CHAPTER IV

1K 43 0
                                    

"Ang cute niyo talagang tignan kapag magkasama kayong dalawa" Tuwang-tuwang usap ni mommy, magkatabi kasi kami ngayon ng upuan ni Cloie habang nasa harap naman namin siya ngayon.

"Edi dapat pala lagi kaming magkasama nitong si Gabrielle para lagi kaming cute" Natatawa pang usap ni Cloie bago ulit siya sumubo ng pagkain.

"Cute ako kahit hindi kita kasama" Usap ko sa kaniya, natawa naman ako ng biglang nanlaki ang mata niya at dahil na rin sa hindi niya magawang umusap dahil sa mga pagkain na nasa bibig pa niya.

"Huwag ka ng umangal, konsi, manahimik ka na lang diyan" Biro ko pa kaya mas lalo naman natawa si mommy habang hinampas na lang naman niya ako bilang ganti.

"Kapal ng mukha mo, tenyente" Angal pa niya matapos niyang uminom ng tubig.

"Musta na nga pala yung mga halaman mo mmy?" Tanong ko na lang kay mommy kaya natawa na lang din kami parehas ni Cloie Dale.

"Anong nakakatawa sa halaman ko? Aber?" Medyo inis na tanong ni Mommy sa amin dalawa kaya natatawa naman kaming napapailing ni Cloie sa kaniya.

"Wala, kinakamusta lang e" Nakanguso ng sabi ko sa kaniya.

"Alam mo ba, Gab. Kada umaga kinakausap ni mommy yang mga halaman niya, kulang na nga lang itabi niya sa pagtulog yang mga yan" Napapailing na kwento pa sa akin ni Cloie.

"Sa garden ka na lang kaya tumira, mmy" Suhestiyon ko sa kaniya na lalo niyang kinainis habang si Konsi naman ay pasikretong natatawa.

Sa gitna ng pagkwekwentuhan namin tatlo ay may hindi naman akong inaasahan na makikita at yon ay ang asawa ni mommy at daddy ni konsi Cloie.

"Nandito pala ang anak at kapatid niyo sa labas" Usap pa niya atsaka naupo sa kabisera ng hapag kainan. Napangiti na lang naman ako habang hinawakan naman ni Konsi Cloie Dale ang kamay ko.

"Pasensya ka na, Gab. Hindi ko alam na uuwi siya agad agad" Bulong pa sa akin ng kapatid ko kaya ngumiti na lang naman ako. Nag aalala naman tumingin sa akin si Mommy pero hindi ko na lang naman siya pinansin pa.

"Tawagin niyo na lang ako kapag tapos na kayo kumain, hindi ako makakain pag ganto" Usap pa niya at akma pang tatayo.

"Hindi na ho" Biglang usap ko sa kaniya at napatingin naman na sa akin si Mommy at ang kapatid ko.

"Aalis na rin ho ako" Usap ko atsaka tumayo para magpaalam na kay Konsi at kay Mommy.

Hahalikan ko pa sana ang sentido ni mommy pero agad din naman umiwas ito, hindi ko naman na pinilit ang gusto ko at pinuntahan na lang ang kapatid kong si Cloie para tapikin na lang ang balikat nito bilang pagpaalam.

"Salamat sa pag imbita, kita na lang tayo sa labas" Bulong ko pa sa kaniya, nag aalala naman siya tumingin sa akin at humingi pa ng pasensya.

"Pasensya na talaga, tenyente" Usap pa niya kaya ngumiti na lang naman ako.

Humarap naman na ako sa lalaking nakaupo sa kabisera na siyang padre de pamilya nitong pamilya Delgado.

"Salamat ho ulit sa inyong mga Delgado" Usap ko sa kanila habang nakatingin lang naman sila sa akin.

"Konsi, Mrs. Delgado, Mayor, una na ho ako" Paalam ko pa sa kanila at agad na rin akong naglakad palabas ng hapag kainan ng mga Delgado.

Okay naman na ako na kami lang dalawa ng sir dad ko, okay naman na akong paminsan-minsan makasama ang kapatid at ang mommy ko. Pero bakit nasasaktan pa rin ako sa tuwing ipapamukha sa akin na bunga lang ako ng pagkakamali ni mommy at ni Sir Dad? Bakit nasasaktan pa rin ako sa tuwing nilalayuan ako ni mommy kapag nandiyan ang asawa niya? Talaga bang okay kami? O sadyang ganito talaga kapag bunga ka ng pagkakamali?

