CHAPTER XLIV

1K 48 6
                                    

"Ang plan A ni Tenyente Santiago ay nakadepende pa rin sa maaaring mangyari at maging galaw ni Mr. Delgado at ng mga tauhan nito" Aniya ng Hepe sa mga tao niyang pulis.

Plan A, ang plano na siyang pilit na sinusulong ni Tenyente Santiago upang hindi nila masira ang kasal ng kapatid at ng doktora dahil hindi niya pa rin lubos maisip na maaari talaga masira ang kasal ng dalawa ng dahil lang sa paghuli nila sa taong utak ng mga sindikato na si Mr. Delgado.

"Kapitan Rivera, ang grupo mo ang mangunguna pagdating sa mga galaw sa labas ng resort"

"Copy chief" Sagot ng kapitan.

"Tenyente Perez, ang grupo mo ang mangunguna sa kaligtasan ng mga tao mismo sa resort"

"Yes sir" Sagot ng tenyente.

"Tenyente Santiago, mapa plan A o plan B, ang grupo mo ang hahayaan kong manguna sa paghuhuli kay Mr. Delgado"

Plan B, ang plano ng mas nakakarami, plano na siyang gagawin kapag sa mismong venue na sila nakaramdam ng kakaiba mula sa kilos ng mga Delgado.

"Na susundan niyo naman Kapitan Rivera at ni Tenyente Perez"

"One time, big time itong operasyon na ito, kaya wala tayong pwedeng maging dahilan para hindi natin siya mahuli"

"Maliwanag ba?!"

"Yes chief!" Sabay-sabay na sagot ng mga kasamahan din niyang pulis.

Muli naman nila pinag aralan ang mga planong ginawa nila kasama ng mga kasamahan din nilang kapulisan, nag usap usap na rin ang mga grupong magkakasama at sama sama na rin silang naghanda para sa paghuli sa malaking sindikato na si Mr. Delgado.

"Kamusta ka na?" Seryosong tanong ni Gail sa kaibigang tenyente na naninigarilyo na sa labas ng headquarters.

Taka naman napatingin si Mickenzie sa kaibigan din niyang tenyente habang bahagya pa itong natatawa.

"Gago! Seryoso kasi!" Singhal na ni Gail kaya napaiwas na lang naman ng tingin si Mickenzie.

"Okay naman, humihinga pa naman, kita mo naman oh" Sagot ni Mickenzie sa kaibigan.

"E yang puso mo? Ikakasal na sa makalawa si Cloie at Doktora oh" Dagdag na tanong pa ni Gail kaya napahinga na lang naman ng malalim si Mickenzie.

"Wala na sa isip ko yan, iniisip ko ngayon ay kung paano natin mahuhuli si Mr. Delgado sa planong hindi masisira ang kasal ng kapatid ko at ni Doktora" Sagot ng tenyente.

Napailing na lang naman ang kaibigan niyang si Gail.

Minsan talaga ang hirap din maging sobrang mapagmahal at mabait.

"Ikaw ba? Kamusta yang puso mo? Wala pa ba kayong plano ni Madison?" Tanong na ni Mickenzie sa kaibigan.

"Meron kaso marami pang kailangan tapusin si Madison Kim sa ngayon" Seryosong sagot na ni Gail kaya taka naman na napatingin sa kaniya ang isa pang tenyente.

"Gaya ng?"

"Gaya ng pamilya niya, marami pa siyang plano para sa pamilya at sa sarili niya pero mabuti na rin yon para makapag ipon pa ako para sa future namin pareho" Nakangiting sagot ni Gail kaya napangiti na lang din naman si Mickenzie.

"Proud ako sayo" Seryoso ng usap ni Mickenzie kaya taka naman napatingin sa kaniya ang kaibigan niyang si Gail.

"Kasi nalagpasan mo ang mga bagay na kinakatakutan natin mga pulis, nalagpasan mo yung takot na magmahal, nalagpasan mo ang mga pangamba natin pare-pareho at hangang hanga ako sayo dahil nilaban mo yung mga bagay na akala natin hindi natin pwedeng makamtan at maramdaman"

"Ngayon ko talaga masasabi na mas matapang ka talaga kumpara sa akin, maswerte ako't naging kaibigan kita" Natatawang dagdag pa ni Mickenzie at tinapik tapik na ang braso ng kaibigan.

"Makapag salita ka naman parang namamaalam ka na"

"Hoy! Mickenzie! hanggang kamatayan tayo di ba nga?" Suway na ng kaibigan nitong si Gail.

"At matagal pa yon dahil parehas pa tayong bubuo ng mga sari-sarili natin mga pamilya nila Janie" Seryoso pa ring usap ni Gail.

"Pamilya?" Tanong na lamang ni Mickenzie.

"Wala sa bokabularyo ko yung salitang yon, Gail" Dagdag na usap pa nito bago ulit magsinde ng panibagong sigarilyo.

"Mickenzie ——

"Masaya ako para sa inyo, Gail"

"Oo, magkakaibigan tayo pero hindi naman ibig sabihin non e pare-pareho na tayong magkakaroon ng mga bagay na palihim na hinihiling natin na sana meron tayo" Pagpuputol ni Mickenzie sa sasabihin ni Gail.

"Ano na plano mo pagtapos ng kasal ni Amari at ng kapatid mo?" Seryosong tanong na ni Gail sa kaibigan.

"Wala, walang magbabago kahit ikasal si Cloie at Doktora Asuncion" Simpleng sagot ni Mickenzie kaya taka naman siyang napatingin dito.

Doktora Asuncion? Bago yon ah

Pagkatapos mag usap ng dalawang tenyente ay napagkasuduan na nilang magpahinga na sa kani-kanilang mga bahay kaya agad naman na nagdrive ang mga ito paalis ng headquarters.

Pagdating sa bahay ay agad naman binagsak ni Mickenzie ang katawan niya sa sofa at doon nakipagtitigan sa kisame.

pare parehas pa tayong bubuo ng mga sari-sarili natin mga pamilya

"Paano?" Natanong na lang naman ni Mickenzie sa sarili niya.

Inis naman na muna niyang ginulo ang buhok niya bago tuluyan tumayo sa pagkakahiga bago tuluyang dumiretso sa kusina niya para kumuha ng bote ng beer.

Napatigil naman siya sa paglalakad ng bigla niyang makita ang imbitasyon na binigay sa kaniya ng doktora.

"Ito na yata ang pinaka weird na imbitasyon na natanggap ko" Usap niya sa sarili niya habang tinitignan ang imbitasyon.

Ibang-iba kasi ang imbitasyon na iyon kumpara sa ibang normal na imbitasyon dahil tanging date at lugar lang ang nakalagay doon at wala ng iba.

Nagpatuloy na lang naman sa pag iinom ang tenyente ng bigla naman mayroon nag doorbell sa bahay niya.

Agad naman lumabas ang tenyente para tignan kong sino iyon at nagulat naman siya sa nakita niya.

"Mrs. Delgado?"

AMARIWhere stories live. Discover now