CHAPTER LI

1.7K 59 16
                                    

"Boss J naman"

"Ipapasundo mo na lang ako sa anghel mo yung kamukha pa talaga ni Doktora" Usap na ng dating tenyente ng unang makita ang doktora ng tuluyan na niyang mamulat ang kaniyang mga mata.

"Pero mahal na mahal ko talaga ang isang to" Aniya pa ng dating tenyente ng mahawakan na niya ang mala anghel na mukha ng doktora.

Agad naman nagising ang doktora at nagulat pa ng makitang gising na ang dating tenyente, natawa naman ang dating tenyente sa reaksyon ng doktora kaya bahagya pang humapdi ang bandang tagiliran nito.

"Aray ko" Natatawa pa rin usap ng dating tenyente.

"Ayan! Karma!" Inis na aniya ng doktora habang kinukuha na niya ang mga gamit niya upang icheck na ang kalagayan ng dating tenyente.

Ngunit habang chinecheck na ng doktora ang dating tenyente ay muli pa itong umusap.

"Sino ka?" Tanong nito sa doktora, napatigil naman ang doktora sa pag check sa dating tenyente kaya taka naman niyang tinignan ito.

"Sira! Nabaril ka hindi ka naaksidente!" Natatawa ng aniya ng doktora kaya napangiti na lang naman ang dating tenyente.

Agad din naman siyang inalalayan ng doktora ng bahagya pa siyang tumayo upang makaupo.

"Dahan dahan" Paalala ng doktora.

"Kamusta ka?" Tanong na ng dating tenyente sa doktora kaya taka naman napatingin sa kaniya ang doktora.

"Hindi ba ikaw ang dapat kong tanungin niyan? Ikaw tong nabaril at hindi gumising ng halos isang buwan oh" Takang aniya ng doktora.

"Hindi biro ang mga kaguluhan na nakita mo non at hindi rin biro ang mga putok ng baril na narinig mo pati na rin ang mga ginawa mo dahil lang sa walanghiyang Delgado na yon" Seryoso ng aniya ng dating tenyente.

"Okay lang ako" Nakangiting sagot na ng doktora at hinawakan na ang kamay ng dating tenyente.

"Okay na rin ang mga nakapaligid sa atin, makukulong na habambuhay si Mr. Delgado, ang mommy at daddy mo okay na sila, nagkabalikan na rin sila Cloie at Sherryl, malapit na nga silang ikasal e, ikaw lang talaga tong hinihintay nila" Nakangiting balita ng doktora.

"Amari"

"Hmm?"

"Mahal kita" Biglang usap ng dating tenyenteng nakatitig sa mga mata ng doktora habang hawak hawak na ang kamay nito.

"Matagal ko ng alam yon" Natatawang usap ng doktora.

"Nalaman ko yon ng lumapit sa akin ang kapatid mo para humingi ng tulong"

"Nalaman kasi ni Mr. Delgado na ako nga ang nagugustuhan mo at kagaya ng sinabi niya nung araw na barilin ka niya ay nasa plano niya talagang saktan ka kagaya ng naramdaman niya ng si General ang piliin mahalin ng mommy niyo"

"At kapag hindi sumunod si Cloie at kapag hindi niya ako nakuha ay binalaan niya si Cloie na papatayin niya kayo ni General at ng mommy niyo" Kwento pa ng doktora sa dating tenyente.

"Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin? Tsaka bakit ka pumayag sa plano nilang yon?" Takang tanong na ng dating tenyente.

"Kasi natatakot akong mawala ka" Maluha luha ng sagot ni Amari.

"Bakit?"

"Kasi nagugustuhan na rin kita!" Sagot ng doktora na siyang kinabigla ng dating tenyente.

"At habang tumatagal ay lalong lumalalim na ang nararamdam ko sayo"

"Nararamdaman?" Takang tanong pa ng dating tenyente.

"Mahal na rin kita, Mickenzie" Naiiyak ng usap ng doktora.

Totoo pala talagang mahal niya ako?

Akala ko panaginip lang.

"Alam mo bang nakatakda na akong dumistino sa Maynila pagtapos namin dito sa kaso namin kay Mr. Delgado?" Aniya pa ng tenyente habang pinupunasan na ang luhang pumatak sa mga mata ng doktora.

