CHAPTER XIV

1K 37 2
                                    

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

"Tatay D!" Sigaw ko ng makita ko na ang matalik na kaibigan ni Sir Dad dito sa isla sa bayan ng San Luiz. Agad naman akong bumaba ng bangka para lapitan at yakapin ito.

"Tenyente!" Gulat na sabi pa niya at niyakap na rin ako pabalik.

"Napadalaw ka? Tagal na nung huling beses na bumalik ka rito ah, batang bata ka pa non" Tuwang tuwang usap niya sa akin kaya napangiti na lang din naman ako.

"Oo nga po, tatay D e, di bale ho, dadalasan ko na ho rito sa susunod" Nakangiting sagot ko sa kaniya kaya tumango naman siya.

"Nga ho pala, kaibigan ko po, tenyente rin, si Gail" Usap ko pa at agad naman din nakipag kamay si Gail kay Tatay D.

"Nice to meet you po, tatay D"

"Balita ko po kayo namamahala rito sa isla, kaya iiwan na lang ho namin ni Mickenzie mga contact namin in case na kailanganin niyo ho ng tulong namin" Usap pa ni Gail kaya mas lumapad naman ang ngiti ni Tatay D.

"Nako! Salamat Gail, ang totoo niyan ayon talaga ang kailangan namin ngayon dito sa Isla, marami kasing nasasangkot na mga kabaranggay ko sa mga gulo sa San Isidro" Sagot ni Tatay D kaya gulat pa kami napatingin ni Gail sa isa't isa.

"Kasama niyo rin ba sila?" Tanong na ni Tatay D habang tinuturo na sila Kapitan at ang pamilya nito na pababa ng bangka.

"Ah, tatay D. Si Kapitan Rivera po pala tas ito naman yun pamilya niya" Pakilala ko sa kila kapitan kay Tatay D. Agad din naman sila nakipagkamay kay Tatay D at nakipag kilala.

"Doon po muna sila mag stay sa bahay namin hanggang sa matapos po namin yung gulo at kaso na hawak namin tatlo, huwag din po kayo mag alala kasi may mga inatasan na kami magbantay sa kabilang pampang para bantayan yung mga papasok dito sa isla niyo ho" Usap ko pa sa kanila kaya napatango naman si Tatay D.

"Walang kaso iyon sa akin, maganda nga iyon at may makakausap na ang Nanay M mo bukod sa mga ibang kabaranggay na natin dito" Nakangiting usap pa niya.

Matapos ng kamustahan namin ay nagpaalam naman na muna kami na sa bahay na muna namin kami tutuloy at dadaan na lang kami sa bahay nila bago tuluyan bumalik sa bayan ng Isidro mamayang hapon, nagsabi naman siya na hihintayin niya raw kaming tatlo roon at ibabalita niya rin daw agad kay Nanay M na nandirito na nga ulit ako sa San Luiz.

"Kapitan, paalam ka na, dadaanan pa kasi natin si Tatay D, pakiramdam ko kasi may kinalaman yon sa mga nangyayari sa Isidro" Usap ko kay Kapitan, tumango naman ito at pumasok na ulit sa loob ng bahay para magpaalam na sa mag ina niya.

Nang makarating na kami sa bahay nila Tatay D ay agad naman ako niyakap ni Nanay M pagpasok na pagpasok namin ng gate nila.

Mas gumanda ang mga kabahayan dito sa isla, mga bato na rin ang mga ito dahil halos mga tapos na raw sa pag-aaral ng anak ng mga mangingisda kaya naman ay nakaahon ahon na ang bawat pamilya rito.

"Nako! Mickenzie, anak! namiss ka ni Nanay M" Nakangusong sabi na ni Nanay M habang hawak hawak ang magkabilang pisnge ko.

"Namiss ko rin ho kayo" Sagot ko bago tuluyan ipakilala sa kaniya ang mga kasama ko, agad niya naman kami ininbitahan sa kubo na nasa likod ng bahay nila kung saan doon naghihintay si Tatay D.

Hindi naman na ako nagsayang pa ng oras at sinabi ko na sa kanila na may mga tao nga na naiwan sa bahay namin na siyang mag ina ng Kapitan namin sa departamento, nangako naman sila na titignan tignan nila ang mga ito kaya mas lalo naman nakahinga ng maluwag si Kapitan Rivera.

