglang sabi niya kaya lahat naman kami ay napatingin sa kaniya.

"Swerte ni Cloie sayo" Dagdag pa niya. Hindi naman na ako nakapag salita at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.

Bakit ba kasi ganito?

"Ahh sige, una na kami" Usap pa niya bago tuluyan hilahin si Gail palayo sa amin.

Humarap naman sa akin si Janie kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

"Pwede ka naman magsabi sa akin, Ate Amari. Makikinig naman ako" Usap pa niya bago ako tuluyan mag isa sa labas ng pinto niya.

Napahinga na lang naman ako ng malalim at inis na napapailing.

"Aarrrgghhh! Bakit ba kasi may mga tao pang katulad mooo" Inis na sabi ko na lang ng maalala ang mga nalaman ko.

AMARIWhere stories live. Discover now