CHAPTER XVII

987 45 0
                                    

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

Ang hirap talaga kapag pilit na sumasabay sa trabaho mo ang mga problema mo.

Hindi mo pa nga natatapos yung isang problema, may dadagdag pa.

Tsk! Tsk!

Gagawin mo na nga lang trabaho mo't lahat lahat ganon pa makikita't malalaman mo.

"Paunahan na lang oh" Nasabi ko na lang ng makatayo na rin ako sa barrier ng rooftop dito sa hospital.

Narinig ko naman ang malakas na sigawan mula sa baba kaya napailing na lang naman ako.

"Tenyente Santiago?" Gulat na tanong ng batang kanina pa nakatayo rito sa itaas.

"Anong problema?" Tanong ko sa kaniya, hindi naman siya sumagot at nanatili lang siyang nakatayo roon habang nakatingala na sa langit.

"Pwede kang magsabi sa akin kung anong problema mo" Usap ko pa sa kaniya pero nakita ko naman na umiling siya at napapangiting humarap sa akin.

"Hindi ko ugaling magsabi ng problema sa kahit na sino"

"Dahil alam ko na kapag nagsabi ako ng problema sa kahit sino, gagamitin lang nila yon laban sa akin, iisipin lang nila na mahina ako at iisipin lang nila na masyadong madrama tong buhay ko" Sunod-sunod na usap niya kaya napahinga na lang naman ako ng malalim.

"Yan ang malaking problema mo, bata" Usap ko sa kaniya at kita ko naman na tumingin pa siya sa akin.

"Ayaw na ayaw mong magmukhang mahina sa iba kaya mas pinipili mo na lang sarilinin yan mga problema mo"

"Pero habang tumatagal, hindi mo na namamalayan na unting-unti na palang naiipon yan problema mo na siyang dahilan kung bakit ka ngayon nagkakaganito" Paliwanag ko.

"Sa totoo lang, awang awa ako sayo, hindi mo man lang sinubukan solusyunan, sigurado naman akong maraming makikinig sayo diyan, ikaw lang talaga tong masyadong maraming gustong patunayan" Napapailing na sabi ko pa sa kaniya.

"Sabi nga nila, no man is an island, kakailanganin at kakailanganin pa rin natin ang tulong ng iba, kahit na sabihin pa natin na tayo na ang pinaka matatag at malakas na tao rito sa mundong ginagalawan natin"

Hindi naman siya sumagot at tahimik lang siyang umiiyak sa tabi ko.

"May babae akong nakilala diyan sa unibersidad ng Isidro" Biglang usap niya kaya napabilog na lang naman ang bibig ko.

Sabi na buhay pag-ibig to e. Mga kabataan nga naman talaga.

"Naging magkaklase't magkaibigan kami, pero habang tumatagal hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala yung loob ko sa kaniya" Kwento pa niya kaya napatango na lang naman ako.

Ang hirap kasi sa pag-ibig na yan, bigla na lang dumadating ng walang pasabi

bigla na lang ipaparamdam sayo ng walang paalam.

Pangit kabonding!

"Kaya lahat talaga ng ginagawa ko ay para sa kaniya, ginagawa ko lahat para protektahan siya, ginagawa ko lahat para sumaya siya" Kwento pa niya kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Oh? Anong problema?" Takang tanong ko sa kaniya

"Kaibigan ko yung gusto niya" Sagot niya na siyang nagpatahimik talaga sa akin.

Ouch!

"Sobrang close namin ng kaibigan ko na yon, tenyente. At hindi ako tanga para hindi mahalata na gusto na rin niya yung taong mahal ko" Dagdag pa niya

"Magkaiba ang gusto sa mahal, sinubukan mo na bang umamin sa kaniya?" Tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.

"Natatakot ako sa sasabihin niya, natatakot akong mabalewala lang yung samahan namin"

"Sobra na yung sakit, ayoko ng dagdagan"

Bilib din talaga ako rito sa pag-ibig na ito e. Iisa lang naman pero ang dami daming emosyong pinaparamdam.

