CHAPTER XVIII

1K 43 0
                                    

GAIL AZENITH'S POV

"Madison, kausapin mo naman ako" Habol ko sa kaniya papasok ng unibersidad kong saan siya nagtuturo. Kita ko naman na napatingin sa amin ang ilang mga estudyante kaya napapailing na lang naman siya habang hila hila na ako ni Madison papunta sa kung saan na hindi ko naman alam.

"Ano bang problema mo?" Tanong niya sa akin ng makarating na kami sa likod na bahagi ng isang pasilidad ng unibersidad na para bang isa itong sikretong hardin dito sa pinagtratrabahuhan niya.

"Ikaw, ikaw ang problema ko" Sagot ko sa kaniya kaya hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa akin.

"Wow! Ako pa talaga tong problema mo ah! pasensya na, Gail ah, sorry" Hindi makapaniwalang usap niya kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

"Madison naman" Nasabi ko na lang.

"Alam mo, Gail, tsaka mo na lang ako kausapin kapag handa ka na at hindi ka na takot patunayan yang mga sinasabi at pinaparamdam mo sa akin" Usap pa niya at akma pang aalis sa harapan ko, agad ko naman siyang pinigilan at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

"Mahal kita" Nasabi ko na lang pero nanatili lang siyang nakatingin sa mga kamay namin.

"Narinig ko na yan, Gail" At sabay hila sa kamay niya mula sa pagkakakapit ko.

"Yung hindi takot na ikaw ang kailangan ko, Gail"

"Yung matapang na ikaw ang kailangan ko dahil ako, alam ko sa sarili ko na buong tapang kong haharapin kung ano man ang pag daraanan natin" Dagdag pa niya.

"Gail, alam mong mahal din kita, pero kung patuloy ka pa rin magpapalamon diyan sa takot mo, baka tama lang na hanggang dito na lang to" Huling usap pa niya bago tuluyan umalis sa harapan ko.

Napahinga na lang naman ako ng malalim at inis na sinipa ang bato na nasa harapan ko.

"Chill! Baka may tamaan ka, edi dagdag problema pa" Napalingon naman ako sa nagsalita at doon ko nakita si Mickenzie na nakaitim na jacket at sumbrero.

"Bakit ganyan ang suot mo? Tsaka anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko sa kaniya.

Hindi naman siya sumagot at dire diretso lang siyang humiga sa damuhan.

"Tanda mo pa ba yung nabanggit ko sayo na suspek ko sa kasong hinahawakan natin?" Nakapikit na tanong niya sa akin.

"Oo, bakit?" Tanong ko sa kaniya at tumabi na rin sa kaniya.

"Matagal ko na sinusundan yung tao na yon" Sagot niya kaya gulat naman akong napatingin sa kaniya.

"Nang hindi mo man lang ako sinasama?" Inis na tanong ko sa kaniya

"Paano kita isasama kung yung sariling problema mo hindi mo masolusyunan" Bwiset na usap niya sa akin kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

"Hindi naman kasi madali tong papasukin namin ni Madison, Mickenzie" Usap ko sa kaniya.

"Madali na lang yan" Sagot pa niya.

"Wow! E parehas lang naman tayong takot dito, Mickenzie" Hindi makapaniwalang usap ko sa kaniya. Umiling naman siya at tumingin pa sa akin.

"Magkaibang magkaiba ang mga sitwasyon natin ngayon, Gail. Oo parehas tayong takot, ang pinagkaiba lang, may dahilan ka para maging matapang kasi alam mong mahal niyo ni Professor Madison Kim ang isa't isa"

"Doon pa lang sa punto na nalaman mong mahal ka rin niya ay worth it ng ilaban lalo pa ngayon na sinabi pa niyang buong tapang niya kayang harapin ang mga pagdaraanan niyo" Dagdag niya pa kaya napapailing na lang naman ako.

"Maswerte ka dahil mahal ka at handa kang ilaban ng taong mahal mo at huwag mo sanang sayangin yung mga ganong taong dumadaan sa buhay mo. Gail" Seryosong usap pa niya kaya napapangiti naman ako.

"Ganyan din ba sinabi mo ron sa binatang nagtakang tumalon nung nakaraan linggo sa hospital?" Natatawang tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya.

"Hindi, malayo"

"Magkaibang sitwasyon kayo ni Felix, ikaw, mahal ka ng mahal mo, siya, ang gusto ng mahal niya ay yung kaibigan niya" Paliwanag pa niya, natatawa naman akong humarap sa kaniya.

"Kaya pala sisiw lang sayo yung insidente kasi nagkakaintindihan kayo pareho" Natatawang usap ko pa sa kaniya.

"Parehas!?" Kunwari pang takang tanong niya.

"E diba yung taong mahal mo, yung kapatid mo yung gusto" Usap ko sa kaniya kaya hindi naman na siya kumontra pa at huminga na lang ng malalim.

"Kaya nga dapat lang na buong tapang mo ng ilaban yang inyo ni Madison Kim" Usap na niya kaya gulat naman akong tumingin sa kaniya.

"Siguro nga pero hindi ko pa rin nakakalimutan na hindi mo tinanggi na mahal mo na" Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Sino ba?" Kunwari pang tanong niya

"Sino siya?" Tanong ko rin sa kaniya, napapailing naman siyang tumayo at dire-diretsong naglakad palayo sa akin, agad ko rin naman siyang hinabol para akbayan siya at kunin ang sumbrero niya para isuot yon sa akin.

"Mga tenyenteng mapagmahal" Bulong ko pa kaya sabay naman na kaming natawa parehas.

"Siraulo!" Sigaw pa niya at bahagya pa akong tinulak.

"Pero seryoso, Gail" Biglang seryosong usap niya at humarap pa sa akin.

"Si Professor. Madison Kim Acosta na yon, huwag na huwag mo na sayangin yon" Usap pa niya kaya napatango na lang naman ako.

"Hindi ko nga alam kung haharapin pa ako non" Usap ko na lang sa kaniya, siya naman ang umakbay sa akin at ginulo pa ang buhok ko.

"Ako bahala sayo, sabihan mo lang kung kailan mo gusto, ako mismo susundo rito sa mapapangasawa mo" Biro pa niya kaya nakangiti naman akong tumango sa kaniya.


Laging sinasabi ni Mickenzie na maswerte siya dahil may kaibigan at parang kapatid na rin siya gaya namin ni Janie pero hindi niya alam ay kami ni Janie ang maswerte sa kaniya.

Handa siyang gawin ang lahat para sa amin ni Janie, hindi siya nagdadalawang isip na tulungan kami at ang mga nakapaligid sa amin.

Kaya dapat lang na gumawa ako ng hakbang para matulungan din siya, matulungan siya sa problema niya na pilit niyang tinatakasan.

AMARIWhere stories live. Discover now