CHAPTER VI

1.1K 36 0
                                    

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

"Tenyente Perez, ikaw na ang bahalang magmanman sa mga tao natin dito sa departamento, kailangan mong makasiguro na ni isa sa mga bata natin dito ay walang makakaalam patungkol sa pag iimbestiga nating apat sa mga opisyales ng pamahalaan dito sa Isidro" Pagbibigay utos ng Hepe namin kay Gail.

Nandito kami ngayon sa opisina ng hepe ng departamento namin at hanggang ngayon ay patuloy pa rin kaming gumagawa ng hakbang patungkol sa pinag uutos ni Heneral Santiago para sa paglilinis ng bayan ng Isidro pagdating sa isyu sa sunod-sunod na patayan at illegal na droga.

Sa totoo lang ay may pag aalinlangan pa rin ako patungkol sa imbistigasyon na isasagawa namin, lalong lalo na kasama sa imbistigasyon na isasagawa namin ang pamilya ng mga Delgado, ang pamilya ng kapatid at ng sarili kong nanay.

Ngunit kahit na mayroon pag aalinlangan ay dapat pa rin manaig ang trabaho ko, kailangan ko pa rin sundin ang utos ng mas nakakataas at ng trabaho ko, sana lang talaga ay walang kinalaman ang kapatid ko sa dumi ng Isidro dahil hindi rin talaga ako magdadalawang isip na ako mismo ang maglalagay ng mga porselas na hindi niya aasahan na makikita niya sa mga kamay niya kapag nagkataon.

"Tenyente Santiago, ikaw na bahala sa mga Delgado. Lalong lalo na sa dating mayor at sa kapatid mo na si Konsi Cloie Delgado" Utos sa akin ni Hepe kaya napatango na lang naman ako.

"Alam kong hindi madali to dahil kapatid mo mismo ang iimbistigahan mo pero sana makaasa pa rin kami sayo ni Heneral ng malinis at tapat na serbisyo galing sayo, Tenyente Santiago" Seryosong usap pa niya sa akin.

"Makakaasa kayo, Hepe. Gaya ng gusto ni Heneral Santiago, gusto ko rin malinis ang bayan ng Isidro, mahalaga sa amin dalawa ang bayan na ito, kaya dapat lang na buong tapang natin harapin ang mga hakbang na gagawin natin kahit na sino pa ang mabangga natin" Seryosong usap ko pa sa kaniya kaya napatango naman siya.

"Tama ka roon, Tenyente. Malalaki ang posibleng mabangga natin dito kung sakaling tama ang mga impormasyong nakalap natin, kaya dapat lang na mag doble ingat tayo, sa hakbang man ng operasyon na gagawin natin o para sa sarili mismong buhay na natin" Usap pa ni Hepe kaya napatingin naman na sa akin si Tenyente Perez at Kapitan Rivera.

"Posible ba talagang maging madugo tong operasyon na isasagawa natin, Hepe?" Tanong pa ni Kapitan Rivera sa Hepe namin.

Maling kwestyunin ni Kapitan Rivera ang sinasabi ng hepe namin pero naiintindihan ko siya, naiintindihan ko kung saan nang gagaling ang pangamba niya. Pamilyadong tao siya, may asawa't anak at kahit na sino ay matatakot kung sakaling pati ang sariling pamilya niya ay madamay sa trabaho niya.

"Duty first before anything else! Understand?!" Sigaw na ni Hepe kaya napatango na lang naman si Kapitan Rivera.

"Yes sir!"

"Good! Asahan ko ang magagandang report sa inyo sa susunod" Seryosong usap pa niya bago tuluyang lumabas sa opisina niya.

Agad naman kaming napatayo ni Gail at Kapitan Rivera para sumaludo sa kaniya.

Nang kaming tatlo na lang ang natira sa loob ay agad kaming humarap kay Kapitan Rivera para kausapin ito patungkol sa pag aalala niya sa operasyon namin at sa pamilya niya.

"Anong planong mong gawin Kapitan?" Tanong ni Gail ni Kapitan. Nagkibit balikat naman ito at huminga ng malalim.

"Ang paglayo lang ng mag ina mo ang maaaring pwedeng maging solusyon diyan sa problema mo" Suhestiyon ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin at napaisip.

"Walang mapupuntahan ang mag ina ko, tenyente. Ang mga pamilya namin ay mga taga rito sa bayan ng Isidro at parehas kami na rito na lumaki" Sagot niya sa akin kaya napaisip na lang din ako.

"Sabihan mo ko kung itutuloy mo ang paglayo mo sa mag ina mo. Pwede mo muna sila patuluyin sa dati namin bahay sa isla sa kabilang bayan" Usap ko pa sa kaniya kaya gulat naman silang napatingin sa akin.

"Sa San Luiz?!" Tanong pa ni Gail.

"Oo, iilan lang ang may alam sa lugar na iyon, kaya imposibleng masundan pa sila roon" Sagot ko kay Gail.

"Alam ko pero ikaw ba nakabalik ka na ba ron sa lugar niyo ng sir dad mo?" Takang tanong pa niya, napangiti naman ako at napailing.

"Hindi pa, siguro ngayon pa lang kung matutuloy sila Kapitan sa pagpapalayo muna ng mag ina niya" Sagot ko.

"Sama ako ah" Usap pa niya kaya tumango na lang naman ako.

"Salamat, tenyente. Kakausapin ko na lang muna siguro ang asawa ko patungkol dito" Usap pa ni Kapitan kaya napatango na lang naman ako.

"Sabihan mo na lang ako, kapitan" Usap ko pa bago tapikin ang balikat niya.

Nang makalabas na kami ni Gail sa departamento ay nagkanya kanyang sinde na muna kami ng sigarilyo namin at doon naupo sa mga motor namin.

"Tenyente Perez, Tenyente Santiago" Biglang usap ni Reyes at sumaludo sa amin kaya agad din naman kaming sumaludo ni Gail sa kaniya.

"Tenyente Santiago, nahospital daw si Konsehal Delgado at ikaw ang pinapatawag niya" Usap pa ni Reyes kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Sa pagkakaalam ko, pulis ako hindi doktor" Nasabi ko na lang bago tuluyan itapon ang sigarilyong hawak ko.

"Puntahan mo na baka umiiyak na kapatid mo ron" Pagbibiro pa niya kaya napailing na lang naman ako

"Paano nga pala kung nandoon ang tatay non?" Tanong pa niya kaya napatingin na lang naman ako sa kaniya.

"Edi nandoon, hindi rin naman ako pupunta ron kung hindi lang dahil sa kapatid ko" Nasabi ko na lang at sumakay na sa motor ko.

"Sus! pumupunta ka naman talaga don sa hospital pagtapos ng duty mo, kunwari ka pa" Pangangasar pa niya bago sumakay din sa motor niya.

"Kaya nga, napaaga lang, maaga tuloy makakasilay si Doktora Asuncion sa akin" Natatawang sabi ko na siya kaniya bago pa tuluyang umalis sa departamento.

Agad naman siyang nakasunod sa akin at talagang dinaig pa niya ang kumakandidato dito sa Isidro ng batiin niya rin pabalik ang mga taong bumabati sa amin na nasa daan.

"Hindi ka naman siguro tatakbo sa susunod na halalan no?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

"Dinaig ko pa si Cloie no?" Pagmamayabang pa niya kaya napailing na lang naman ako.

Ano nanaman ba nangyari sa kapatid ko na yon para mahospital pa?

AMARIWhere stories live. Discover now