"Tenyente" Tawag sa akin ng isang kasambahay ng mga Delgado

"Oh manang, bakit ho?" Tanong ko sa kaniya

"Hmm, nak, pwede bang ihatid mo muna ako sa hospital kukunin ko lang yung resulta nung huling laboratoryo ko" Pakiusap niya sa akin kaya napangiti na lang naman ako.

"Pwedeng-pwede manang basta ho kayo" Natatawang sabi ko pa sa kaniya kaya niyakap naman niya ako dahil sa sobrang tuwa.

Ilang sandali lang ng makarating na kami sa hospital kung saan nagtratrabaho ang kaibigan kong si Doktora Janie at Doktora Sungit na si Amari.

"Salamat nak" Pasasalamat pa niya sa akin pero hindi ko naman na siya hahayaan na mag isa na lang ng ganitong oras.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong pa sa akin ni Manang, umiling naman ako at sinabayan na siya papasok ng hospital.

"Mahihirapan lang po kayo makahanap ng masasakyan ng ganitong oras kaya hintayin ko na lang po kayo" Usap ko pa sa kaniya kaya nakangiti naman siyang tumango sa akin.

Nagpaalam naman na muna siyang pupuntahan ang
doktor niya kaya naupo na lang muna ako sa bench na nandoon para doon na siya hintayin.

"Okay ka lang?" Namulat ko naman ang mga mata ko ng biglang may kung anong nagsalita sa harap ko, agad naman akong napaayos ng upo ng makita ko si Doktora Amari na nasa harap ko.

"Doktora" Nasabi ko na lang, naupo naman siya sa tabi ko at doon huminga ng napaka lalim.

"Parang ikaw yata ang kailangan kong tanungin, Doktora. Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya, agad naman siyang umiling at humarap sa akin.

"Natalo ako, hindi ko nagawang iligtas ang buhay nung batang pasyente ko" Sagot niya

"Sigurado naman akong ginawa mo lahat ng makakaya mo, doktora. Ikaw pa! kulang na lang dalhin mo na lahat ng damit mo rito at dito na tumira" Usap ko sa kaniya, napangiti naman siya kaya ganon na rin ako.

"Bwiset ka talaga!" Angal niya pa sa akin at hinampas pa ang balikat ko.

"Seryoso ako. Magaling kang doktor. Maswerte ang Isidro kasi may doktora silang maganda katulad mo" Seryosong usap ko pa sa kaniya pero ngumiti naman siya.

"Maganda?" Tanong niya pa, agad naman akong napaisip at doon ko lang napagtanto ang mga sinabi ko

"Magandang serbisyo, tama, yon nga"

"Maganda ang serbisyong binibigay mo sa mga taga Isidro, doktora. Kaya hindi na rin sila lugi na ikaw ang isa sa mga doktora nila" Usap ko sa kaniya at umiwas na lang ng tingin sa kaniya.

"Crush na crush mo talaga ako, tenyente" Natatawang sabi pa niya at napapailing.

Sakto naman ng dumating na si Manang habang kausap ang kaibigan kong doktora rin na si Janie.

"Siya kasama niyo manang?" Takang tanong pa ni Janie kay Manang, tumango naman si Manang bilang sagot

"Ah opo, doktora" Sagot pa ni Manang.

"Anong ginawa mo sa bahay ng mga Delgado? Nandon si Mayor?" Nag aalalang tanong pa niya sa akin, ngumiti lang naman ako sa kaniya at hindi na siya sinagot.

"Tara na ho, Manang. Hatid ko na kayo" Usap ko na lang kay Manang at tumango na lang siya.

Nagpaalam naman na kami sa mga doktorang nasa harap namin habang nag aalalang nakatingin pa rin sa akin si Janie.

"Okay lang ako, Dok Janie, don't worry" Nakangiting usap ko sa kaniya kaya tumango na lang naman siya.

"Una na kami mga doktora" Paalam ko pa sa kanila bago tuluyang lumabas ng hospital.

AMARIWhere stories live. Discover now