CHAPTER VII

1K 41 3
                                    

JANIE SHAE'S POV

"Mas makakabuti siguro konsehal kung araw-araw kayong pupunta rito sa hospital para matignan natin kung umiigi ba o kung lumalala ang sitwasyon niyang balikat niyo, nang sa ganon ay mabigyan agad natin ng lunas" Nakangiting usap pa ni Doktora Amari kay Konsehal Delgado.

Hindi naman na ako magtataka kung bakit ganyan na lang kaganda ang ngiti ni Amari sa konsehal na ginamot niya ngayon, matagal na niya kasing gusto si Konsi Delgado at hangang hanga talaga siya sa kabaitan at sa mga nagawa nito dito sa bayan ng Isidro.

"Ganon ba, Doktora? Nako, huwag kang magsasawa sa mukha ko ah" Biro pa ni Konsehal Delgado kaya todo ngiti naman umiling si Doktora Amari.

Taglandi si Doktora.

"Ehem" Sabay-sabay naman kami napatingin kung saan nang galing iyon at doon ko nakita ang dalawang tenyenteng kaibigan ko. Kita ko naman na nagpipigil na ng tawa si Gail kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin sa kanila habang nagpipigil na rin ng tawa.

Siraulong Gail 'to.

"Gab? Buti nakarating ka na" Usap na ni Konsi kay Mickenzie, hindi naman na nagsalita si Mickenzie at napatingin na lang ito sa balikat ni Cloie na naka partial cast at naka arm sling bandage.

"Anong nangyari?" Seryosong tanong nito sa kapatid niya. Kita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Amari ng marinig niya kung paano na lang makipag usap si Mickenzie sa crush niyang Konsi.

"Hindi ko rin alam, Gab. Ang bilis ng pangyayari, ang naalala ko lang paglabas na paglabas ko ng bahay kanina ay may dalawang magka angkas na lalaking nagpabalik balik sa harap ng bahay tas ng bigla silang nagpaharurut ng takbo ay doon nila mabilis na hinataw ng tubo tong braso ko" Kwento pa ni Konsi sa kapatid niya. Agad naman hinarap ni Mickenzie ang mga tauhan ni Cloie na nandoon sa loob, nilapitan niya ang mga ito at bakas sa mga mukha nito ang takot.

"Mga bobo ba kayo o tanga?" Tanong ni Mickenzie sa mga ito. Sinensyasan ko naman si Gail na pigilan si Mickenzie pero umiling lang naman ito.

"Hindi mo mapipigilan yan pag ganyan" Basa ko pa sa buka ng bibig nito, napailing na lang naman ako at wala na rin nagawa.

"Isang tao lang ang babantayan niyo, hindi niyo pa magawa" Dagdag pa nito. Base sa pananalita ni Mickenzie ay magkadikit na talaga ang mga ngipin niya at pinipigilan niya rin ang sarili niya na gumawa ng eskandalo rito sa hospital.

"Trabaho niyong bantayan tong amo niyo kaya gawin niyo naman trabaho niyo" Usap pa ni Mickenzie sa mga ito.

Hindi mo naman talaga maipagkakaila kung gaano rin kamahal ni Mickenzie ang kapatid niya. Kahit na halata naman at kahit na alam niya rin na mas mahal talaga ng mommy nila si Cloie kumpara sa kaniya.

"Gab, tama na yan" Awat na ni Cloie sa kapatid niya. Agad naman kami napatingin sa babaeng tumatakbo papunta sa lugar kung nasaan kami kaya agad din nagbigay daan si Mickenzie dito.

Alalang alala naman chineck ni Mrs. Delgado ang anak niya at mangiyak ngiyak pa ng makita ang mga nakakabit sa kamay nito.

"Okay, mom, chill, okay lang ako" Natatawang usap ni Konsi sa mommy nito habang sabay naman kami napatingin ni Gail sa kaibigan namin na si Mickenzie. Nakita ko rin naman na, na kay Mickenzie na ang atensyon ni Amari kahit na halata pa rin ang pagtataka sa mukha nito.

"Pinag alala mo ko, ano? nahuli na ba yung gumawa niyan sayo? kamusta na pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong pa nito sa anak niya. Ngunit hindi naman sumagot si Konsi Delgado at tumingin lang ito kay Mickenzie.

"Sana matulungan mo kong mahanap kung sino may gawa nito sa akin" Pakiusap ni Cloie sa kapatid kaya tumango na lang naman si Mickenzie.

"Puntahan ko na lang muna siguro yung pinangyarihan ng insidente baka doon may mahanap kaming ebidensya o impormasyon" Seryosong usap ni Mickenzie. Aalis na sana siya ng bigla naman siya tawagin ni Mrs. Delgado.

"Salamat sa tulong mo, tenyente Santiago" Usap pa nito sa anak niya.

Anak niya na iilan lang din ang may alam.

Nakangiti namang humarap si Mickenzie sa mommy niya atsaka doon huminga ng napaka lalim.

"Wala po kayong dapat ipagpasalamat, Mrs. Delgado. Ginagawa ko lang ho ang trabaho ko" Sagot ni Mickenzie sa mommy nito kaya napatango na lang ito sa sagot ng anak niya.

"Mickenzie Gabrielle" Tawag pa nito sa anak niya ng akmang aalis na ulit ito.

"Mag iingat ka" Bilin pa nito sa anak niya.

"Kayo rin po, Mrs. Delgado. Masasabi kong delikado pa ang lagay ng buhay niyo lalo na ngayon na hindi pa namin nahuhuli ang may gawa nito sa anak niyo, kaya sana mag doble ingat ho kayo at huwag na huwag kayong aalis na walang kasamang body guard" Seryosong usap ni Mickenzie sa mommy niya at sa kapatid niya kaya napatango naman ang mga ito.

"Konsi, balitaan ko na lang kayo kapag may malaman na kaming impormasyon ukol sa nangyari sa inyo, sa mga tauhan mo na lang siguro kami makikipag ugnayan patungkol sa nangyari kanina" Seryosong dagdag pa nito bago tuluyang humarap sa akin at kay Ate Amari.

Hindi naman na siya nagsalita pa at tuluyan na ngang naglakad palabas ng hospital at agad din naman sumunod sa kaniya si Gail.

Alam ko na yan, Mickenzie. Itutuon mo nanaman yan sarili mo sa trabaho dahil sa sakit na nararamdaman mo.

Pero ang hindi ko lang alam ay kung saan ka mas nasasaktan ngayon.

Hanggang sa nagpaalam na nga rin sa amin ang mga Delgado habang tahimik pa rin naman nakatingin si Ate Amari sa may entrance ng hospital.

"Huwag mong sabihin na starstruck ka pa rin kay Konsi Delgado?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Sa tingin mo, okay lang kaya si Mickenzie?" Seryosong tanong niya sa akin.

"Mickenzie?"

"Si tenyente Santiago" Sagot niya.

"Malamang alam kong si Tenyente Santiago yon e kaibigan ko yon, ang tinatanong ko, bakit siya? e hindi naman siya yung hinampas ng tubo" Tanong ko pa sa kaniya.

"Hindi ko alam pero pakiramdam ko may hindi tama sa kanilang tatlo, may alam ka ba tungkol sa kanila?" Tanong pa niya kaya napailing na lang naman ako.

"Hindi ko na istorya yan para ako pa magkwento sayo, kung gusto mo si Mickenzie mismo ang tanungin mo para masagot yang mga tanong sa isip mo" Sagot ko na lang sa kaniya bago siya tuluyang iwanan mag isa.

AMARIWhere stories live. Discover now