"At ito ang solusyon na nakikita mo?" Tanong ko sa kaniya, hindi naman siya sumagot at pinunasan lang ang luha niya.

"E, siraulo ka pala e! dadagdagan mo lang problema mo lalo rito e!

"Ang baba lang nito, fourth floor. malamang sa malamang nito, mababalian ka lang ng buto at maaagapan pa yon kasi nandito ka mismo sa hospital" Napapailing na sabi ko na lang sa kaniya.

"Pasensya na, tenyente" Usap na niya.

"Tandaan mo ito, ang taong totoong nagmamahal, walang hinihintay na kapalit, problema na nila yon kung hindi nila kayang ibalik ang pagmamahal na yon, basta tayo nagmahal lang tayo" Usap ko sa kaniya

"Nagmahal ka na ba talaga, tenyente?" Tanong niya.

Tignan mo itong batang ito, chismoso.

"Oo, siguro?" Sagot ko. Taka naman siyang tumingin.

"Hindi ka sigurado?" Tanong pa niya kaya umiling naman ako bilang sagot

"Sino siya?" Tanong pa niya kaya natawa na lang naman ako.

"Tsaka ko na lang sabihan sayo kapag sigurado na ako" Usap ko pa sa kaniya at lumapit na ako ng bahagya sa kaniya.

"Ganito ang gawin mo, maging bukas ka sa mga kaibigan at magulang mo patungkol sa mga problema mo, hindi ka nag iisa, tandaan mo yan. At yung tungkol sa taong mahal mo, umamin ka, wala naman mawawala, dahil gaya nga ng sabi ko, iba ang mahal, sa gusto lang, malay mo"

"Tsaka kung totoo mo naman mahal ang isang yan, hinding-hindi ka talaga maghihintay ng kapalit, masaya ka ng masaya siya kahit na iba ang kasama niya" Tumango naman siya sa akin bilang pang sang ayon.

Sabay pa kaming napalingon ng biglang may tumawag sa kaniya.

"FELIX!" 

Doon ko naman nakita ang isang babae na halos kasing edaran niya rin at walang ano ano'y agad na rin bumaba mula sa barrier si Felix at patakbong lumapit sa babae para yakapin na ito.

"Ako na lang kaya tumalon rito" Napapailing na lang na sabi ko

"Bumaba ka na riyan at baka ako pa mismo magtulak sayo riyan" Napalingon naman ako sa nagsalita at laking gulat ko naman ng makitang nandito na rin si Doktora Amari at ilang mga pulis.

Agad na rin naman akong bumaba sa barrier at niradyo na kila Gail sa baba na ayos na ang lahat.

"Tenyente, salamat po, pasensya na rin po sa abala"

"Sa inyo rin po, doktora" Paghihingi na niya ng paumanhin sa amin.

"Nako kang bata ka! Huwag mo ng uulitin yon ah" Usap na ni Amari sa pasyente niya.

"Opo, doktora. Natauhan na ako sa pinagsasabi ni Tenyente"

"At tama siya, hindi dapat sarilinin ang mga problema, gumaan na yung loob ko ng sabihin ko na sa kaniya mga problema ko" Usap pa niya kay Amari kaya napatingin na lang naman ito sa akin.

"Umamin ka na, Felix. Bago pa mahuli ang lahat" Nasabi ko na lang sa kaniya bago sila tuluyan iwan roon kasama ng ilan mga nurse at mga pulis.




Pagdating sa problema, walang malaki, walang maliit

Maaring maliit lang iyon pagdating sa iyo pero napaka laki na pala nito pagdating sa ibang tao

Kaya wala tayong karapatan husgahan ang pinagdaraanan ng isang tao

Bagkus dapat mas bigyan pa natin sila ng oras para pakinggan at intindihin

Nang sa gayon ay maiwasan sumagi sa isip nila ang mga bagay na hindi dapat na gawin

Na dapat iparamdam natin sa kanila na merong ikaw, ako, tayo, sa buhay nila at kailanman ay hindi sila mag iisa sa problema nila, malaki man yan o maliit

AMARIWhere stories live. Discover now