#20 | Sanggol

68 5 0
                                    

Sabihin man nang nakararami na ang trabaho ko ay madumi at hindi ka-ayaaya. Sa paraang ganito ako nabubuhay at nakaka-kain.

Kapit sa patalim ang tawag dito, Pinaglawayan man ako ng Iba't-ibang lalaki wala pa akong hinalikan sa labi. Ang trabaho ko ay ang maging bayarang babae, Binabayaran ako bawat oras sa pamamagitan nang pagpapasaya sa lalaking kostumer.

Tulog ako sa umaga at sumasayaw nang walang saplot sa gabi. Halatang wala nang magmamahal sa akin dahil marumi akong babae, Sa sobrang dumi ay wala nang makakalinis nang aking kalat.

Bawat gabi ay binabangungot ako nang mga iyak at boses nang mga sanggol, Tinakpan ko ang aking tenga at sumiksik sa sulok ng aking kuwarto.

Ang iyak ng bata na ayaw kong marinig pero patuloy na nangiistorbo sa akin dahilan pati sa pagtulog ko ay naririnig ko ito kaya hindi na rin ako makatulog.

Napagtanto ko na ang mga iyak na aking naririnig ay iyak ng mga batang pinalaglag ko dulot nang lagi akong nabubuntis nang iba't-ibang lalaki.

Binabangungot ako araw-araw dahil sa pagpatay ko nang mga inosenteng buhay.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now