CHAPTER XXVIII

1K 43 9
                                    

AMARI VLEU'S POV

"Arrgh! Shit!" Usap ng taong nasa harap ko matapos niyang tumayo sa sofa dito sa sala niya para iunat ang mga katawan niyang obvious namang nananakit.

"Ayan! Tigas kasi ng ulo" Napapailing na usap ko, kaya gulat naman siyang lumingon sa akin.

"Doktora?!" Gulat na gulat talagang usap niya.

Nandito ako ngayon sa bahay ni Mickenzie. Nung una ay wala naman talaga sa plano kong puntahan siya mismo rito sa bahay niya dahil sanay naman na akong siya mismo pumupunta sa hospital para dalawin ang kaibigan niyang si Janie at para bwisitin ako.

Napapunta lang ako dahil kanina ko lang din nalaman kay Gail na hindi pala siya nagpunta sa hospital kagabi para sana ipatingin ang likod at ang mga sugat niya sa kamay kay Janie. Sa halip ay umalis lang ito agad para asikasuhin yung mga taong pilit na gusto akong babuyin.

Kung hindi dahil kay Mickenzie ay malamang sa malamang ay hindi ko na alam ang nangyari.

At sa pangalawang pagkakataon, niligtas nanaman ni Mickenzie ang buhay ko.

"Paano mo nalaman bahay ko? Paano ka nakapasok?" Takang taka na tanong niya at sinilip pa ang pintuan niya.

"Hinatid ako ni Gail, magagalit ka raw kasi sa kaniya kapag hinayaan niya akong pumunta rito mag isa" Nakangiting usap ko sa kaniya kaya napaiwas naman siya ng tingin mula sa akin.

cute!

"Siya rin kumuha nung susi sa tinataguan mo sa labas para makapasok ako" Usap ko pa bago tuluyang tumayo at naglakad na papunta sa dining area niya, agad din naman siyang pumasok sa banyo niya rito sa baba ng bahay niya

"Sabi ni Gail, sinadya mo raw ipagawa tong bahay mo"

"Masyado naman yatang malaki para sayo mag isa ito, tenyente" Usap ko sa kaniya ng sumunod na siya sa akin dito sa dining area niya habang nagpupunas na ng mukha niya.

Pinagpatuloy ko naman ang paglalabas ng mga pagkain na binili ko para sa amin dalawa habang siya naman ay nagtitimpla na ng kape.

"Ang sir dad ko ang tumulak sa akin na magpagawa ng ganitong kalaking bahay, baka raw kasi biglang magbago ang isip ko at may pamilya ako na gustong makasama rito"

"Mabuti na raw yung handa" Napapailing na sagot niya at inabot na sa akin ang tinimpla niyang kape.

"Thank you" Nakangiting pasasalamat ko sa kaniya kaya napangiti rin naman siya.

"Akala ko ayaw mo nanaman e" Usap pa niya bago tuluyang humigop sa kape niya, napailing na lang naman ako at nilapit na sa kaniya ang pagkain na binili ko.

"Kumain ka na para matignan ko na yang likod at sugat mo" Usap ko pa sa kaniya kaya agad din naman siyang napatingin sa akin.

"Talagang pumunta ka pa rito para lang diyan?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin, umupo naman na ako at sinimulan ng buksan ang pagkain na binili ko.

Feel at home, di ba?

"Gusto ko rin personal na magpasalamat sayo sa pagligtas sa akin kagabi" Seryosong usap ko na sa kaniya.

"Kaya salamat, tenyente"

"Totoong pinag alala mo ko kagabi" Usap niya bago tuluyan maupo sa tabi ko.

AMARIWhere stories live. Discover now