CHAPTER XLV

1.1K 46 9
                                    

"Pasok po kayo" Nasabi na lang ng tenyente at pinatuloy ang ina sa loob ng bahay.

Pagpasok sa loob ay agad na dumiretso ang tenyente sa kusina niya para ikuha ng maiinom ang ginang.

"Upo kayo" Aniya pa nito sa ina sabay lapag sa harap nito ng maiinom.

"Ang ganda pala talaga nitong bahay mo, mabuti't nakapag pundar ka ng ganito" Biglang usap ng ginang.

"Wala naman ho akong ibang paglalaan ng mga perang naipon ko, kaya naisipan namin ni Sir Dad na magpagawa ako ng bahay na matatawag ko talagang akin" Simpleng sagot nito bago ulit kunin ang bote ng beer na naiwan nito bago lumabas kanina.

"Ano ho bang atin? May maitutulong ho ba ako sa inyo?" Tanong pa ng tenyente.

Napahinga na lang naman ang ginang dahil sa lamig ng pakikitungo sa kaniya ng bunso niyang anak.

"Mickenzie Gabrielle" Nasabi na lang nito.

"Kung tungkol ho to sa amin ni Cloie Dale, wala na ho tayong kailangan pag usapan pa dahil okay na ho kami ng kapatid ko" Aniya pa ng tenyente sa ina bago tuluyang kunin ang telepono niya sa bulsa niya para itext ang kapatid.

"Tinext ko na si Cloie, pinapasundo ko na ho kayo" Usap ng tenyente kaya gulat naman napatingin sa kaniya ang ina habang takot na umiling iling sa kaniya.

"A-ayoko, a-yoko, anak" Takot na usap nito sa kaniyang bunsong anak kaya agad naman nakaramdam ng kakaiba ang tenyente.

Kaya bahagya na itong lumapit sa kaniyang ina at agad naman niya napansin ang pasa at sugat nito sa iba't ibang parte ng katawan nito.

"Sinong may gawa sa inyo nito?" Seryoso ng tanong ng tenyente sa ina habang maingat na hinahaplos ang mga pasa nito.

Hindi naman sumagot ang ginang at umiiyak lang itong nagpapailing-iling.

"Sinong may gawa sayo nito?" Tanong ulit ng tenyente sa ina ngunit nagpatuloy tuloy lang ito ulit sa pag iling at pag iyak.

"Kailangan kong malaman kung sino may gawa nito dahil kung ako pa mismo ang makakaalam ——

"Ang-ang da-daddy ni Cloie" Iyak nang iyak na sagot ng ina nito kaya wala naman na siyang nagawa kundi ang yakapin na lang ito.

Demonyo ka talagang hayop ka!

Sakto naman na kasama ni Cloie si Amari kaya agad din nilang napagamot ang sugat ng kanilang ina.

"Paanong nangyari kay Mrs. Delgado ito, Cloie?" Tanong ng tenyente sa kapatid. Napailing naman ang konsehal at nangangamba na rin tumingin sa kapatid.

"Hindi ko alam, hindi ko alam" Sagot ni Cloie kaya napaiwas na lang naman ng tingin ang tenyente at napahinga na lang ng napaka lalim.

Wala naman na umusap sa magkapatid at napatawag na lang ang tenyente sa headquarters nila para kausapin ang kanilang hepe.

"Nasaan ang mommy niyo?" Biglang tanong ng Heneral sa magkapatid ng bigla na lang itong sumulpot sa bahay ng anak niyang tenyente.

Taka na lang naman napatingin ang tenyente sa ama ng bigla na lamang itong dumating.

Tinawagan ba siya ni Cloie? O baka naman si Mrs. Delgado?

"Kamusta ka? Kamusta na pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong nito sa ginang pero hindi naman na ito sumagot.

"Kamusta siya, Amari anak?" Tanong nito sa doktora.

