CHAPTER XIX

1.1K 40 0
                                    

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

"Sa tingin mo, may kinalaman yung isa rito?" Biglang tanong sa akin ni Gail.

Nandito kami ngayon sa conference room ng departamento, pinakita ko na sa kanila nila Hepe at Kapitan ang mga litratong nakuhanan ko ng sundan ko nitong mga nakaraan araw ang suspek na pinaghihinalaan ko.

At base sa mga litratong nakuhanan ko ay posible ngang siya o sila ang may pakana ng mga gulo rito mismo sa bayan ng Isidro.

"Ikaw lang nakakasagot diyan, tenyente Santiago" Usap na sa akin ni Hepe kaya napahinga na lang naman ako ng malalim.

"Sa ngayon hindi pa siya kasama sa suspek na pinaghihinalaan ko, Hepe"

"Pero yang mukhang yan" Usap ko sa kanila habang turo turo ang litrato ng suspek ko..

"Sigurado na ako na siya ang may pakana ng kabi-kabilang patayan at transaksyon ng mga illegal na droga rito sa Isidro" Buong paninindigan kong usap sa kanila.

"Sang ayon ako kay Tenyente Santiago" Pag sang ayon ni Kapitan Rivera sa akin.

"Siya rin ang suspek ko sa pagpatay sa isang menor de edad na natagpuan sa likod ng simbahan dahil may naiwan doon na isang ebidensya na sa kaniya ko lang nakikita nitong mga nakaraan" Usap pa ni Kapitan at inabot sa amin ang ilan pang litrato ng mga nakuha niyang ebidensya.

"At sa tingin ko, siya lang ang may pin na mayroon inisyal na D" Dagdag pa ni Kapitan Rivera.

"Pinapaikot-ikot lang tayo ng hayop na yan e, inisyal pa lang masyado na siyang halata, pero ang pinagtataka ko lang, bakit hindi siya takot na paghinalaan? Bakit parang okay lang sa kaniya na malaman na siya ang may gawa ng lahat ng ito?" Biglang tanong ni Gail.

"Ano ba talagang gustong ipalabas ng isang yan?" Biglang usap ni Gail.

Lahat naman kami ay napaisip at tahimik na tinignan ang mga ebidensyang nakuha namin.

"Sa susunod na araw na natin pag usapan ang tungkol sa bagay na riyan, sa ngayon mag focus na muna tayo riyan sa taong yan at sa pagkuha ng mga matibay na ebidensya laban sa kaniya" Usap ni Hepe matapos tumayo at humarap sa amin. Napatango na lang naman kami nila Gail at tumayo na rin para sumaludo sa kaniya.

Bigla naman nag ring ang telepono ko at agad ko rin naman iyon sinagot.

"Stanaiah?" Bungad ko ng sagutin ko ang tawag niya. Kita ko naman napatingin sa gawi ko si Gail ng marinig ang usap ko.

"Pwede mo ba akong puntahan dito sa hospital ng Isidro?" Malumanay na tanong niya kaya agad naman akong nakaramdam ng kaba.

"Hospital?!" Gulat na tanong ko sa kaniya, gulat din naman lumapit sa akin si Gail at bahagya pang nilapit ang tenga sa telepono ko.

"Sige, sige, papunta na kami ni Gail diyan" Usap ko sa kaniya at mabilis na kinuha ang jacket at ang susi ko.

Si Gail na ang nagpaalam kay Kapitan Rivera at agad din sumunod sa akin palabas ng headquarters. Nang makasakay na kami parehas sa motor namin ay tsaka lamang niya ako nagawang tanungin.

"Nandito si Stanaiah?" Gulat na tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot.

"Bakit daw?" Tanong pa niya, nagkibit balikat na lang naman ako at pinaandar na ang motor ko.

Nang makarating na kami sa hospital ay may ilang mga nurse na ang tuwang tuwa habang may tinitignan sa mga telepono nila, hindi ko naman na nagawang magtanong sa kanila dahil mukhang tuwang tuwa pa sila ng makakuha ng litrato na kasama si Stanaiah.

"Nandon po sila sa opisina ni Doktora Torres" Biglang usap ng isang guard sa amin ni Gail kaya napatango na lang naman kami.