"Tatay D, yung tungkol po sa mga kabaranggay niyo, anong gulo ho ba kinasasangkutan nila sa Isidro?" Tanong ko na kay Tatay D kaya napahinga lang naman siya ng malalim bago humarap sa akin.

"Yung tungkol doon, may mga kabaranggay kasi tayo dito na walang wala na kaya makipagsapalaran sila sa San Isidro noon, ang buong akala ko ay okay ang naging buhay nila sa Isidro pero nito lang ay napagkaalaman ko na napilitan na silang sumali sa mga sindikato para lang hindi sila mamatay sa gutom pero yon pala ay mas ikakamatay pala nila ang pagsali sa mga yon, kailangan pa nilang gawin ang iuutos sa kanila para lang mabuhay" Paliwanag na ni Tatay D kaya nagkatinginan na lang kami nila Kapitan Rivera at Tenyente Gail.

"Paano niyo ho nalaman ang tungkol sa mga nangyari sa kanila sa Isidro?" Natanong ko na lang sa kanila.

"May nagpadala ng sulat sa amin dito sa bahay, nak. Hindi naman namin malaman kung sino yon dahil wala naman pangalan na nakalagay sa sulat" Sagot ni Nanay M sa akin kaya napatango na lang naman ako.

"Pwede ho ba namin makita yung sulat?" Tanong ni Kapitan Rivera kaya agad naman kinuha ni Tatay D ang sulat sa wallet niya. Pagkakuha ay inabot na nila ito kay kapitan Rivera habang may napansin naman si Gail sa sulat.

"DGD?" Gulat pang sabi niya kaya agad naman ako napatingin sa papel. Doon ko naman ulit nakita ang tatlong letrang inisyal na nasa ibabang bahagi ng papel.

"Nanay M, Tatay D, pwede ba namin tong kuhanan ng litrato?" Paghingi ko pa sa kanila ng permisyo at agad naman silang tumango. Kinuhanan naman agad ni Gail ng litrato ang papel kaya binigay niya rin agad yon kila Tatay D.

"Nanay M, Tatay D. Yung inisyal na nakikita niyo ho diyan sa baba ay yung pangalan na dala dala ng mga grupo ng sindikato sa Isidro, kaya ho kami nandito dahil gusto namin makasiguro na ligtas ang pamilya ni Kapitan Rivera dahil tungkol po diyan sa sulat na hawak niyo ang kasong hawak ho namin ngayon" Paliwanag ko sa kanila at kita ko naman ang gulat sa mga mata nila.

"Huwag ho kayong mag alala, magagawan ho namin ng paraan ang tungkol diyan, balitaan na lang po namin kayo sa susunod na pagdalaw ho namin dito sa isla" Usap ko pa kaya nakangiti naman na silang ngumiti.

"Mag iingat ka, anak ah" Nag aalalang bilin pa ni Nanay M kaya nakangiti naman akong tumango.

"Delikado yang trabaho mo, wag naman sana pero tawagan mo kami kapag may nangyari sayo, itatawag natin yan sa anak kong doktora" Usap ni Tatay D kaya gulat naman napatingin sa kanila si Gail.

"Doktora? Nako! Tatay D, may doktora na rin ho yang sarili si Tenyente, kaya nga lang naunahan na siya nung kapatid niyang konsehal" Pagdadaldal pa ni Gail kaya napailing na lang naman ako.

"Iisa lang kayo ng gusto ng kapatid mo?!" Gulat na tanong ni Tatay D at nag aalala pang tumingin kay Nanay M

"Siguro ho"

"Pero hindi naman ho ako hahadlang sa kanila kasi kapatid ko ho si Cloie tsaka si Cloie naman po yung gusto nung Doktora" Sagot ko kaya nag aalala naman tumingin sa akin silang dalawa.

"Huwag sana kayo humantong sa sitwasyon na makakapag ulit sa nangyari noon sa mga magulang niyo ni Cloie, anak" Nag aalalang usap na ni Nanay M kaya taka lang naman akong napatingin sa kaniya.

Yun pa rin ang hindi malinaw sa akin
kung ano ba talaga ang nangyari at kung anong sitwasyon meron noon ang mga magulang namin.

Paano ko iiwasan? Paano ako makakasigurado na hindi na mauulit yung dati
kung hindi ko alam kung ano ang dapat kong iwasan, kung hindi ko alam kung ano ba ang dapat na hindi maulit.

AMARIWhere stories live. Discover now