#42 | Elevator

46 3 0
                                    

Inayos ko ang suot kong shirt at pantalon, Nalukot kasi sa loob ng bag. Alas-una na ng umaga at kakatapos pa lang ng shift ko sa hospital. Nananakit na rin binti, tuhod talampakan maging ang ulo ko dahil sa pagod at dulot ng maghapon akong nakatayo.

Napahilot ako sa aking sintido at nag-unat-unat, Nang marating ko ang elevator ay pinindot ko ang button para magbukas ang elevator sa floor na kung nasaan ako, Floor number 4.

*DING*DING*

Tumunog ang bell ng elevator na ikinagulat ko, Inabangan ko namang bumukas ang elevator at may babaeng nasa sulok ang naka-sakay doon.

Pumasok ako at tumayo sa katapat na sulok ng elevator, Agad kong naamoy ang parang nabubulok na karne. At ang biglang pagsama ng pakiramdam ko, Siguro sobrang pagod ko na talaga dahil wala akong tulog at kain. Pati yung nabubulok na karne, Siguro na-stuck na sa ilong ko ang amoy ng mga bangkay sa morgue.

Ang puti naman ni ate, Lagi bang nagk-kojic?

"Uhm, Miss? Puwede po pasuyo? Ground floor po." Binaling ko ang tingin sa kaniya saglit at nag-request na pakipindot ang floor ko. Sa sobrang pagod ay sinabi ko 'yon tutal malapit naman siya doon. Hindi siya umiimik kaya nahihiyang lumapit na ako sa may pindutan ng mga floors at pinindot ang ground floor.

Sinara ko na rin ang pintuan ng elevator pero may gustong humabol na lalaking naka-hospital gown. Parang puyat ito at dilat na dilat ang mata, Namumutla rin. Hindi ko pinigilan ang pintuan at hinayaang magsara ang elevator.

Buti na lang at hindi nakaabot ang lalaki at tuluyang nagsara ang pintuan g elevator. Nagpakawala na lamang ako ng buntong hininga.

"Bakit hindi mo siya pinapasok?" Rinig kong tanong sa aking gawing kaliwa, Hindi na ako bumaling pa upang magpaliwanag sa kaniya dahil talagang pagod na ako. "Kita mo yung tag sa pulsuhan niya? Patay na 'yon, Kulay itim. Kaluluwa na 'yon kaya di ko pinapasok." Pagpapaliwanag ko habang nakapikit. Iniayos ko ang aking tayo dahil umandar na ang elevator.

Lumakas ang hindi maipaliwanag na kaba sa buo kong katawan, Bumagsak din ang klima sa loob ng elevator.

"Ahh.. Katulad ba nito?"

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang