CHAPTER XX

1.1K 38 5
                                    

AMARI VLEU'S POV

"Oh? Nakaalis na sila?" Tanong ko kay Janie ng bigla na lang siyang pumasok sa opisina ko. Todo ngiti naman siyang tumango at naupo sa harapan ko.

"Hindi ko alam na may girlfriend pala si Tenyente Santiago na artista ah" Usap ko pa sa kaniya kaya nakangiti naman siyang tumango.

"Hindi mo talaga malalaman, e hindi ka naman kasi nagtatanong e"

"Tsaka kung hindi pa nga sinabi sayo ni Konsi Delgado hindi mo pa malalaman na magkapatid pala sila ni Mickenzie e" Napapailing na sagot niya. Hindi naman ako nakasagot agad at pinaglaruan na lang ang ballpen na hawak hawak ko.

Talaga bang girlfriend niya si Stanaiah?

Kasi kung girlfriend niya si Stanaiah, ano na lang yung mga nalaman ko? Ano na lang yung —

"Mga pinaparamdam niya sayo?" Biglang tanong ni Janie kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Huh?" Tanong ko, hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa akin.

"Kanina pa ako usap nang usap dito hindi ka naman pala nakikinig" Napapailing na usap niya at humarap na sa akin.

"Tinatanong kita kung kamusta si Konsi Delgado sayo at yung mga pinaparamdam niya sayo? Sincere ba? Seryoso ba siya sayo?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Seryosong bagay tong ginagawa namin, Janie" Sagot ko sa kaniya.

"At yung mga sinasabi at pinaparamdam niya, doon ko lang narealize na gusto ko nga talaga yung taong yon at deserve niya rin na suklian ko ang pagmamahal na pinaparamdam niya sa akin" Sagot ko sa kaniya na kinagulat niya talaga.

"Tablado na talaga tong manok ko" Rinig ko pang bulong niya at parang problemado pa rin siyang napapailing.

"Sino bang manok mo?" Natatawang tanong ko sa kaniya, inirapan niya lang naman ako at napasandal na lang siya sa kinakaupuan niya.

"Basta Ate Amari, kung san ka masaya, bahala ka na" Usap niya kaya natawa na lang naman ako.

"Baliw ka talaga" Nasabi ko na lang sa kaniya. Maya-maya lang ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Cloie kaya agad ko rin naman sinagot iyon.

"Cloie" Bungad ko.

"Hi Doktora, pwede ka ba mamaya? Daanan kita mamaya diyan, dinner tayo" Yaya niya sa akin.

"Pwede naman, okay sige hintayin kita" Sagot ko at binaba na ang linya.

"Ganon kabilis? Oo agad?" Gulat na gulat na tanong ni Janie kaya napailing na lang naman ako.

"Ewan ko sayo, bahala ka na nga diyan" Nasabi ko na lang at iniwan na siya sa loob ng opisina ko.

——————————————————————
STANAIAH LUNA'S POV

"Namiss ko rito, halos ganon na ganon pa rin ang itsura oh" Manghang-manghang usap ko kay Mickenzie ng makapasok kami sa restaurant na kinakainan na namin dalawa noon pa man dito sa isidro.

"Sa totoo lang, ngayon na lang din ulit ako dito kakain kaya ngayon ko lang din nalaman na ganito na ganito pa rin pala tong lugar na ito" Sagot niya sa akin habang inalalayan na niya ako paupo sa upuan.

"Thank you" Pasasalamat ko sa kaniya ng makaupo na ako.

"Oh my god! Cloie Dale!" Mahinang sigaw ko ng makita ko si Cloie na kasama si Doktora Amari.

Gulat din naman siyang makita ako kaya agad naman siyang lumapit sa amin ni Mickenzie.

"Whooaa! Stanaiah! Hindi ko alam na may bumisita palang sikat na sikat na artista rito sa bayan ng Isidro ah"  Usap pa niya bago tuluyang makipag beso sa akin.

"Ano? Need mo ba ng body guard or what? Sabihan mo lang ako may ipapadala ako sayo" Tanong pa niya sa akin kaya napailing na lang naman ako.

"No need, Cloie. Nandito naman si Mickenzie kaya sure akong safe ako rito kahit papaano, thank you" Nakangiting sagot ko sa kaniya kaya tumango na lang naman siya.

"Ahh nga pala si Doktora Amari, future girlfriend ko" Nakangiting pakilala niya kay Doktora kaya bahagya pa akong napatingin kay Mickenzie na kanina pang tahimik.

"Ahh oo, nakilala ko na siya kanina sa hospital, pinakilala na siya sa akin ni Janie" Sagot ko sa kaniya at humarap na kay Doktora Amari.

"Ikaw doktora ah, hindi mo naman sinabi na manliligaw mo pala tong konsehal niyo rito" Pagbibiro ko pa sa kaniya pero ngumiti lang naman siya.

"Kakarating niyo pa lang ba o pauwi na kayo?" Tanong ni Cloie sa amin ni Mickenzie.

"Kakarating lang din namin" Simpleng sagot ni Mickenzie.

Ano ba naman tong dalawang magkapatid na ito? Oo.

"Mabuti naman, magsama sama na lang tayo sa iisang table" Yaya na ni Cloie at nauna ng maghanap ng mesa para sa amin apat.

Ngumiti na lang naman ako kay Mickenzie habang napapailing na lang naman siya.

Gaya ng kanina ay inalalayan ulit ako ni Mickenzie na makaupo kita ko naman na nakatingin sa amin si Doktora Amari kaya napangiti na lang ako.

At nang si Doktora Amari na nga ang uupo ay sabay pa nilang hinawakan ang upuan magkapatid para alalayan ang Doktora, kaya naman ay pigil na tawa na lamang akong umiwas ng tingin mula sa kanila.

Ano ba namang movie tong pinapanood ko? HAHA

Si Mickenzie naman na ang nagpaubaya at hinayaan na lang ang kapatid na alalayan si Doktora. Wala naman siyang emosyon na tumabi sa akin kaya hinawakan ko na lang naman ang kamay niya at ngumiti.

"Heavygat" Bulong na lang niya kaya mas lalo ko pa naman hinigpitan ang kapit ko sa kamay niya.

Umorder naman na kami ng pagkain habang beer naman agad ang inuna ni Mickenzie, hinayaan na lang namin siya dahil alam naman na namin ni Cloie na isa yon sa mga paraan niya para marelax siya kahit papaano.

"So? Stanaiah, bakit ka nga ulit napadalaw rito sa Isidro?" Biglang tanong sa akin ni Cloie ng magsimula na kaming kumain.

"May kailangan lang akong imeet dito na importante" Nakangiting sagot ko habang nakatingin kay Doktora Amari. Ngumiti rin naman siya bago tuluyang uminom ng tubig.

"Tsaka nabalitaan ko rin na may nangyari rito kay Mickenzie pati na rin sayo Cloie kaya pinush ko na talaga na ipaclear yung schedule ko para pagsabihan ang isang 'to, hindi na raw kayang pagsabihan ni Doktora Janie e" Napapailing na sagot ko kay Cloie, tumango naman siya at tumingin kay Mickenzie.

"Bilib nga ako kay Mickenzie nung araw na yon, ang bilis ng aksyon at nagawa pang bakuran si Doktora Amari para lang siguraduhin niyang ligtas si Doktora" Kwento pa ni Cloie.

Naks! Hahamakin ang lahat, maligtas ka lamang ang tema pala nitong si Mickenzie.

"Kaya ba siya yung natamaan?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman si Cloie bilang sagot habang inis naman na tumingin sa akin si Mickenzie.

"Ganon talaga tong si Mickenzie, handa niya gawin lahat para sa taong ma-

"Kumain na lang tayo" Seryosong pagpuputol ni Mickenzie sa sasabihin ko kaya pigil na tawa na lang naman akong tumango.

Ang daldal ko talaga.

AMARIWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu