#30 | Driver

41 3 0
                                    

Isang normal na umaga ng biyernes, Huling byahe ni Mang Alfredo sa trabaho niyang service ng mga nagt-trabaho sa isang opisina.


Inihinto niya ang service vehicle sa tapat ng opisina at doon bumaba ang mga pasahero, May sasakay at bababa. Dahil magkasalungat ang mga nagt-trabaho sa call center ay minsan wala na siyang tulog.

Hinihintay niyang mapuno ang service vehicle upang maihatid pauwi ang mga employee ngunit nagulat siya nang tapikin siya ng isa sa mga sumakay, "Oh Mang Alfredo? Kakamustahin lang kita magugulatin ka pala." Saad ni Lawrence, Isa sa mga sumakay sa service vehicle.

Tumawa na lamang si Mang Alfredo at napa-krus sa kaniyang noo, "Pasensya na, Labing tatlong taon akong nagmamaneho para sa mga kabaong kaya magugulatin ako." Saad nito pero nagtaka siya at tumingin sa likod, Pagkabaling niya nang tingin sa kaniyang likuran ay isang kabaong pala ang nandoon at nananaginip lamang siya.

Siya pa rin ay nagmamaneho para sa mga kabaong at may kumalbit sa kaniyang balikat.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now