"Nalinis ko na po ang mga sugat niya, nabigyan ko na rin po ng paunang lunas itong mga pasa niya, kailangan na lang po talaga niya magpahinga sa ngayon" Sagot ng doktora kaya napatango na lang naman ang Heneral bago tuluyan humarap sa dating kasintahan.

"Sige na, magpahinga ka na" Usap nito sa ina ng anak at ina ng tinuturing na rin niyang anak.

Ngunit umiling na lang naman ang ginang dahil pa rin sa takot.

"Huwag kang mag alala, dito lang kami ng mga anak mo, babantayan ka namin" Pag kumbinsi pa ng heneral sa ginang ngunit hindi pa rin ito nagsalita at napatingin na lang naman ito sa bunsong anak.

"Magpahinga na kayo, dito na rin muna kayo mag stay hanggang sa maging ayos na ang lahat" Seryosong usap ng tenyente sa ginang.

"Nagpadala na rin ako ng ilang mga pulis na magbabantay sa inyo rito kaya wala ng makakalapit sa inyo rito" Dagdag pa nito kaya nakahinga naman na ng maluwag ang ginang.

Nahiga naman na ito sa sofa at doon na siya mismo nagpahinga.

"Kakailanganin ko ng medical record ni Mrs. Delgado" Usap ni Mickenzie sa doktora. Napatango na lang naman ang doktora dahil alam na rin niya kung saan iyon gagamitin ng Tenyente.

Agad din naman kinuha ni Mickenzie ang susi ng motor niya kaya taka naman napatingin sa kaniya ang doktora at kapatid niya.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong ng kapatid nito.

"Hindi ba't delikado na at baka nag aabang abang lang diyan si Mr. Delgado" Dagdag na usap pa ni Amari sa tenyente.

Ano ba kinakatakot nila kay Mr. Delgado? Dahil ba binugbog nito ang asawa nito at natatakot sila na baka pati sa akin ay gawin ng taong yon? O may alam sila sa lahat ng mga nangyayaring mga kaguluhan na kinasasangkutan ni Mr. Delgado ngayon?

"Kakausapin ko lang yung mga pulis sa labas, may aasikasuhin lang din ako sa presinto" Sagot nito sa dalawa.

"Dito na rin muna kayo magpahingang dalawa, nagpanggap na lang kayo sa harap ni Mr. Delgado bukas na wala kayong alam" Bilin pa nito sa dalawa at dire-diretsong lumabas sa bahay niya.

Paglabas sa bahay ay nadatnan na niya sa Gail na kausap na ang ilang mga pulis na sibilyan na siyang magbabantay sa bahay ng tenyente.

"Pagbutihin niyo ang pagbabantay at pagmamasid dito sa lugar, wala rin dapat makaalam na pulis kayo" Utos pa ni Gail sa mga pulis nila bago tuluyan humarap sa kaibigan na kakalabas lang ng bahay.

"Kamusta sila sa loob?" Tanong na nito sa kaibigan.

"Nagpapahinga na si Mrs. Delgado, nagamot na rin ni Doktora Asuncion yung mga pasa at sugat niya, nandiyan na rin si Cloie at General para bantayan siya" Sagot ni Mickenzie sa kaibigan.

"Ako na lang kaya maglakad ng nangyari kay Mrs. Delgado sa presinto? para makumpleto naman kayo ng pamilya mo" Usap pa ni Gail sa kaibigan niya kaya napailing na lang naman ito.

"Totoong makukumpleto lang sila kung matatapos na natin ang kaso, Gail" Sagot nito sa kaibigan niya habang nilalabas na sa garahe niya ang motor niya.

"Ayon na lang din naman hinihintay ko para ---

"Para ano?" Pagpuputol na tanong nito sa kaibigan niya.

Hindi naman na nakasagot ang tenyente at binaling na lang niya ang atensyon niya sa pagbibilin sa mga tao niya.

Ano ba talagang plano mo, Mickenzie?

AMARIWhere stories live. Discover now