#01 | Bakasyon

1K 20 4
                                    

Ang sariwa ng hangin, Wala kang maaamoy na usok mula sa mga pabrika o modernong sasakyan. Hindi pa rin talaga matutumbasan ng maynila ang pakiramdam kapag nasa probinsya ka.

Lumuwas ako pauwi ng pangasinan upang dalawin ang aking lola, Mga tatlong buwan rin akong hindi nakakabisita dulot ng napaka-busy na schedule. Ibinaba ako ng tricycle sa harap ng gate ng bahay ni lola, Tinulungan pa ako ni manong ibaba ang mga bagahe ko.

"Salamat po ito po ang bayad." Iniabot ko sa kaniya ang singkwenta, Walang sali-salitang tinanggap ito ng manong at umalis na kaagad, Na-weirduhan man ay hindi ko na lamang iyon pinansin. Binuksan ko ang puro kalawang na gate na gumawa nang langitngit na ingay.

"Dapat na siguro 'to palitan, Mapagawa nga habang nandito." Tumuloy-tuloy ako hanggang sa marating ang bahay, Kumatok ako nang tatlong beses; "Tao po! Si Janilla po ito!" Naghintay akong mabuksan ang pinto, Habang walang sumasagot sa aking katok ay luminga-linga ang aking paningin sa paligid. May mga sapot ng gagamba sa ding-ding, Mga halamang hindi nadiligan kaya namatay na. Ayos lang kaya si lola? Hindi naman common na hindi siya naglilinis or nagdidilig dahil iyon ang libangan niya.

Maya-maya ay nabalik ako sa huwisyo nang bumukas na ang pinto, Lumabas si lola na may ngiti. May naramdaman ako na parang hindi siya ang kaharap ko pero bakit naman hindi magiging siya iyon?

"Sino ka..?" Tanong nito, Nakakapagtaka para bang hindi niya boses iyon? At bakit niya naman tatanungin kung sino ako? Ako lang yung nagiisa niyang apo.

"Lola, Ako po si Janilla apo niyo po sa anak niyong si Lamuer." Pagpapakilala ko at ngumiti. Wala itong ekspresyon at tumingin lang sa akin nang may naglalakihang titig. "Pasok." Saad nito, "Ahehe sige po saglit lang ipapasok ko po mga gamit ko." Saad ko at iniwan ang unang bag na dala ko.

Naipasok ko na lahat nang dala-dala kong gamit ngunit, Doon na ako nakaramdam ng bagsak ng klima sa sala; Ang hindi kaaya-aya na amoy ng kwarto na parang may nabubulok o patay na hayop.

Naubo ako at nagtakip ng panyo sa ilong, "Ayos ka lang ba?" Tanong biglaan ni lola, Nagulat ako dahil nasa likod ko na siya kaagad. "O-Opo lola, Akyat lang po ako." Isa-isa kong inakyat ang mga maleta ko habang dumaretso naman si lola sa kusina at nagpu-putol ng mga sahog na para siguro sa kung ano man ang niluluto niya.

Mas tumindi ang amoy na hindi ko gusto, Saan naman kaya galing 'yon? Ang baho! Inayos ko ang mga gamit ko sa guest room na nakasanayan ko naman nang pagtulugan tuwing nandito ako.

Dahil sa pagod dulot nang byahe, Natulog ako at nagpahinga.

Nagising ako at gabi na, Nakaramdam ako nang gutom at tumingin ako sa relos ko alas siyete na. Nagpalit ako ng damit at kumatok sa kwarto ni lola para sana ayain siya kumain, Yung amoy na naman na 'yon nandon na naman.

"Lola?" Saad ko, Walang nagsalita kaya binuksan ko na.

Bakit?

Bakit nakahiga si lola sa sahig? Nakalabas yung laman loob at... nakadilat? Sa kaniya galing yung amoy.. Hindi ko alam ang gagawin ko, Ano 'to?

It took me awhile before I realized what happen. Kung sa kaniya galing ang amoy.. Sinong kausap ko.. kanina?

Dahil sa panic at kaba, Tatakbo na sana ako paalis ng bahay leaving all of my things behind.
"Apo.." May tumawag, May tumawag sakin! Hindi ko iyon pinansin at dali-dali na lang sa pintuan pero hindi ko iyon mabuksan. "Magbukas ka! Argh!" Pinagsisipa ko na ito hanggang sa sumuko na lang ako. Tila ba may enerhiyang humawak sa akin dahilan para hindi ako makagalaw. Dahan-dahan umikot ang ulo ko at narinig ko ang lagutok ng mga buto ko sa leeg.

Ang kamukha ni lola na nakabaligtad rin ang ulo na nakaharap sa akin pero ang katawan ay nakatalikod at dahan-dahang naglalakad patalikod papunta sa akin ay duguan at may kinakain na sa tingin ko ay ang loob-looban ng lola.

"Kain tayo apo?"

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now