"H-huh? Hindi ba pwedeng dito ka lang? Dito sa Isidro, kasama ko" Umiiyak pa ring usap ng doktora kaya agad na rin naman siyang niyakap ng dating tenyente.

"Hindi ko naman na tinuloy yung plano kong yon, nung una, oo pursigido na ako pero habang tumatagal e, napagtanto ko rin na hindi ko pala talaga kayang mapalayo sayo"

"Tsaka ikaw ang commander ko e, paano ako tatanggi sa order mo" Natatawa ng usap ng dating tenyente habang yakap yakap pa rin ang doktora.

"Kaya wag ka ng umiyak"

"Wala sa plano kong makita kang umiiyak ng dahil lang sa akin" Seryoso ng aniya ng dating tenyente at hinalikan na sa sentido ang doktora.

"Gab?" Bulong na ng doktora sa dating tenyente habang magkayakap pa rin ang mga ito.

"Po?"

"Naalala mo ba yung tinanong mo ko sa isla kung kamusta kami ng taong mahal ko at kung masaya ba ako?" Tanong ng doktora at agad naman tumango ang dating tenyente.

"Alam mo bang ikaw yung tinutukoy ko roon?" Dagdag na usap pa ng doktora kaya sinilip pa muna ng dating tenyente ang mukha nito kung nagsasabi ba ito ng totoo.

"Totoo?" Nakangiting tanong pa ni Mickenzie kaya agad naman tumango si Amari.

"Astig na astig talaga ako sayo nung unang beses kitang nakita, nabaitan na rin ako sayo non kasi nakita ko kung paano ka makitungo sa mga bata at matatandang pasyente ko nung araw na yon"

"Masaya rin ako, masaya ako kasi kahit hindi mo mismo sabihin sa akin non na mahal mo ko, ramdam na ramdamn ko pa rin, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang pag aalaga at ang pagliligtas mo sa akin, no" Natatawang kwento pa ng doktora.

"Alam mo bang pwede na akong mamatay?" Tanong ng dating tenyente.

"Gab naman" Inis ng aniya ng doktora.

"Para akong sasabog sa sobrang saya, buong buhay ko natakot akong magmahal, akala ko hindi ko pwedeng maramdaman yung ganito pero binago mo lahat ng paniniwala ko"

"Dahil ang sarap pala sa pakiramdam na kapag mas pinili mong magmahal kaysa magpakulong sa sarili mong takot"

"Patawarin mo ako kung naging duwag ako, patawarin mo ako kasi hindi ko agad naamin sa sarili ko na talaga palang sigurado na ako sa pagmamahal ko sayo, patawarin mo ako kasi hindi ko agad nasabi sayo kung gaano talaga kita kamahal at kagusto" Umiiyak na rin aniya ng dating tenyente habang hawak hawak na ang magkabilang pisnge ng doktora.

"Amari, mahal na mahal ki——————

Hindi naman na natapos ng dating tenyente ang sasabihin niya ng bigla na lang siyang pinatahan ng doktora gamit ang labi nito.

Talaga naman pinatunayan ng dalawa ang pagmamahalan nila sa isa't isa sa pamamagitan ng kanilang mga labi at umabot na nga sa punto na hindi na nila namamalayan na pumasok na pala sa kwarto ng dating tenyente ang mga kaibigan na dapat ay dadalaw rito.

"Oops! Spg" Pabulong na usap ni Stanaiah ng mauna siyang pumasok at makita ang dalawang kaibigan.

"Bawal istorbohin yung ganyan, mamaya na lang" Dagdag pa ni Gail habang hila hila na ang mga kaibigan.

"Baka bigla na lang tayong barilin niyan" Natatawa pang dagdag ni Madison.

"Ganon ba yung CPR? Cpr mo nga ako Janie" Dagdag na usap pa ni Stanaiah at bahagya pang lumapit sa nobya.

"Sumbong ko kaya si Ate Amari kay Tito Dick na may kahalikan yung anak niya" Biglang usap pa ni Janie na siyang dahilan ng pagtawa lalo ng magkakaibigan.

AMARINơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