Agad naman kumatok si Gail para buksan ang pinto, nang mabuksan na niya ito ay sabay-sabay pa silang napalingon sa gawi namin.

"Oh my god! Gail!" Biglang sigaw ni Stanaiah at agad na niyakap ng mahigpit si Gail.

"Bakit naman hindi ka nagpasabi na dadalaw ka rito? Edi sana sinundo ka namin nila Doktora Torres" Usap niya kay Stanaiah ng maghiwalay na sila mula sa pagkakayakap.

"Edi hindi na surprise yon" Sagot pa ni Stanaiah at bahagya pang hinampas ang balikat ni Gail.

Si Stanaiah Luna Alvarez ang naging kaibigan ko sa Maynila nung panahong doon ako tumigil kasama ni Sir Dad, nasa iisang subdivision lang kami noon at ng mga panahon na yon ay busy na siya sa pag momodel at pag aaudition sa iba't ibang palabas, ka...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Si Stanaiah Luna Alvarez ang naging kaibigan ko sa Maynila nung panahong doon ako tumigil kasama ni Sir Dad, nasa iisang subdivision lang kami noon at ng mga panahon na yon ay busy na siya sa pag momodel at pag aaudition sa iba't ibang palabas, kadalasan ay sumasama pa ako sa kanila ng mommy niya at kung minsan naman ay ako lang ang mismong sinasama niya. Kaya ganon na lang din ang saya ko ng tuluyan na ngang nagbunga ang lahat ng pinaghirapan niya at tuluyan na nga siyang naging isang sikat na modela at artista.

Totoong nalungkot siya nung nalaman niyang kinailangan ko ng bumalik ng Isidro kaya naman ay sinama ko na siya pagbalik ko rito para magbakasyon siya saglit at doon na nga niya nakilala ang mga kaibigan ko na sila Gail at Janie.

"Hi, babe!" Biglang usap niya at niyakap ako ng napaka higpit. Taka naman akong napayakap din sa kaniya at sa hindi malaman na dahilan ay bahagya pa akong napatingin kay Doktora Amari na nasa amin na dalawa ni Stanaiah ang tingin.

Okay, Stanaiah. Tama ka na.

"Namiss kita, okay ka lang ba dito? Nabalitaan kong nabaril ka nung nakaraan kaya agad ko naman pinalinis ang schedule ko para puntahan ka rito, okay ka na ba?" Usap pa niya habang hawak hawak na ang magkabilang pisnge ko.

Hindi naman ako nakasagot agad at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.

"Mukhang nabigla mo pa yata ang babe mo, Stanaiah" Natatawang usap pa ni Janie kaya napatingin na lang din naman ako sa kaniya.

Huh?

"Alam mo? pinag alala mo ko, pwede mo naman sabihin na, nasa opisina ka na lang ni Janie kaysa hospital" Nasabi ko na lang sa kaniya. Kita ko naman na napabilog pa ang mga labi ni Doktora Amari na para bang hindi niya inaasahan na sa bibig ko mang gagaling ang mga salitang yon.

"Kahit ako, kinabahan e, sa totoo lang kasi Stanaiah, hindi pa kasi ito ang tamang oras para magstay ka rito sa Isidro, masyado pang maraming nangyayari rito, sikat ka pa kaya baka mapaano ka lang" Pagpapaliwanag ni Gail sa kaniya.

"Edi sa bahay na lang ako ni Mickenzie mag stay, doon, sure akong safe ako kasi alam kong siya ang kasama ko" Todo ngiti pang sabi ni Stanaiah kaya napahinga na lang naman ako ng malalim at napapailing habang si Gail at Janie naman ay todo ngiti na rin sa mga kalokohan nila.

"Ahh, maiwan ko muna kayo mukhang marami pa kayong kailangan pag usapan" Biglang usap ni Doktora Amari at agad na naglakad palabas ng pinto.

Nang makalabas na siya ng pinto ay tsaka ko hinarap si Stanaiah.

"Seryoso si Gail sa sinabi niya, kaya hindi ka pwedeng lumabas dito ng mag isa lang, kailangan kasama mo kahit na sino sa amin tatlo, maliwanag?" Nasabi ko na lang at agad din naman siyang tumango.

"Yes, tenyente!" Sagot niya at sumaludo pa bago pa niya ako ulit tuluyang yakapin.

AMARIWhere stories live. Discover now